MULING SINULYAPAN ni Aria ang bahay na tinirhan niya ng ilang buwan bago ito tuluyang lisanin. Ito ang bahay kung saan marami siyang maiiwang alaala nila ni Helius. It's been two days since she last saw Helius.Sa isang iglap ay wala na siya sa mundo nito dahil nakatuon na ang pansin nito sa bubuuin nitong pamilya. Naawa siya sa batang nasa kanyang sinapupunan dahil lalaki ito na walang makikilalang ama.
"Mamahalin kita ng sobra pa sa pagmamahal ng isang kompletong pamilya," saad niya habang hinahaplos ang wala pang umbok na puson.
"Okay ka lang ba, Aria?" tanong sa kanya ni Tessy. Pinahiram sa kanila ni Josh ang kotse nito para maisakay ang kanyang mga gamit.
Napagdesisyunan niya na umuwi sa mga kapatid niya para na rin malayo kay Helius at makalimutan ang lahat. Balak niya na umuwi silang magkakapatid sa probinsiya na kinalakhan nila para doon manirahan at para makasama ang alaala ng ina.
"Ayos lang ako. Tara na."
Pinaandar ni Tessy ang kotse ngunit hindi pa nakakausad ay may kotseng humarang sa kanilang daraanan. Mabuti na lang nakapagpreno si Tessy dahil kung hindi ay mababangga nila ito.
May bumaba sa kotseng humarang sa kanila. Hindi na siya nagulat nang makita si Keana.
"Nababaliw na ba ang babaeng ito? Mandadamay pa ng mga inosenteng tao sa kabaliwan niya." Galit na wika ni Tessy na akmang lalabas ng kotse ngunit pinigilan niya.
"Kapatid siya ni Helius. Ako na ang bahalang kumausap sa kanya."
Bumaba siya ng kotse para harapin si Keana.
"Saan ka pupunta, Aria? Akala ko nagbibiro lang si Kuya na aalis ka na pero heto ka at paalis na nga. Is this because of Charity's pregnancy?" Frustration. Yan ang tanging nakikita niya sa mukha ni Keana. " It's not yet sure na kay Kuya na anak 'yon, Aria. Please, give Kuya some time to make things right."
Nginitian niya si Keana.
"You've been good to me since day one, Keana. Pinaranas mo sa akin kung paano magkaroon ng kapatid na babae pero sadyang hanggang dito na lang talaga ang pagiging pamilya natin. Hindi natin pwedeng ipilit ang mga bagay na hindi nakatadhana. Let's just face the truth na hindi kami ni Helius ang para sa isa't isa. Mahirap para sa akin itong gagawin ko dahil alam mo kung gaano ko kamahal si Helius. Mahal ko siya pero ayoko na may pamilyang masisira at bata na lalaking walang ama nang dahil sa akin."
Nakagat niya ang ibabang labi dahil eksakto sa sitwasyon niya ang kanyang sinabi. Lalaki ang anak niyang walang ama dahil sa sarili niyang desisyon.
"Aria, please. Konting panahon lang ang kailangan ni Kuya."
Mapait siyang ngumit saka umiling kay Keana.
"If we're meant to be together, our paths will find its way back."
Ngumiti siya kay Keana bago sumakay ng kotse. Agad naman itong pinaandar ni Tessy para makalayo na sila sa lugar na iyon. Nagsisimula na naman kasing mamuo ang mga luha sa kanyang mga mata.
"Aria, control your emotions. Baka makasama sa baby." Pagkasabi non ni Tessy ay huminga siya ng malalim ng ilang beses para kalmahin ang sarili.
Hindi siya dapat magpatalo sa kanyang nararamdaman ngayon. Kailangan niyangnmagung matatag para sa kanyang mga kapatid at sa kanyang magiging anak.
"Tessy, naipadala mo ba ang sulat?" she asked.
"Oo, inabot ko mismo sa assistant ni Mr. Smitherman na si Kyle."
Tumango siya rito. By this time ay nabasa na siguro ni Mr. Smitherman ang sulat niya. Hindi na siya umaasa na ibibigay nito ang last payment para sa kanyang naging serbisyo dahil ang mga ginawa nito para sa pamilya niya ay sapat na. Sobra-sobra na rin pati ang pinansiyal na binigay nito ng mga nakaraang buwan maging ang paunang bayad sa kanyang serbisyo. Sapat na iyon para makapagpasimula sila sa probinsiya ng maliit na negosyo.

BINABASA MO ANG
His Obsession
Storie d'amoreSi Nasaria o Aria ay lumaki na danas ang lahat ng hirap sa buhay. Dahil sa isang pangyayari sa buhay niya ay nagkahiwalay sila ng dalawa niyang kapatid ngunit nangako siya sa sarili na gagawin niya ang lahat para muli silang magkasama. Handa niyang...