Kabanata 1

15.4K 588 367
                                    




Meeting the Wicked


Nilakad ko ang kahabaan hanggang sa dulo. Sumakay ako ng taxi at nagtungo sa isang Villa. Mas gusto ko ito dahil malayo sa karamihan ng tao. Sa internet ko ito nakita. Pribadong Villa na sadyang exclusibo at maganda. May kamahalan nga lang, pero bahala na.

All I need is to get away from that place. May naipon naman akong pera para sana sa kasal namin. Kasal? Huh, wala ng kasal na magaganap Serenity! Ang tanga ko talaga! Pilit kong pinunasan ang luha sa mukha. Nagtaka naman akong tiningnan ng driver sa kanyang rear view mirror. Naintindihan niya siguro dahil hindi naman siya nagtanong.

Pagkaraan ng halos isang oras ay narating namin ito. Nagbayad ako sa taxi at pumasok na ako sa loob, sa information desk. Tahimik at sadyang walang tao. Pinindot ko ang maliit na bell na nasa harapan at lumabas ang nakangiting mukha at nakaunipormeng pormal na empleyado.

"Good Evening, Ma'am. May I help you?"

"Hi, ahm. I would love to have a room please?"

"Did you have your reservation, Ma'am?"

Huh, Reservation? Napaisip ako. Mali ba itong pinasok ko na hotel? Tiningnan ko ulit ang cellphone na hawak at binasa ang pangalan na nakaukit sa dingding ng Villa. Blumer's Villa, tama naman.

"Kailangan ba dapat magpareserve? Walk-in lang ako eh."

"Sorry po, Ma'am. Hindi po kasi kami tumatangap ng walang private reservation."

Napangiwi ako at inayos ang sunglasses sa mukha. Kahit gabi na nakasuot pa ako nito. Binigyan ko siya nang magandang ngiti sa harapan at pilit na umapela.

"Hindi ba pwede kahit ngayong gabi lang? Malayo pa kasi ang pinanggalingan ko eh"

"Sorry po, Ma'am. Pero hindi po talaga kami tumatangap ng walang reservations. Policy po kasi ng villa." Itunuro nang kamay niya ang nakasulat sa bandang gilid.

Private reservation are needed to get a room. Thank you for your understanding.

What the! Hindi na ako halos makapagsalita. Sana nga pala tumawag ako bago pumarito sa liblib na lugar na ito! Kung mamalasin ka nga naman ng sobra. Gusto ko lang naman na magpahinga. Matulog at magmukmok sa isang sulok. Pero pati ba iyon ipinagkait din ba? Inisip ko na lang na kaya ko 'to. Ngumiti ulit ako sa kanya. Pero hindi ko maitago ang luha ko dahil pumatak na naman ito. Naalala ko si Vincent. Naalala ko ang walang pusong hayop na Vincent!

Kumunot ang noo niyang tinitigan ako at napalunok na.

"Wait lang po, Ma'am. Tatawagan ko lang po si Sir. Iyung may ari. Baka pwede po kayo kahit ngayong gabi lang," sa awang titig niya.

Ngumiti na ako. "Talaga? Salamat!"

"Hello, Sir. May walk in po tayong customer babae at-"

Hindi pa nga siya tapos nagsalita ay nag-iba na ang timpla nang mukha niya. Hindi ko man narinig ang pinag-uusapan nila ay positibo akong hindi ito na kombensi at hindi pumayag. Binaba na niya ang tawag.

"Ma'am, sorry po talaga. Hindi po pumayag ang may ari."

"Okay lang. Salamat ulit." Tumango na ako at tumalikod na sa kanya.

Wala akong nagawa kaya lumabas na ako. Tulala pa akong nakatayo sa harapan ng gate nito. Tinanaw ko pa ang boung paligid. The entrance is very beautiful. Malaki ang gate at nakaukit ang BV na desenyo. Niyakap ko ang maliit na bag kong dala at nagsimula na sa paglalakad.

Taming the Wicked Clyde Heart Blumer (BBHS2) ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon