Kabanata 3

11.9K 500 274
                                    



Wicked's Mum.


Unang bumungad ang infinity pool sa labas nang hardin na nakaharap sa dagat. Maganda at nakamamangha ang lahat dito. Ngayon na maliwanag na ang buong paligid ay makikita mo na ang ganda ng boung Villa.

It's like a separate paradise...

Naglakad ako nang naglakad hanggang sa marating ko ang dulo nito. Nagulat pa ako sa biglang nakita.

On his back. His half naked body is in perfect shape with a beautiful tribal lion tattoo on his left side. Although, I never like men in their tattoos but whatever it is on him that art on his skin suits perfectly and he's kissing someone!

Umiling-iling ako. Ugh, playboy! That image suits him very well. Imbes na tumalikod sa sarili ay mas tinitigan ko pa silang dalawa ngayon. Hindi ko alam, pero parang baliw rin ako sa sarili ko habang pinagmamasdan silang naghahalikan.

His body muscles moves like an art while giving an intense kiss to that woman. And what surprise me more is when I saw how his hand unhooked her bra and cupped her breast!

What the-- heck! Shit! Sa mura ng isip at tumalikod agad ako sa kanilang dalawa. Mabilis akong humakbang palayo. Nanayo ang buong balahibo ko sa batok at mas kinabahan ako sa sarili ko.

Why did I even look? I should not at the first place! Ang baliw mo lang din Serenity!

Mabilis kong sinara ang pinto ng kwarto nang makabalik ako. Kumuha at ininom ko ang malamig na tubig na galing sa ref. My entire system is on fire! Ang init! Pinagpapawisan ako, at hindi maalis-alis sa isip ko ang ginawa niya kanina. Makailang ulit pa akong napailing sa sarili.

Goodness Serenity! Marami na naman akong nakikita sa tv na kissing scene at love making. Pero iba pala talaga kapag nakita mo ito nang live!

Ginulo ko ang sariling buhok. Hay naku! At tiningnan ko na rin ang sarili sa salamin. I can't imagine myself and I look so pathetic! Dios Mio, Serenity!

Imbes na mag check out ay heto ako ngayon nakabalik sa kwarto niya. Nawala ako sa sarili ko at panay ang pabalik-balik na lakad ko.

Bahala na! I will pay the whole amount. Who cares. Basta ayaw ko na siyang makitang muli!

Kinuha ko agad ang bag at binuksan ang pintuan palabas. Pero nagulat ako dahil sa isang babae na bumungad sa harapan ko.

On her widest elegant smile. From her head to toe, with all 'red'. Her beautiful and elegant look with her red hat on. Her cherry ripe lipstick on her pouty lips and a dark oversize sunglass. Everything on her is a beauty. Kahit na may edad na siya ay hindi maitatago ang likas na ganda niya.

"Hello, dear!" sa maarteng boses niya at nakangiti pa.

Natulala na ako. I couldn't even smile at her. Now I'm wondering who's this woman in front of me? At imbes na lumabas ako ay napaatras pa ako ngayon pabalik sa loob ng silid.

"Ahm, I'm sorry, hija. I didn't even send a notice," she smile.

"By the way. I'm Mrs. Cynthia Heart Blumer. Clyde's Mom," sa ngiti niya habang inilahad ang kamay nito.

Tinangap ko agad ito nang walang pag alinlangan. Nakakahiya lang din dahil siya pala ang ina ng may-ari ng Villa. Napalunok ako nang maalala si Clye.

"Um, si Clyde? A-Ano eh, N-nasa--" nauutal kong tugon.

Hindi na tuloy ako makapagsalita at mas kinabahan na ako sa tindi ng titig niya. Nabigla na lang din ako dahil sa biglaang pagpasok ni Clyde ngayon. Napako agad ang paningin ko sa kanya.

"Mom!" Humalik agad siya sa ina at parang nataranta pa.

"Oh, Hijo? Sorry I didn't notify you, but I don't need your permission anyway," ngiwi ng ina niya.

"You never told me that you have a beautiful guest here, hijo. Kaya naman pala..." Sa hakbang niya palapit sa akin ngayon.

"You never show up on my arrange dates for you, anak. Kasi meron na pala? When are you going to tell me, son? Hindi ko pa malalaman kung hindi ako pa mismo ang pumunta rito," saad niya habang inaayos ang kwelyo ng damit ni Clyde.

"Mom. Can we talk in private?" sa titig niya sa ina at tiim-bagang nito.

"Oh no, hijo. I don't want that. All I want to know is who's gonna be my daughter in law?"

Matalas ang tingin niya sa akin. Head to foot! Pero nakangiti naman ito. Maingat siyang lumapit ulit sa akin at tinitigan ako sa mata.

"Hija? Bakit maga ang mga mata mo? May problema ba?" sa pagtataka siya.

"Ho? Ah, wala po!" Sinuot ko agad ang shades na itim at kinuha ang bag ko sa gilid.

"Excuse me,po. P-Pero kailangan ko na pong umalis--"

"Why, hija? Is Clyde giving you a hard time? Pagpasensyahan mo na ang anak ko. Matigas kasi ang ulo ng batang ito. Don't worry, hija. Ako ng bahala sa kanya."

Kinindatan niya ako at kinuha ang bag na hawak ko ngayon, at ibinaba pa ito pabalik sa sahig. Napaawang na ang labi ko at nilingon ko na si Clyde sa gilid na nakatayo lang at walang ginawa.

"Ahm, hindi po! I think It's a misunderstanding."

Then in an instant Clyde grab my hand tightly with possession.

"Hang on, Mom. Mag usap lang muna kami," kindat niya sa ina.

"Ha? A-Ano?" sa litung tugon ko.


Hinila niya ako patungo sa banyo at mabilis na isinara ang pinto. He then pushed me against the wall. Putting his hands next to my head as he moves closer towards me.

"Hey, don't speak anything in front of my Mum and just go with the flow," on his husky voice. "In exchange. You can stay here as long as you like for free. You don't have to pay anything. Can you do that for me?" on his deep baritone voice yet, sexy...

Makailang ulit pa ang pagkurap ko sa sarili. Magkalapit lang ang mukha naman sa isa't-isa at isama mo pa ang mabangong init na hininga niya. My goodness, ang baliw ko na!

Halos hindi na nga ako makahinga ngayon habang tinititigan siya. Do I have to agree? Come on Serenity mag isip ka! All expenses are free, sabi niya 'di ba? E, bakit tinititigan ko lang siya ngayon at wala ni isang salita na lumabas sa bibig ko.

"Are you okay with that?" sabay lunok niya at napayuko na. Mas umigting ang panga niya at napako na ang paningin ko sa mga labi nito.

"Okay, here's the deal. All are free including your meals. Name it you have it. Deal?" sa seryosong titig niya sa mga mata ko.

Mas kinabahan ako at nagmarathon ang puso ko, at hindi ko maintindihan ito.

"H-Ha?" sa awang ng labi ko.

"Deal! Good," sa tamis na ngiti niya at kagat-labi nito.

Bumitaw agad siya at tumalikod na. Naiwan akong tulala sa sarili habang pinagmamasdan ang likod niya. My goodness me! Did I just agreed to him? Pumayag ba ako? E, hindi 'ata ah! Ang baliw lang din ng lalaking 'to! Bahala na nga! I will think about this as a fun experience in El Nido. And besides, I still have four more days to spend here. I will just go with the flow.




--❤️❤️❤️--
anong klaseng flow flow yan Serenity! 🤣🤣🤣
Salamat much.

--❤️❤️❤️--anong klaseng flow flow yan Serenity! 🤣🤣🤣Salamat much

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Taming the Wicked Clyde Heart Blumer (BBHS2) ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon