PamperMabilis akong pumasok sa sasakyan. Hindi ko na hinintay na pagbuksan pa niya ako, kaya ako na mismo ang pumasok. Nilingon ko siya na kausap si Chantelle na kararating lang. Actually, hindi pa tapos ang ceremony may after buffet pa 'ata. Pero wala na ako sa sarili na makipag plastikan sa kanilang lahat.
I saw Clyde walking towards me as I am here waiting inside his car. Binuksan niya ang bintana sa side ko at sinandal ang kamay niya rito.
"Can you wait ten minutes for me? May aasikasuhin lang ako sa loob," sa lamig na tugon niya. Iba ang expresyon ng mukha niya habang pinagmamasdan ko ang mga mata nito.
"Clyde mag ta-taxi na lang ako. Okay lang naman."
Tinitigan na niya akong mabuti na para bang may gusto pa siyang sabihin. Iniwas ko na ang mga titig ko sa kanya at napako lang din ang paningin ko sa dibdib ko ngayon.
"Clyde!" si Chantelle. Papalapit siya kay Clyde at nasa likod na ito. Napansin agad niya ako.
"Oh? May kasama ka pala? Serenity?" ngiti niya at kunot-noo na rin.
"Hi," sa senyas nang kamay ko at ngumiti na.
"Uuwi ka na ba? Join us first," tugon niya.
"Hindi na... Ano kasi." Napako agad ang tingin ko sa dibdib ko at nakita niya agad ang basang harapan ko.
"Oh? I see..." natahimik na siya.
"It's okay. Go-on, Clyde. Sige na. Maghihintay lang ako rito," tipid na tugon ko at mariin niya akong tinitigan. Umayos siya at tumabi na agad si Chantelle sa kanya.
"Okay. I won't be long, sweetheart."
Uminit ang mukha ng marining ito mula sa kanya. Napatingin ako kay Chantelle at tumaas agad ang kilay niya. Mabilis na pumulupot ang kamay ni Chantelle sa kanang braso ni Clyde at pinagmasdan ko lang sila. Sabay silang pumasok sa loob na parang perfect pair talaga.
Hmp! Ang bagay nga naman ng dalawa. Deep inside me is bursting with jealousy and I can't take it! Nakakainis na! Ang tanga ko lang din ah.
Alam kong wala akong karapatan na magselog ngayon. Pero ano pa nga ba ang magagawa ko. E, babae lang din ako at may malambot na puso. Madaling mahulog at ma-inlove. Madaling maluko at mahirap mag move-on. Ang galing ko talaga. Award winning na itong nararamdamam ko!
Parang kinuyom ang kaloob-looban kong lalo ngayon at sampal sa mukha ang mga binitawang salita ni Clyde sa akin kanina. I know I have no right to demand something from him. Pero kahit papaano ay umaasa rin ako. It's my fault anyway. And this serves me right! Nakakahiya ang inasal ko.
Did I assume that he will like me too? As always tanga ka nga naman, Serenity! Mas ginulo ko na ang buhok ko sa inis sa sarili.
I cannot wait to go home and have my own peace of mind. At dahil si Serenity ako. I don't think he have the right to manipulate me on what I want to do right now. So, without thinking twice I search uber for a taxi and straight away I've found one.
PABAGSAK akong nahiga sa kama kasama ng basa kong damit. Nakakainis! Mas naiinis ako sa sarili ko ngayon. Yes, I could have wait for him because that's what I want okay! Pero umiral ang kaartehan ko at pagtatampo. Isama mo pa ang hiya ko sa sagot niya kanina, kaya umuwi na ako. Pero parang pinagsisisihan ko pa 'ata.
I don't care! Bahala ka, Clyde! Magalit ka na! To think wala naman talaga tayo 'di ba? Isip ko habang nakatingala sa kisame ng kwarto.
I showered and fixed myself. Deep inside me I am expecting from him, na tatawag siya o bibisita siya ngayong gabi. Pero wala! Wala akong narinig sa kanya hanggang sa nagpasya na lang akong matulog.
I fix my morning routine with a heavy heart. Ganito pala ang pakiramdam nang isang basted! Natatawa ako sa sarili ko. Ang hirap pala ng ganito. Ano nga ba tawag dito? One sided love? Shit! Unrequited love, Serenity. Gaga at ang tanga ko talaga!
Mas mabuting mag trabaho na lang kaysa magmukmuk ako rito sa bahay at mag iisip lang sa kanya. Eh, wala akong mapapala! I was expecting something from him but it never happened. Just my luck!
Mariin kong tinitigan ang sarili sa salamin habang nag-aayos ako. To think I'm not ugly. Kahit papaano ay maganda naman ako. Hindi ba nakikita ni Clyde 'to? O baka naman iba ang type niya. Ano? Iyong Maria Clara? O iyong liberated na Maria Clara? Ang tanga ko na talaga. Ewan ko ba!
"Hay, naku Serenity kung gusto mo maging Maria Clara aabutin ka nang trentay singko walang mangyayari sa inyo! Baka magka-menopause ka na," inis na tugon ni Theresa.
"Ang hirap kaya makahanap ngayon ng jowa alam mo ba 'yon? Sa edad nating ito wala na! Ubos na sila! Kailangan pa nating mamingwit sa iba. O dika kaya mang-agaw," sa lakas na tawa niya at patuloy na salita.
"Gaga!" Sapak ko sa ulo niya.
Naekwento ko kasi sa kanya ang nangyari sa ceremony. Pero hindi naman lahat sinabi ko, at hindi ko rin sinabi ang totoo estado namin ni Clyde.
"Ang gwapo kaya ng boyfriend mo, Serenity. Ang daming nakaabang kay Clyde at nakapila pa, alam mo ba iyon?" Ngisi niya sabay kain ng cake.
Oo ang dami nga nila tama ka. Pero hindi naman niya ako gusto! Kainis. Isip ko habang tahimik na nakatitig sa kanya.
"Paano ba kasi mang-akit?" hindi ito sinadyang lumabas sa bigbig ko.
Nahinto agad siya sa pag-subo at tinitigan na ako ng seryoso sa mata.
"Gusto mong akitin?"
Tumikhim na ako. "Hindi ah..." kamuntik na tuloy akong mabilaukan sa kinain ko.
"Mag-ayos ka, Serenity. Para naman sa 'yo lang ang mga mata niya. At may libro ako kung paano mo siya maakit," sa evil smile niya.
Mas kinalibutan na ako. Talaga bang gagawin ko ito? Dios ko Serenity, ewan ko sa 'yo!
"Shopping tayo bukas at magpasalon. Ano? Gusto mo samahan pa kita sa make over?" ngiti ni Theresa.
"Sige ba," tango ko sa kanya.
Tutal Sabado naman bukas at walang pasok. It's time to pamper myself too. It's been a while. My pera akong nakalaan para sa sarili at gagamitin ko iyon.
Ang daming pinamili ni Theresa. Over all make over talaga ang nangyari sa akin. Ang mahaba kong straight na buhok ay naging kulot na ang baba. Derma, spa at iba pa. I never felt so much free and love for myself. If only I knew na ganito lang pala para maka-move on ng madali sa sarili ay sana ginawa ko na ito noon pa. But this time I'm doing this for taming Clyde and it includes pampering myself too.
Pero lumipas lang din ang isang linggo ay walang Clyde na nagparamdam sa akin. Walang tawag ni mensahi sa cellphone ko. Wala! Tama nga siguro ang sinabi niya na hindi niya talaga ako gusto. Mas lalo tuloy akong naiinis sa kanya at sa sarili ko.
Mariin kong tinitigan ang singsing sa kamay ko ngayon. Sana naging totoo ka na lang talaga at nang sa ganun ay hindi ko nararamdaman ang lungkot sa puso ko ngayon. I hate you! I hate you, Clyde! But I miss you... Ang gaga lang din talaga!
--❤️❤️❤️--
salamat much 😘
BINABASA MO ANG
Taming the Wicked Clyde Heart Blumer (BBHS2) ✅
RomanceMatured content She's innocent and pure. She quickly falls in love, pero mahirap mag-move on. Her challenging and bubbly personality hide the real pain in her heart. Mahal nya ang kanyang pamilya, they always comes first in everything. Paano kapag a...