Kabanata 14

24 2 1
                                    

Kabanata 14

Tunog ng makina ng aircon at mahihinang mga bulungan ng mga tao ang nakapagpagising ng diwa ko. Isang kamay ang nararamdaman kong humahawak sa kamay ko, marahan pang hinahaplos 'yon.

Dahan-dahan kong binuksan ang mata ko. Malabo at sumasayaw pa ang aking paningin, bahagya pang kumirot ang ulo kaya muli na naman akong napapikit. Matapos ang ilang segundo, dinilat ko ulit ang mata ko. Hindi tulad kanina, hindi na masyadong magalaw pero medyo malabo pa rin.

"Kuya?" boses 'yon ni Kylie na siyang nakahawak pala sa'kin. "Gising na si Kuya!" anunsyo niya. Naramdaman ko ang mga mata nila sa akin.

"Kuya!" si Kane na agad din akong hinawakan. "Ayos ka na ba? May masakit ba sa'yo?" puno ng pag-aalala na tanong niya.

Hindi ko siya sinagot, bagkus ay inilibot ko ang mata ko sa paligid. Puti ang lahat ng nakikita ko mula kisame hanggang dingding. Sa kaliwa ko ay nandoon ang IV pole kung saan nakasabit ang IV fluid bag at dextrose na nakasalpak sa akin ngayon.

Tinapunan ko ng mga tingin ang mga taong nandito. Bukod sa mga kapatid ko ay nandito rin si Nathalia at Rios ngunit hindi sa kanila dumapo ang mata ko kundi sa kaniya. Nakatayo siya malayo sa amin, malapit sa pinto, nakahalukipkip at hindi makatingin ng maayos sa akin.

Hindi ba siya natutuwa na gising na ako?

"Hey, Kiro! We're asking you! Ayos ka na ba?" Pinitik-pitik niya pa ang kaniyang daliri sa mukha ko.

Huminga ako ng malalim at tumango. Wala naman akong ibang nararamdaman ngayon kundi ang sakit ng ulo ko at...napangiwi ako sa pagkirot ng kaliwang braso ko na nakabenda na ng puting tela.

"Nahuli niyo ba?" tanong ko, kinakagat ang ibabang labi ko upang impitin ang sakit.

"Nakatakas siya," seryosong sagot ni Rios, nakahalukipkip. "Nataranta na ang mga tao, nagtakbuhan. Nahagip ng isang CCTV ang isang lalaking balot na balot, tumatakas siya gamit ang motorsiklo. Hindi naman ma-identify ng mga pulis kung sino 'yon at bakit niya ginawa 'yon."

Napapikit ako, bumuntong ng hininga. Iba talaga ang naging kutob ko kanina habang sinusundan ko siya ng tingin. Sa tingin palang kasi niya sa alkalde kanina ay halatang may gagawin siyang masama at tama naman ako.

"You're lucky enough. Mabuti nalang talaga at dumaplis lang ang bala sa braso mo," dagdag ni Nathalia.

"Oo nga, Kuya. H'wag mo na munang isipin 'yong gumawa niyan. Ang mahalaga ngayon, buhay ka." Sabay yakap sa akin ni Kylie, lumuluha na at humihikbi. "Akala ko talaga iiwan mo na rin kami. Ano nalang ang gagawin namin kung wala ka?"

Natawa ako nang pati si Kane ay hinagkan na rin ako.

"Oo nga, Kuya. Wala ng magluluto ng sopas sa'kin kapag may hangover ako," aniya. Kinaltukan ko siya, napahalakhak.

Gano'n ba ang purpose ko sa buhay niya? Ang maging tagaluto ng mainit na sabaw kapag nalalasing siya? Loko 'to, ah!

Pero akala ko rin mamamatay na ako kanina. Iyon ang unang pagkakataon na naranasan ko ang gano'ng klaseng bagay. But atleast, buhay ako. Nakakahinga at nakakapagsalita. Ang problema nga lang, paniguradong hindi ako makakatugtog ng ilang araw o linggo. Umaasa ako na sana maging mabilis ang recovery ko. Kailangan pa namin mag-ensayo para sa SSE.

Dinako ko muli sa kaniya ang mata ko. Nakatingin siya sa akin pero nang mapansin niya ako ay iniwas niya ito at tumingin sa puting dingding.

Bakit ba hindi siya nagsasalita diyan?

"Anyways, salamat pa rin for saving Nikkolai's life, Kiro. You're such a life savior!"

Ambang yayakapin din ako ni Nathalia pero pinigilan ko siya. Sapat na ang dalawa. Baka matamaan pa niya ang braso ko. Napasimangot pa na parang hindi nagustuhan ang inasal ko, 'di kalaunan ay ngumiti rin naman siya.

Fallen So DeepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon