Kabanata 1

69 7 1
                                    

Kabanata 1

"Tuloy kayo, Mayor," I offered as soon as I opened the wooden door of our house. Nauna akong pumasok sa loob, dinampot ang mga nakakalat na balat ng sitsirya at papel sa sahig. Naramdaman ko ang pagsunod niya. "Pasensya ka na. Medyo makalat ngayon. Hindi siguro nakapaglinis ang mga kapatid ko."

"No,it's okay. Hindi rin naman ako magtatagal dito," aniya, nililibot ang kaniyang mata sa paligid ng aming bahay. "Ite-text ko nalang ang driver ko na sunduin ako dito as soon as possible."

Napamura ako sa isip ko. Hindi muna siya puwedeng makaalis ngayong may chance na akong mapaamin siya. May nabubuo akong plano sa isip ko na posibleng makapagpalabas ng tunay niyang kulay.

"Uh...I think, it's not a better idea kung aalis ka agad. Sigurado nasa labas pa ang mga naghahabol sa atin kanina at hinahanap ka pa rin. Hindi natin alam kung anong posibleng gawin nila sa'yo," palusot ko at nilapag na ang guitar case sa maliit at itim namin sa sofa.

His forehead creased while his hooded eyes seriously looking at me. "And why would I stay here?

I bit my lower lip, nag-isip muli ng bagong palusot na sasabihin sa kaniya. Nang magkatinginan kami ay iniwas niya ang kaniyang mata, inilipat iyon sa mga litrato na nakasabit sa dingding namin na kulay krema ang pintura.

"Plano ko sanang makiag-inuman sa'yo," sabi ko at ngumisi. "Oo, tama! Mag-inuman muna tayo."

"Inuman?" nauutal niyang sabi, napalunok, at 'di pa rin ako matitigan ng diretso.

"Inuman. Alak. Shot!"

"Hindi ako..." he gulped, "...umiinom."

I chuckled. "Imposible naman ata iyan, Mayor! Kahit sino naman hindi maniniwala diyan sa palusot mo. Huwag mong sabihin na hanggang ngayon gatas pa rin ang iniinom mo?"

Hindi siya sumagot doon, ibinababa ang tingin sa aming sahig na tiles na kulay puti. Hmm...did I offend him? Huwag mong sabihin na totoo nga iyong biro ko? Lumapit ako sa kaniya at tinapik ang kaniyang balikat.

"Sige na, Mayor, pumayag ka na. Minsan lang naman. Atsaka bilang pasasaamat mo na rin sa akin sa pagligtas ko sa'yo sa mga nagwewelga," pilit ko pa. Naghintay ako ng ilang segundo bago ko matanggap ang kaniyang sagot na tango. "Ayos! Sige, maupo ka na muna. Kukuha na muna ako ng damit pampalit sa malagkit mong suot."

I tapped his shoulder three more times before I go upstairs. Sinindihan ko agad ang ilaw pagkapasok ko sa aking kwarto saka dumiretso sa luma kong aparador.

Hindi ko alam kung magugustuhan niya ba ang mga ito dahil hindi naman ito tulad ng mga isinusuot niya panigurado. Itim at puting mga shirts lang ang meron ako na ipapahiram sa kaniya na nabili ko lang sa ukay-ukay sa bayan, 'di ito tulad ng mga damit niyang libu-libo ang halaga. Iilan lang naman ang damit ko na branded, isinusuot ko iyon tuwing may gig kamii. Hindi naman kasi afford iyon ng bulsa ko, at isa pa kailangan ko rin ipunin ang perang kinikita ko para sa pag-aaral ng dalawa kong kapatid na nasa kolehiyo na ngayon. Wala na naman ibang gagawa no'n dahil ako na ngayon ang nagsisilbing ama at ina nila.

Kailangan kong alagaan sila ng mabuti tulad ng sabi ng parents ko bago sila mabawian ng hininga dalawang taon ang nakakalipas dahil sa isang aksidente. Nasagasaan sila habang pauwi sila.

Nahuli na rin naman ang suspek kaya nakuha ko na ang hustisya sa pagkamatay nila.

Kinuha ko na ang isa sa mga puting damit na branded. Nagpalit na din muna ako ng damit dahil hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin ang lagit ng itlog. Itim na boxer nalang din ang sinuot ko sa ibaba, tulad ng nakasanayan. Bumaba ako pagkatapos.

Fallen So DeepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon