Kabanata 8

10.5K 455 197
                                    




No Memory


Malugod kong pinirmahan ang lahat ng papeles na iniwan ng PA niya. Binasa ko na iyon lahat at nakasulat talaga ang bawat detalye. But I set aside the divorce paper form. May note naman na nakalagay. I just need to sign this when the right time comes.

So, he really prepared everything. And once I'm ready, I'm free to sign this divorce paper. Well, that's easy!

Nang matapos ay sumakit lang din ang ulo ko. Dahil na din siguro sa mga bagay na iniisip ko. I'll be back to my normal life tomorrow. To my work and to my home place. Nagtimpla ako ng mainit na kape. I know a lot of people don't drink coffee at night because they can't sleep, but I'm the complete opposite. Caffeine doesn't affect my ability to sleep. Yet, it helps me more to sleep well. Ang weird 'di ba?

Lumabas na muna ako sa balkonahe para makapagpahinga habang iinom ang kape ko. Lagpas alas nuebe na at alam kong halos lahat ng tao sa paligid ay natutulog na siguro

I took a deep breath and the sea salt in the air smells nice at night. Nasa ika siyam na palapag ang silid ko, at kitang kita ko ang liwanag ng pool sa baba nito. That CHB stands for Clyde Heart Blumer. Napabuntong hininga ako.

Halos lahat na 'ata ng nangyari sa akin kahit man sa El Nido ay nakakabit ang pangalan ni Clyde. Isn't it coincidence? O sadyang pinaglalaruan ako ng tadhana?

Malugod kong pinanood ang pool sa baba. Walang tao maliban sa dalawang sweet couple na nasa gilid nito. Mas tinitigan ko silang maigi habang naghahalikan sa gilid.

For Christ sake, get a room! Isip ko. Like the other day when I saw Clyde kissing someone. Imbes na umiwas ay mas gusto ko 'ata silang panoorin. Ewan ko ba kong bakit? Maybe because I haven't experience a french kiss?

I shook my head a few times. Serenity what are you thinking? Hanggang sa naging pamilyar sa akin ang kanyang anyo. What the? Goodness me! Even at this far I know that posture very well.

"Clyde! Kahit kailan maniac ka talaga! Ang landi mo!" salita kong mag-isa.

Wala pa 'ata akong nakilalang playboy na sobra-sobra na tulad niya. Kung contest siguro ang pagiging playboy siya na siguro ang nakakakuha ng first place! Tsk, ewan ko sa 'yo Clyde! Isang araw makarma ka rin sa dami na ng babaeng pinaiyak mo. Isip ko.

And it seems like we have a connection. Huminto siya at naglakad nang nauna. Nakasunod lang din ang babae sa kanya. Pero napatigil siyang saglit at nilingon ang balkonahe ko. Agad akong napaatras at nagtago.

Oh my goodness! Nagmura ang isip ko habang nagtatago. Kinabahan na tuloy ako. Nakita kaya niya? Ba't ba kasi and tanga ko! Ano bang problema sa mga mata ko at ayaw kong bumitaw sa mga eksenang ganito?

Ginulo ko na naman ang buhok ko. Hay naku!

"Rule number one and two no, eavesdropping and don't interfere in my personal affair." Parang nag flash back ang boses niya sa isip ko. Nakakatakot. Mas natakot tuloy ako. Okay, from now on hindi na ako titingin promise!

Ayaw ko ng dumungaw pa kaya mas pinili ko na lang na pumasok sa loob. Maingat ko pang sinara ang balkonahe ng kwarto. Hindi naman sa gusto ko si Clyde. No, I don't like him at all. Ang palagi kong naiimagine sa kanya ay ang leon niyang mga mata kong timitig. Nagbabadya ang galit nito at iyon ang ayaw ko.

Humakbang ako palapit sa refrigerator. I found a red wine in the small fridge as a complementary in this presidential suite. And without thinking twice I open and drink it.

Wow! Paano naging lasang coke ang brown brothers red wine? Ang sarap! Panay pa ang titig ko nito at inom. Hanggang sa naaliw na ako habang nanonood ng Tv at naubos ko ito.


NAGISING akong masakit ang ulo. Pilit ko mang bumangon pero masakit talaga na parang biniyak ito. Maingat akong humakbang para kumuha ng tubig sa ref.

That's why I hate drinking! The fact, that I have a bad experience from it five years ago. Noong panahon na hindi pa kami ni Vincent. Noong panahon na naging baliw ako dahil sa gustong-gusto ko siya. Naglasing ako. Because I was rejected!

I even forgot what happened that night. I know I was safe. No one touched me nor done anything wrong with me. Pero sadyang may mali. Part of my memory is telling me that I was kissing someone. Who knows! But I woke up the next day on my best friend place Kiah and everything was okay.

Nang tinanong ko siya. On how did I ended up at her place? She just said a mysterious gentlemen called her and drop me off at her place. Huh? Great! Ang swerte ko nga hindi ba?

I can't handle my alcohol. That's why I'm very careful. Dahil baka sa susunod ay ikamatay ko na kung ano man ang mangyari sa akin. This is just the second time I did it this. Like the first time, I cannot remember a thing at all. I know I was watching a romantic comedy movie and ended up drinking the whole--bottle?

What the heck! Nanlaki pa ang mga mata ko nang makita ang tatlong bukas na red wine na nasa dining area pa. Mas kinabahan ako dahil sa dalawang baso ang meron dito.

"What the hell is wrong with me!" Napasigaw ako sa inis at sabunot sa sarili.

Then I check my entire being. That's the first thing I did! I run inside the bathroom. Trying to look at myself in the huge whole body figure mirror.

Is my body aching? No, only my head. Check!
My top and undies are intact! That's a big check!
Under there is not in pain. Okay walang nangyari. Check!
Kiss mark? None. Check!

Ang mukha ko lang ang magulo ngayon na parang dumaans a gyera. Umikot pa ako para makita ang kabuuan ko. Mabuti na lang at okay ako. Saka ako pabagsak na naupo sa tiles ng banyo. Halos mangiyak-ngiyak ako sa kaba. Hindi ko talaga mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sa akin.

After fifteen long minutes of keeping in that position, ay nahimasmasan na ako. Imbes na lumabas sa banyo ay nagpasya akong maligo na muna para mas mahimasmasan pa.

After a long warm shower, ay lumabas na ako suot ang bathrobe. I feel so much better than before and I am back at my old self. My eyes darted on those three empty bottles of red wines in the small table. And the two red wine glasses was beside it.

Sino ba kasi ang nandito kagabi? I tried my inner best from this empty shell head of mine! At wala akong maisip. Ang tanga lang din ah!

Niligpit ko na ito at nilagay sa kitchen sink, kasama na ang tatlong bote ng red wine. Maliban doon ay iyon lang naman ang makalat. The place is still very clean and perfect. At kahit ano pang gawin ko. E, wala talaga akong maalala.

Like the old days. Five years ago, the gentlemen stranger that called Kiah and dropped me. That night I know I was safe because of him. He didn't took advantage to someone like me who is not on their right mind for everything.

I took a deep breath in and out. I wonder who's with me last night? Wala akong ibang maisip kung 'di si Clyde.I have no friends here, but why Clyde? Ba't siya kung sakasakali man? Ugh! I'm not gonna do it again promise. Hindi na talaga!



-❤️❤️❤️-
salamat much 😘

-❤️❤️❤️-salamat much 😘

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Taming the Wicked Clyde Heart Blumer (BBHS2) ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon