Kabanata 34

11 0 1
                                    

Kabanata 34

"Kiro! Ano ba ang nangyayari? Hey, where the hell are you going?! Ano'ng ibig mong sabihing nasa panganib si Nikkolai?!" sigaw ni Nathalia habang hinahabol ako palabas ng hotel.

Kahit madami ang tanong na naibato niya sa'kin magmula kaninang nasa kwarto ay wala akong sinagot kahit isa. Hindi na ako nag-abala pang lingunin siya, wala nang oras para pansinin siya sa ganitong klaseng sitwasyon.

"Kiro! Kinakabahan na ako sa'yo! What the hell is really happening with Nikkolai?!"

Again, I didn't bother to turned to her.

Sinubukan kong muling tawagan ang numerong nag-send sa'kin ng message at picture ni Nikkolai na kalunos-lunos ang hitsura, pero cannot be reach na rin tulad ng numero niya. Napahawak nalang ako nang mahigpit sa cellphone ko.

Oh, God! Please, answer the call!

Pagdating sa labas ay marami akong nababanggang taong nagsasayawan. Hindi na ako nagtangka pang humingi ng dispensa dahil sa sobrang pagmamadali. Sinisigawan ako ng iba, at ang iba naman ay hindi na ako pansin.

"Tangina naman, Kiro, puwede bang kumalma ka muna?!" Hinablot niya ang aking braso at ihinarap sa kaniya.

Sinamaan ko siya ng tingin.

"Kumalma?!" pabalang kong tanong. "Nathalia, nasa panganib si Nikkolai! Wala akong oras para kumalma. Nag-aalala na ako nang sobra!"

"Anong panganib ba?! Just give me a word para naman may ideya ako kung ano ang nangyayari! Hindi itong papagurin mo ako kakahabol sa'yo para makuha ang sagot na gusto—"

"Hawak ni Landon si Nikkolai! Hostage niya siya!" I exclaimed in so much frustration.

Namilog ang mata at napalunok.

"W-What? Hostage siya ni Tito Landon? Why? Bakit naman niya gagawin 'yon sa sarili niyang anak?" hindi makapaniwalang sabi niya.

"Mahabang kuwento. I have no time to tell it to you. I need to find him as soon as possible."

"Let me help," she offered.

Agad akong umiling.

"Delikado, Nathalia. Just call the police." Iniabot ko sa kaniya ang aking cellphone na agad naman niyang tinanggap. "Give it to them. Nandiyan ang ebidensya. Sabihin mo, nandito si Landon. We need to take this opportunity para mahuli siya."

She nodded. "I will. But, Kiro, take care. Save him, okay?" 

Isang ngiti nalang ang iginawad ko sa kaniya bago ako tuluyang tumakbo nang mabilis. Gusto kong maiyak nalang dahil sa nangyayari ngayon. Alam ba niya na nandito ang ama niya? Kaya ba masyado siyang tutok sa cellphone niya magmula kanina dahil si Landon ang kausap niya?

He lied to me. Ang sabi niya ay trabahador lamang sa munisipyo.

Kung alam ko lang na magkakatotoo ang iniisip ko magmula kanina, I should have trusted my guts and never let him to leave without me. Sobrang walang hiya talaga ng Landon Servantes na iyon. How could he hurt his own son?! Makita ko lang talaga siya, makikita niya ang hinahanap niya!

Nang marating ang dalampasigan at ang cruise, madali akong sumampa paakyat roon.  Pagdating sa entrance ay may dalawang gwardiya na nagbabantay doon. Dahil kakilala ako ng mga ito ay binati nila ako at kusang pinagbuksan ng pinto.

Pagpasok sa loob ay puro mga staff lamang ang naabutan ko. They are still preparing for the after-party. Lights, grand chandeliers, tables and chairs covered with clean white cloth. Sa isang gilid naman ay makikita mo ang chef na inilalapag na ang mga putaheng kakainin. Sa gitna ng dalawang hagdanan ay naroon ang isang mini stage na mukhang gagamitin mamaya for announcement.

Fallen So DeepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon