Kabanata 33

10 0 0
                                    

Kabanata 33

"Ayos ka lang ba, Kuya? Maganda naman dito pero bakit parang hindi ka naman nag-e-enjoy?" tanong ni Kylie, bakas sa kaniyang boses ang pagtataka.

"Oo nga, Kiro. Kanina ko pa napapansin 'yang pagiging aligaga mo. May hinahanap ka ba?" si Ate Lillian na ganoon din ang tono ng kaniyang boses.

And because of that, I stopped looking around and shifted back my eyes on them. Puno man ng kolorete ang kanilang mukha ngayon ngunit bakas pa rin ang magkahalong pagtataka at pag-aaala doon. Kahit na balot ako ngayon ng agam-agam ay pinili ko pa rin silang bigyang ng ngiti.

"Ayos lang ako," palusot ko. "Tinitingnan ko lang ang kabuuan ng isla. Ganda kasi, e. Halatang naalagaan nang mabuti."

I gave them my sweetest smile, umaasa ako na mapapawi no'n ang pag-aalala nila ngunit mukhang bigo ako.

"Sigurado ka?" tanong pa ni Ate Lillian.

Mabilis akong tumango.

"Ayos lang talaga ako, Ate. Don't mind me and enjoy this night, hmm?" I reassured them.

She smiled at me and nodded. Mukhang nakumbinsi ko na siya ngunit si Kylie ay gano'n pa rin ang tingin sa'kin. I smiled a bit at her. Alam kong ramdam niya na may mali sa'kin ngayon. That's normal, she's my sister after all.

"Mabuti pa nga siguro. Nasaan na ba kasi itong si Dodong! Ini-enjoy na aga ang mga babae dito! Yayariin ko talaga 'yon kapag nagkataon!" reklamo niya at naiinis na humawak sa kulay bughaw na beach dress na suot niya.

"Alam mo, Ate Lillian, kasama no'n si Kane. Sumama ka nalang din sa'min ng mga kaibigan ko na magtingin ng mga guwapong idols dito! Nasa dalampasigan daw sila! Tara!" Kylie giggled.

Hindi pa man nakaka-oo si Ate Lillian ay mabilis na siyang hinila ng kapatid ko palayo sa amin. Pinagmasdan ko silang maglakad hanggang sa mawala na sila sa paningin ko nang pumasok sila sa alon ng mga tao.

I sighed. Iniangat ko ang tingin ko sa palubog na kahel na araw. Imbes na matuwa ay mas lalo lamang akong niyayakap ng takot.

I know I shouldn't be like sa ganitong klaseng araw. Dapat ay nagsasaya rin ako ngayon katulad ng mga taong nakakalat ngayon sa buong isla, suot ang kanilang mga summer outfit. The men are wearing their hawaiian floral polo, and women were looking beautiful with their floral summer bikinis and dresses tulad ng suot ng dalawa kong kasama kanina. 

Nakakainggit din na kaya nilang makipagsabayan sa masiglang tugtog ng panibagong bandang nagpe-perform ngayon. Ngunit kahit anong pilit kong maging masaya, hindi ko magawa. Tila may kung anong mabigat na bagay ang nakadagan sa'kin ngayon.

I almost ruin our performance a while ago because of this freaking fear. Kung nung ibang araw ay puro kaba at nerbyos lang, ngayon ay mas matindi pa rin ang bumabalot sa akin dahil sa sulat na ipinadala ng gagong Landon na 'yon sa'min sa simbahan.

"Are you still thinking about my father's threat?" Nikkolai asked when I got back in our hotel room.

Napagdesisyunan ko nalang din na bumalik dito dahil hindi ko rin naman kayang magsaya sa labas. Sinubukan kong umiglip pero hindi ako pinayagan ng nararamdaman ko.

I sat on our soft bed, nilingon siya. Kasalukuyan siyang nagsasarado ng butones ng kaniyang polo sa harapan ng salamin. Pinarisan niya iyon ng black pants at itim na sapatos. He's getting ready for the after-party.

Mamaya na siguro ako mag-aayos, maaga pa naman.

Mula sa repleksyon niya ay kita ko ang nag-aalalang tingin niya.

I breathed heavily.

"Yeah. I can't help but to think of it. Pakiramdam ko may mali ngayon," I tsked. Sa sobrang frustration ay 'di ki na naiwasan pang mapahilmos sa mukha ko.

Fallen So DeepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon