Kabanata 2

12.8K 543 303
                                    



Okay


Walang imik akong nakasunod sa kanyang empleyado. Nasa sa ikatlong palapag na kami kung hindi ako nagkakamali. At sa wakas ay narating din namin ang pinto. Huminto siya at nag scan lang ng kung ano.

"Pasok na po kayo, Ma'am." Inilagay niya agad ang bag ko sa gilid ng kwarto at pumasok na ako.

"Salamat," sa tipid na tugon ko.

Wala na akong lakas. Nanghina na ang buo kong sistema ko. May iniabot siya sa akin na parang susi pero hindi susi ito.

"Heto po, Maam. Hindi po kayo makakapasok sa kwarto 'pag nakalabas kayo na wala ito. Exclusibo po kasi itong silid at finger print sensor po. Tanging si Sir Clyde lang po ang may access. Sabi naman niya na ibigay ko ito sa inyo pansamantala."

Tumango na ako at kinuha ito sa kanya at saka binigyan siya nang pilit na ngiti.

"Salamat ulit."

"Sige po, Ma'am. Tumawag lang po kayo kung meron pa po kayong kailangan." Yumuko na siya at lumabas na.

Tiningnan ko muna ang buong silid. It's huge and beautiful. In the main entrance is a very nice cosy lounge. Sa gilid naman ay ang napakalaking kusina at talagang malinis na malinis ito. Pero mas una kong hinanap ang pinto ng banyo at pumasok agad ako rito.

It's very luxurious bathroom with a jacuzzi on the side and a stand up shower on the other side. Everything is complete. Kaya naligo muna ako sa katamtamang init ng tubig.

Mainit sa pakiramdam ang katamtamang init ng tubig na pumapatak sa buong katawan ko. Sa lahat nang nangyari sa araw na ito ay wala na akong lakas sa sarili ko.

My energy is so drained, at blanko na pati ang utak ko. Ang puso ko na lang 'ata ang tanging masakit. Hindi ko pa maalis ang sakit nito. Kahit ano mang pilit ko na hindi isipin ito ay walang silbe.

Stop it, Serenity! Inisip kong nakapikit. Everything is over! Wala ka nang magagawa Serenity... He's tied to someone else now. His heart belongs to someone else and there's nothing you can do anymore. Wala na... Tapos na...

Pinitay ko na ang shower kasabay ng ilang minutong pag iyak at paghagulgul. The pain is enough to kill me. It's enough for me to become crazy. Everyone is entitled to grief if they lose someone. They're entitled to cry if it hurts so much. At ito ang naramdaman ko ngayon. Probably I'll be okay after tonight. Probably I'll smile at my widest tomorrow, pagkatapos nito. Sana nga... Sana nga lang.

Nang mahimasmasan ako. Pabagsak akong nahiga sa kama. At dahil sa pagod na katawan ang tanging bathrobe lang ang sinuot ko. My body is aching. My eyes are tired and my heart is not at peace... And all I want to do is to fall asleep.


NAGISING ako sa sinag ng araw na galing sa malaking glass na bintana. I can see the sun way up high and when I look at the clock in the bed side table my body jolted.

What! Alas alas dose y medya na?!

Bigla akong napatayo at hinanap ang bag ko sa gilid. Hinalungkat ko na para mahanap ang cellphone ko. Nahanap ko agad ito at lowbat nga lang siya. Nilagay ko sa charger at gumana na ulit ito. Tinawagan ko agad si Mama para kumustahin siya.

"Hello, Ma? Sorry... Ngayon lang kasi ako nagising. Kumusta na si Benny?"

"Everything is okay, anak. Huwag kang mag alala," masigla ang boses niya sa kabilang linya.

"Therapy niya today, Ma. Pina-schedule ko na siya kay Kristine para naman tuloy-tuloy na ang therapy niya."

"Salamat, anak. Pwede naman na ihinto muna, anak. Tutal magaling na naman si Benny at ako na lang ang aalalay sa theraphy niya."

Taming the Wicked Clyde Heart Blumer (BBHS2) ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon