Kabanata 39

12.1K 290 1
                                    



Secret


Hindi na nagtanong si Lolo sa akin. Tahimik siya sa kabilang upuan. Hindi rin ako nagsalita. Pagod na ako at gusto ko ng magpahinga. Kaya pinikit ko na lang ang mga mata para makatulog. Pero bago paman tuluyang mapikit ang mga mata ko ay lumapit and stewardess sa akin.

She asked me if there's particular drink that I want to drink now. Gusto ko sanang uminom ng alak, pero naisip kong kabaliwan naman kong maglalasing ako. Kaya tubig na lang din ang hininga ko.

We're soaring up high in the air. It's grandpa's private plane. It can carry up to thirty people including the pilot. It wasn't surprising at all. If you come to think of it he's one of the few multi billionaire in the country. Alam ko naman ito dahil kahit noon pa na bata pa ako ay ganito na ang pamamaraan ni lolo.

Huminga na ako ng malalim habang tinititigan ang lolo ko. His face is dead serious while talking to someone on the phone. I remember how we used to live before on his care. It was a fancy living but very limited access with strict rules and guidance.

Tumikhim na siya matapos makipag-usap at nilingon ako. Agad na umaliwalas ang mukha niya at kinindatan pa nya akong nakangiti. Ngumiti na ako sa kanya. Umayos na siya sa sumandal na sa upuan niya. I did the same too and shut my eyes. Kanina ko pa gustong matulog, kaya pinikit ko na ang mga mata ko at natulog na muna.

Nagising ako sa silaw ng ilaw na galing sa bintana. I thought it was early dawn but it's still night time. Ang ilaw na nangaling sa tower ay pilit na tumama sa bintana at sa mga mata ko. Kaya inakala ko tuloy na umaga na.

Nang lumingon ako ang paligid ay wala ng ibang tao sa loob maliban sa akin. Hanggang sa lumabas at lumapit sa akin ang nakangiting stewardess.

"Si lolo?"

"Nauna na po, Ma'am. Ayaw niya kasi na gisingin po kayo kanina. Don't worry po, it's okay to take your rest, at kung okay na po ang pakiramdam ninyo at handa na kayo, nasa ibaba po ang escort niyo Ma'am," sa galang na tugon niya at ngumiti na ako.

"Sige, Salamat."

Then I stood up, but my world just spin in circle. So I sat down again. I shook my head a few times trying to hold my dizziness. Nahihilo ako at parang nanghina ang sistema ko. Makailang beses pa ang pagkurap ko at napansin ito ng staff na nakatitig sa akin.

"Are you okay, Ma'am? T-Teka lang po. Ikukuha kita ng tubig."

Tumango lang din ako at naghintay sa kanya.

"Heto po."

"Salamat."

Ininom ko agad ito at naubos ko pa ang buong baso. Nauhaw ako sa sarili. Tumayo na ako at maingat na nagtungo palabas ng Eroplano. I can see two bodyguards in the corner waiting for me and a black BMW car. Huminga kaagad ako ng malalim at napahawak nang mahigpit sa rehas sa gilid.. Naramdaman ko ang pagbaliktad nang sikmura ko at pilit na pinigilan ito.

Ngumiti ako sa guard na nasa baba na naghihintay sa akin. Humakbang siya para alalayan ako. Pero bago ko paman mahawakan ang kamay niya ay bumagsak na ako sa dibdib niya at nagdilim na ang mundo ko.


NAMULAT ako sa ikalawang pagkakataon pero nasa hospital na ako ngayon. Naalala ko pa ang nangyari kanina. Kanina ba? Kunot-noo kong tinitigan ang bintana ng hospital.

Umaga na? Nakatulog ako buong magdamag? Isip ko.

Nilingon ko ang buong paligid. Walang ibang tao at nag-iisa lang ako. Nakadama ako ng lungkot sa puso. Kung nasa Cagayan de Oro lang siguro ako ngayon ay alam kong nasa tabi ko si Mama para sa akin. Si Clyde kaya? Pumikit ako habang iniisip siya. Nakakainis, galit pa ako sa kanya!

Taming the Wicked Clyde Heart Blumer (BBHS2) ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon