Kabanata 40

12.5K 284 7
                                    




The Secret Key



Nang makarating ay sinalubong kaagad kami ni Lolo. It's late afternoon already and I feel a bit hungry again. Ano ba 'to. Puro pagkain na lang 'ata ang laman ng utak ko ngayon!

I let my eyes survey the area. Ang laki na ng pinagbago rito. May mga bagay pa rin naman na hindi kailanman nawala... I miss the mansion so much. The last time I was here was 17-years-ago, and still almost nothing has change. Everything is still on it's own place.

Iniwan ko muna sina Lolo at Clyde na nag uusap oa. Mabilis akong umakyat sa ikalawang palapag ng bahay patungo sa kwarto ko noon. And as expected, everything is still the same in this room. I smile when I smell the same scent as before. Kulay pink ang wall at halos pink nga naman ang lahat. Ang malambot na carpet, ang mga furniture at ang iilang bagay pa. Maliban nga lang sa kama na naging queen size na.

I smile when I saw my pink barbe lola.

"What do you think, hija? Wala akong binago at pinalitan ko lang ang kama," si Lolo na ngayon ay nasa likod ko na.

I smile at him widely and hug him again. Ang pamilyar na amoy at anyo ng lahat ay nagbibigay saya sa puso ko. Ang alaala at pakiramdam na buhay pa ang ama ko ay nararamdaman ko ngayon sa piling ng lolo ko.

"Walang nagbago. lolo. You preserved this place so well," ngiti ko.

Tumango siya at ngumiti sa akin.

"Every time I missed you and Enrico. This room became my secret hideout, hija... This is the room of my reflection and grief. Alam ko balang araw ay babalik kayo rito. Pinilit kong magbago at hinanap kayo ng Ama mo. Pero ang galing magtago. Nahirapan ako..." sa buntong hininga niya.

"I have regretted it so much, Serenity... Pero kung nagkatuluyan sila ng Papa mo at ina ni Clyde, ay wala siguro akong magandang apo," sa ngiti niya sa akin at haplos sa buhok ko.

"Alam kong marami akong pagkakamali kay Enrico, at pilit kong inaayos ang lahat sa pamamagitan sa'yo, hija... I know it's too late for my son, but I know with you I still have my hope... I hope you can forgive me, hija.."

Namuo ang luha sa mga mata niya at niyakap ko na siya.

"Alam mo, lo. Bago nawala si Papa ay may isang bagay siyang sinabi sa akin," sa titig ko sa kanya. "He told me to forgive and forget those people who will hurt me... Sabi ni Papa, ang pusong puno ng sakim at galit ay walang saya sa puso kahit pa nakaupo siya sa ginto," sa patak ng luha ko.

"Learn to forgive and to forget, Serenity. Let your heart live in love and happiness and make GOD as the center of your life. HE will guide you to the right person and HE will give you your heart desire..."

Ito palagi ang naririnig ko sa ama ko noon, noong buhay pa siya. Kaya kahit gaano man nasaktan ang puso ko kay Vincent ay pinatawad ko siya... Kaya pumayag din ako sa alok ni Clyde noon, dahil naawa ako sa kanya.

"I'm sorry, hija..." Sa mahigpit na yakap niya. "Enrico raised you so well with faith and love and I am so proud of him."

Ramdam ko agad ang pagpunas ni lolo ng luha sa mga mata niya. Nahabag lang din ang puso ko.

"I'm sorry, lo. Pasensya na at naging malungot ang mga panahong iyon para sa 'yo," sa titig ko sa mga mata niya.

"I deserved those punishment from Enrico, hija. Naging malupit ako sa kanya..." nangingilid ang luha sa mga mata niya at agad niyang pinunasan ito. Niyakap ko siya nang husto at mas mahigpit pa.

"I'm too old for all these things and I'm ready to meet them afterlife, Serenity," sa nababasag na boses niya.

"No, I won't let you, lolo. Not yet," sa pigil hininga ko. "Someone will be eager to meet you and wanted to play with you," ngiti ko sa kanya at ngumiti na rin siya.

Taming the Wicked Clyde Heart Blumer (BBHS2) ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon