Home, peace and quiet?"This is your Captain speaking. We'll be landing in Laguindingan International Airport in 10 minutes. Thank you for flying Philippines Airlines Mabuhay!"
I buckled my seatbelt and hugged my little bag. Then the plane landed safely in the ground. Thank you Lord!Tanaw ko ang ranway sa bintana at ang malaking letra na mababasa mo sa tuwing lalapag ang eroplano dito.
Welcome to the City of Golden Friendship!
Mabuti pa ito dahil maganda ang bati sa 'yo at mala-golden friendship! E, si Clyde? Ang mga matang leon ang unang babati sa 'yo. At bakit ko ba inisip ang leon na iyon? Tumaas na tuloy ang kilay ko at uminit na ang pisngi ko.
Nag unahan na naman ang lahat sa paglabas! I shook my head. And as usual, huli na naman ako. Dahil nga naman hindi marunong sumingit si Serenity kuno!
I was humming all the way out in the airport. At last, I'm free from the stress! Nilanghap ko ang hangin at ang sarap sa pakiramdam ito. Lumabas na ako para sumakay ng taxi. Mag tataxi ako. To think, you don't have to wait for taxis here. Kasi marami sa gilid at nag aagawan ng pasahero.
"Manong, sa Xavier Estate magkano?" tanong ko sa driver na nakangisi.
Nag isip siya ng iilang segundo. "1200 pesos Ma'am."
"Ang mahal naman, Manong! Pwede 800?" tumawad na ako.
"1000 na lang, Ma'am. Mahal kasi ang gasolina," umi-extra siya.
"900 po final!" huling singit ko.
Nagkamot siya nang ulo. "O, sige po, Ma'am."
Yes! Nanalo ako okay na. At mabilis na akong pumasok sa likod at pumwesto na. At least hindi masyadong traffic ngayon. Pinindot na ni manong driver ang player niya sa harap para sa musika.
Why do you build me up (build me up) buttercup, baby
Just to let me down (let me down) and mess me around?
And then worst of all (worst of all) you never call, baby
When you say you will (say you will) but I love you still
I need you (I need you) more than anyone, darlin'
You know that I have from the start
So build me up (build me up) buttercup, don't break my heartSeriously!? Pati ba naman dito Clyde magpaparamdam ka? Get a grip Serenity! Ano ba? Para na tuloy akong baliw rito, dahil panay ang isip at mura ko sa kanya.
Ayaw ko siyang isipin okay? I'm here at my home town and I want a peace and quitelife. Iyong walang Clyde at lalong-lalo na walang Vincent! Huh, Vincent? That heartless jerk! Bwesit talaga iyong taong 'yon! Sana makarma siya.
Pinipigilan ko lang ang sarili ko baka maiyak na naman ako at magmukha na naman akong katatawanan. At least, na ubos na ng konti ang luha ko. Pero masakit pa din ito sa loob ko.
When we reached the City proper, na traffic na ng konti. Agaw atensyon naman sa akin ang malaking billboard sa kahabaan ng highway. 'HB Estate soon to rise here', new housing project na naman. Ang dami ng housing estate rito.
Napansin agad ni manong driver ang paglingon ko sa malaking billboard na iyon. Ang nakaw atensyon kasi nang model nilang lalaki na pormal na pormal at mala hunk ang dating. Nakatalikod nga lang siya at nakaharap sa mga housings na itatayo. Parang pang Hollywood ang peg!
"Ano ba 'yan?"
"Sikat 'yan, Ma'am. Bago po 'yan, Ma'am. Mga mayayaman ang halos nakakuha na sa lot, Ma'am," tugon ni manong.
BINABASA MO ANG
Taming the Wicked Clyde Heart Blumer (BBHS2) ✅
RomanceMatured content She's innocent and pure. She quickly falls in love, pero mahirap mag-move on. Her challenging and bubbly personality hide the real pain in her heart. Mahal nya ang kanyang pamilya, they always comes first in everything. Paano kapag a...