Kabanata 9

19 4 1
                                    


Kabanata 9

"Two cinnamon hazelnut cake, Miss," I ordered as the lady in uniform asked me what flavor of cake do I want.

"Okay, sir. Pakisulat nalang po ng name ng celebrant." Iniabot niya sa akin ang isang notepad at ballpen.

Agad kong kinuha iyon, isinulat ang pangalan ni Kane at Kylie at ang edad nilang dalawa. Today is their birthday. Sigurado ngayon ay nagsisiyahan na sila sa bahay. Balita ko ay inimbita nilang dalawa ang mga kaibigan nila.

Nabigyan ko na naman ng pera kahapon si Kylie para bumili ng sangkap sa handa at pinakiusapan si Aling Myra, kapitbahay namin na siya na ang magluto no'n. Pumayag naman siya, sinabihan na magbabalot nalang daw siya ng kaunti para sa pamilya niya.

Nang matapos ay ibinalik ko ulit sa babae ang notepad bago ako humarap kay Nathalia na nasa tabi ko ngayon. Nakahalukipkip siya, taas ang kilay. Sa hitsura niya ngayon parang kailangan ko ng ihanda ulit ang pisngi ko at baka masampal na naman ako.

"So, anong gagawin mo niyan?" seryosong tanong niya. "You messed up our plan. Paano mo pa siya mapapaamin ngayon?"

Huminga ako ng malalim. Nasabi ko na sa kaniya ang nangyayari sa amin ng boyfriend niya, at kaninang nasa kotse niya kami ay kulang nalang ay sagasaan niya lahat ng sasakyan na nadadaanan namin. Ngayon na nga lang siya kumalma dahil nasa cake shop kami.

"Nag-iisip pa ako ng ibang paraan para maayos 'to, okay? Just give me some time," pakiusap ko.

She groaned and rolled her eyes.

"You know what, Kiro? Kung sanang nag-focus ka nalang sa pinapagawa ko, hindi mangyayari ang lahat ng 'to ngayon. Ginulo mo lahat." sisi pa niya sa akin, pinipigilan ang sarili na masampal ako.

Bakit kung ibintang niya sa akin ang lahat ay para bang ginusto ko ang mga nangyayari na 'to? Ni hindi ko nga na mangyayari nalang bigla 'to e! Atsaka hindi ba dapat tinutulungan niya ako ngayon para makalapit ako sa boyfriend niya? Siya nga 'tong walang ambag sa plano, puro nalang satsat.

"Don't worry, sisiguraduhin kong maayos ko 'to," I assured her. "Huwag mo lang ako masyadong madaliin. Huwag kang atat."

"I'm not atat!" she hissed, pinalo pa ako sa aking braso. Problema nitong babaeng 'to?! "Para ipaalala ko lang sa'yo, Kiro, ha? Two weeks nalang fiesta na, and after that, engagement party na namin! Gusto ko lang madaliin mo para naman alam ko kung anong kulay niya talaga para kahit 'yon lang ay hindi niya itatago sa akin."

So, sigurado na talaga siyang papakasalan niya ang alkalde kahit ano pa siya, huh? True love naman pala, e. Napangiti ako sa naisip ko.

"Basta make sure na magagawan mo 'to ng paraan as soon as possible."

Tumango ako. "Yes, boss. Noted." biro ko na nagpaikot muli ng mata niya.

Ilang sandali pa ang lumipas ay natapos na rin ang in-order kong cake. Matapos kong magbayad ay sabay kaming lumabas doon. Dumiretso si Nathalia sa compartment ng sasakyan niya at kinuha doon ang dalawang paper bag na galing sa isang sikat clothing store.

"Oh! Give it to them," abot niya sa akin na agad ko naman kinuha. "Just send my greetings to them, okay? Mag-taxi ka nalang. I have to go na kasi to my friends, e. Goodbye."

Pumasok na siya sa kaniyang kotse at agad na pinaharurot 'yon. She looks girly outside, pero sa paraan niya ng pagd-drive ay daig pa niya ang isang lalaki. Napailing nalang ako.

Dumaan muna ako sa palengke upang bumili ng pork sizzling na gagawin naming pulutan bago ako sumakay ng taxi at umuwi. Pagbaba ay agad na sumalubong sa harap ng bahay namin ang iilang motor na mukhang sa mga kaibigan ng mga kapatid ko.

Fallen So DeepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon