Kabanata 20

11.1K 414 149
                                    




Mazaro


MALAKAS ang hangin sa labas nang lumingon ako sa bintana. Kitang kita ko si Manang Cora sa baba na naglalako ng banana que na paninda.

"Manang Cora! Sa akin dalawa please," sigaw ko mula sa bintana ng opisina ni Judge.

"Ano ba, Serenity. Wala tayo sa probinsya, hija," saad ni Judge na ngayon ay nasa likod ko na.

"Sorry, Judge. Wait lang baba muna ako. Gusto niyo po ba ng banana que?" Mabilis kong kinuha ang wallet sa loob ng bag ko.

"Libre mo?" biro niya.

"Ang bunos, Judge. Huwag mong kalimutan. Ililibre kita ngayon," pagbibiro ko. Natawa na agad siya at mabilis na akong bumaba.

Nasa ikalawang palapag ang opisina ni Judge. Hagdanan lang din ang meron sa old vintage na building na ito. Naghintay si Manang Cora sa akin sa paanan ng hagdanan na nakangiti pa.

"Ang ganda natin, Ma'am Serenity!"

"Tatlo po." Sabay bigay ko ng pera sa kanya.

"Ang ganda po ng singsing ninyo, Ma'am Serenity."

Ngayon ko lang naalala na mag dadalawang linggo na pala na wala akong balita kay Clyde. Nakaramdam na ako ng matinding kirot sa puso. Kaya napatitig lang din ako ng husto sa banana cue. Binigay na agad ni Manang sng sukli ko.

"Salamat po." At mabilis akong umakyat pabalik sa opisina sa itaas.

Binigyan ko si Judge ng saging at kape saka bumalik sa lamesa ko. Wala akong ka arte-arte pagdating sa pagkain. I devoured my food the way I like it and enjoyed it so much. Ewan ko ba, pero mas masarap ang banana cue kapag hindi ako ang gumawa.

"Does it taste good?" on his husky deep voice.

Biglang umigting ang tainga ko sa narinig na boses na galing sa kanya. I would be lying if I say I don't miss him because I miss him so much.

"Clyde!" my heart skip a beat while staring at him.

Namilog pa ang mga mata ko at natigil ako sa pag-nguya. Again, my heart is fluttering so much in happiness when I saw his face.

"Hi... We have a plane to catch," sa kalmadong tugon niya at titig sa labi ko.

Napaawang akong nakatitig sa kanya na parang hindi makapaniwala na nandito siya. Parang hindi ko narinig ang sinabi niya. Dahil hindi ko maalis ang titig ko sa mga mata niya. His eyes looks tired and weary, na para bang may pinagdadaanan siya. I couldn't help but wonder what really it is?

"Serenity? Are you listening, sweetheart?" sa kunot-noo at titig niya.

Sweetheart? Tama ba ang rining ko? Sweetheart na naman ang tawag niya sa akin ngayon. Kumalabog na naman ang traydor kong puso. Heto na naman tayo. Umayos ka nga Serenity! Sigaw ng isip ko.

"H-ha?" sa kurap mata ko.

"I said, we have a plane to catch."

"Oh? To where?"

Suddenly I remember the plan. We have to go to Mazaro and to proceed everything. Umayos siya nang tayo at tuwid na habang nakatitig sa akin. Napako na tuloy ang paningin ko sa hawak kong banana cue at hindi ko alam kong uubusin ko ba ito. Hanggang sa naisip ko si Mama.

"Hindi pa ako nakapagpaalam kay Mama, Clyde."

"It's okay. I just did today... She packed all your clothes and stuff in your luggage and it's ready," kalmadong tugon niya.

Taming the Wicked Clyde Heart Blumer (BBHS2) ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon