PastTahimik na nagmamaneho ang bodyguard ni Lolo na kasama ko. Dalawa sila, nakaupo sila sa harapan, habang nasa likod naman nila ako. Sa tingin ko experto rin itong dalawa sa bakbakan, kasi physically fit sila.
I tried calling Clyde before. Pero napunta lang iyon sa messenger box niya. Siguro busy siya kaya pupuntahan ko na lang sa bahay niya, bago sa bahay ko.
Nang makarating ay malugod akong nginitian sa isa sa mga bantay ng bahay ni Clyde. They know me already. Pinakilala na ako ni Clyde sa kanila bilang maybahay niya.
"Si Clyde nasa loob ba?"
"Umalis po, Ma'am. Kanina."
Tumango lang din ako at pumasok na. Sa kusina agad ako nagtungo. Lunch time na kasi. At nakita kong nagluluto na ang isa sa mga katulong niya sa kusina. Lumapit na ako at pinagmamasdan lang din ang ginawa niya. Tinulungan ko na din siya, kahit na ayaw niya. Nahihiya sila sa akin, pero madali ko rin nakuha ang loob nila.
Kumain akong kasabay sila at si Nanay. Masaya silang kasama at kakwentuhan dito. Nang matapos ay nagpasya akong umakyat sa kwarto, para ligpitin ang iilang gamit namin rito. Iniwan ko ang iilang maleta ko rito sa bahay ni Clyde. Gusto ko sanang dalhin sa bahay pero ayaw niya. Dahil bahay ko na rin daw itong bahay niya.
Binuksan ko na ang maleta at hinalungkat ang mga damit namin. Bumaba na ako para sana maglaba. Pero mabilis lang kinuha sa akin ang mga duming damit ni Nanay Pia. May katandaan na siya, at matagal na siyang tagapangalaga ng bahay ni Clyde. Siya rin ang madalas kausap ni Clyde sa telephono.
"Nanay, pagkadating po ni Clyde huwag niyo pong sabihin na nandito ko. Sopresahin ko na lang siya," ngiti ko sa kanya.
"Sige po, Serenity," ngiting balik niya at tumalikod na.
May binili kasi ako para sa kanya. Gusto kong bigyan siya ng isang bagay na galing sa akin. Madalas kasi siya ang nagbibigay. Hindi mahal ito na katulad ng mga mamahaling gamit niya. It's actually a keychain, a heart key chain. Dalawang puso ito na nahahati at nasa akin ang kalahati nito at ibibigay ko rin ang kalahati sa kanya.
I bought this in Mazaro, noong sumama ako sa pamamalengke kay Tess. Hindi ko nga lang naibigay dahil nahihiya ako. Mabilis akong bumalik sa kwarto. Pero bago paman ako makabalik sa silid ay tinitigan kong muli ang paintings na gawa ko noong kabataan ko.
It is indeed beautiful. I probably didn't had a good look at it last night. I touch it again and I am so amazed. Now, I realized that the golden yellow paint is actually not just a normal typical paint colour, but it's a fine dust of gold!
Nanlaki ang mga mata ko. I'm pretty sure it is gold. No wonder Clyde told me that it wasn't cheap at all. Tama nga naman siya. Mahal nga ito talaga.
Pumasok na ulit ako sa kwarto niya at nagsimulang maglinis na. May sariling maliit na sala at library ang silid na ito at may isang pinto patungo sa kwarto, sa kabila naman ay ang banyo. And as normal there's a great veranda outside.
Humakbang ako palapit dito at binuksan na ang sliding door. Hindi pa nga nakahakbang palabas ay rinig ko ang kotse sa baba. I look down below and I saw Clyde's mom coming out from the car, and she's with someone. Kinabahan na ako, at parang nanlamig ang buong katawan ko. Clyde is not here and I don't know what to do.
I shut the sliding door back and went inside. Makailang ulit pa ang hakbang ko hanggang sa pumasok na ako sa loob ng kwarto ni Clyde. I know I will be safe here inside his room. Wala namang ibang taong nakakapasok sa kwarto niya dahil may code combination ito. At syempre dahil asawa niya ako, alam ko.
BINABASA MO ANG
Taming the Wicked Clyde Heart Blumer (BBHS2) ✅
RomanceMatured content She's innocent and pure. She quickly falls in love, pero mahirap mag-move on. Her challenging and bubbly personality hide the real pain in her heart. Mahal nya ang kanyang pamilya, they always comes first in everything. Paano kapag a...