Kabanata 38

11.9K 287 16
                                    




Away


Nang makababa ako sinalubong ako ni Nanay Pia. Bakas sa mukha niya ang pag-aalala sa akin. Alam niya siguro kung anong eksena ang meron kanina, dahil halata ito sa mukha niya.

"Serenity..." sa lungkot na boses niya.

Hindi ko tuloy maitago ang iyak ko sa kanya. Kaya niyakap ko na siya nang mahigpit. Pumatak lang din ang walang kwenta kong luha! Hindi ko nga nakuhang pigilang ang luha ko noon kay Vincent, ngayon pa kaya na si Clyde na ito! Ang tanga ko lang din ah...

"Serenity, kilala ko si Clyde. Alam kong naging malaking bahagi ng buhay niya si Suzane, anak. Pero nakaraan na iyon hija. Ang mahalaga ay ikaw ang ngayon niya."

Ngumiti siyang pinahiran ang luha ko. Pero hindi pa rin ito nakakapagaan sa nararamdaman ko ngayon. Dahil mabigat pa rin ang loob ko. Naghalo ang inis, at galit ko ngayon sa kanya... Kung sinagot niya lang sana ang tawag ko kanina...

Pinunasan ko na ang luha ko at napahawak na si Nanay sa palapulsuhan ko. Nakatitig siya nang husto sa akin at nakatitig din ako sa kanya. Walang tigil naman ang luha ko kahit na pilit niya akong pinapakalma.

"Serenity..." Sabay haplos niya sa kamay ko at pisil nito.

Kumunot lang din ang noo niya nang mapako ng husto ang paningin niya sa palapulsuhan ko. Nagtataka tuloy ako kung ano ang nakikita niya? E, ,ay lahing maghuhula pa naman ito si Nanay Pia. Nahuhulaan na niya siguro na wala na kaming pag-asa ni Clyde dahil sa baliw na ina niya!

"B-Buntis ka ba, hija?"

Namilog na ang mga mata at kumunot pa ang noo ko ngayon.

"Ho?"

Nalito na tuloy ko at panay lang din ang titig ko sa kamay ko. Nakahawak pa rin siya sa bandang palapulsuhan ko. Mas napahagulgul na akong lalo. Buntis? Huh, ang baliw lang din Serenity! Sigaw ng isip ko.

Hindi ko nga alam sa sarili ko na buntis ako? E, si Nanay pa kaya? Bahagya na akong natawa at pahid sa luha ko habang tinititigan si Nanay ngayon. Kinabahan na ako at alam kong pinapakalma lang din ni Nanay ang nararamdaman ko.

"Nanay naman! Nagpapatawa ho kay e!" sa pilit na ngimit ko sa kabila ng sakit.

"Serenity... Mag-ingat ka, hija."

"H-Ho?" sa kurap ko kay Nanay. Naging seryoso ang mukha niya at sa tingin ko hindi siya nagbibiro ngayon. Natahimik na ako at mas umiyak na akong lalo...

My goodness me, baka nga naman buntis nga ako! Sigaw ng isip ko iyak ko pa rin. Para na akong baliw nito!

"Nanay, pwede ba huwag mo na lang muna sabihin kay Clyde. Kasi hindi pa naman sigurado at wala pa naman akong nararamdaman ngayon," Sabay pahid nang luha ko.

Tumango na si Nanay sa akin at niyakap na ako nang mahigpit. Para tuloy akong bata ngayon at hindi mahinto ang iyak sa sarili.

"Tahan na, Serenity... Hindi maganda sa bata ang pag-iyak mo. Lakasan mo ang loob mo, hija... Huwag kang mag-alala alam kong hindi ka pababayan ni Clyde... Kilala ko ang batang iyon at alam kong ikaw ang mahal niya. Kahit pa kalabanin niya ang ina niya, alam kong sa huli ay ikaw ang pipiliin niya," sa ngiti ni Nanay at tumango na ako.

Natahimik na ako at pilit na inayos ang sarili ko. Kahit papaano ay naliwanagan ang utak ko ngayon sa sinabi ni Nanay.

Nagpaalam na rin ako sa kanya at naging kalmado na ulit ako sa satili ko. Nang makalabas ako ay ang dalawang gwardiya ni lolo agad ang sumalubong sa akin.

Taming the Wicked Clyde Heart Blumer (BBHS2) ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon