Kabanata 4

12.4K 500 323
                                    



Faking it


I'm sitting quietly in the couch while Clyde's mother is also sitting in front of me. She seems happy. Well, sa tingin ko lang. Abala naman si Clyde sa pag-gawa ng kape.

"So, how did you two meet?" tanong ng ina niya.

Patay! Napalingon agad ako kay Clyde na abala pa rin sa ginagawa niya. Alam kong narinig niya ang tanong nng ina niya at mukhang wala lang siyang pakialam nito.

"Um, we-- me-- " nakatitig na ako kay Clyde habang nagsasalita.

"We meet in cebu, Ma," saad niya agad.

Nabigla ako. What cebu? My birthplace? Well it's not my hometown but Dad was from Cebu and we used to live there until we moved in Cagayan de Oro at my age eight. Ang galing mo rin Clyde!

"Cebu? Kung hindi mo itatanong, hija. My ancestors on my mum's side are Cebuana's," ngiti niya.

"So you've visited Cebu before, Ma'am?" sa pormal kong tugon.

"Oh, please don't call me Maam. Just say mom, mama, mamita? Kung saan ka kampante, hija."

Napalunok na ako at tumayo ang mga balahibo ko sa katawan sa narinig mula sa kanya. Pinadaganan ko ito nang kamay ko, at tumango na lang din para wala ng gulo.

"Oo. We visited Cebu long time ago, hija. Noong teenager pa lang si Clyde. I think that was when you are thirteen, son?" lingon niya kay Clyde.

"Yes, Ma." Lumapit na si Clyde sa kanya at binigay ang kape sa ina. Tinangap agad niya itong nakangiti.

"See? You still remember, hijo. We stayed actually for a month there if I'm not mistaken." She then took a small sip of her coffee.

"Hindi po kayo mukhang pinay sa paningin ko," direkta kong tugon.

"Really? Oh, you noticed, hija... Well, my mum is half spanish and so my dad. Kaya mestisa na ako. At si Clyde kung 'di mo naitatanong. He's got the look more on his father. Italyano," sa lawak na ngiti niya at tumango na ako.

"So, S-sere? What's your name again? I'm sorry I'm not good at names. It's just someone told me about you," ngiti pa rin niya.

"Serenity po."

"Ah, Serenity. That's a very nice name."

"What does your parents do, hija?" pagpapatuloy niya.

"My dad passed away seven years ago and my mom is taking care of my special brother."

"I see..." Sabay tango niya habang iniinom ang kape niya.

"And what do you do, hija?" tanong ulit niya.

Ano ba 'yan? Ang daming tanong? Para naman akong nasa hot seat nito. Parang totoo akong girlfriend. E, hindi naman! Nakakainis ito! Kaya binaling ko ang tingin kay Clyde na gumagawa nang orange juice. Tinitigan niya lang ako, kaya tinaasan ko na siya nang kilay.

Ano? Kainis ka! Sa tindi nang titig ko habang pinagmamasdan siya.

"I have finished my business management course po. Four years ago. Then I work for two years on a business venture. Pero umalis rin po ako, at ngayon sekretarya ako ni Judge Del Puerto."

Tumaas agad ang kilay niya at mukhang nabigla. Nawala pa ang ngiti sa labi niya.

"You're working as a personal assistant of a Judge?"

"Opo. Pero marami po kami. Apat po," ngiti ko.

Binaba na niya ang tasa sa mesa at nilingon na si Clyde ngayon.

Taming the Wicked Clyde Heart Blumer (BBHS2) ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon