Kabanata 2

40 6 0
                                    


Kabanata 2

"Are you sure?" Iyan ang bungad sa akin ni Nathalia kinaumagahan paggising ko.

Magkasalubong ang kilay ko habang nakatingin ako sa kaniya, hinahalo ang tinimpla kong kape para sa akin. Hindi ko alam kung anong problema niya ngayon at bakit ang aga-aga niyang nandito sa bahay. Ala-sais palang kanina, halos wasakin na niya ang pinto namin sa sobrang lakas ng pagkatok niya.

Umupo ako sa harap niya, humihikab pa rin dahil sa antok.

"I'm sure of what?"

Nilabas niya mula sa kaniyang sling bag ang cellphone niya saka iniharap ang isang text message na pinasa ko sa kaniya kagabi. Kaswal ko lang iyong tinitigan.

"Kanina ko lang nabasa 'yan kaya nagmadali akong pumunta dito," paliwanag niya. "Sigurado ka ba diyan sa nalaman mo?'"

Tipid lang akong tumango.  Iyon naman talaga ang totoo. Sa boyfriend na rin naman niya galing ang sagot na hinihingi niya.

"I also heard na dito daw natagpuan si Nikkolai ng driver niya kagabi. Lasing daw. Anong nangyari? What is he doing here?"

Naalala ko na naman tuloy ang nangyari. Halos gising ako buong gabi kagabi, hindi dahil sa ginawa ko sa kaniya para mapaamin siya, kundi lahat ng binunyag niya sa akin tungkol sa buhay at pamilya niya. Hindi ko alam pero naaawa ako sa kaniya sa totoo lang.

Kaya kagabi ang tanging ginawa ko lang ay tumingala sa kisame habang nag-iisip ng paraan kung paano ko siya matutulungan. May naisip naman ako, ang kaso lang ay hindi ko alam kung paano ko gagawin iyon. Ni hindi ko nga din alam kung makakalapit pa ako sa kaniya.

Humigop ako sa aking black coffee.

"Nag-inuman." I said in a matter of fact. Sinamaan niya ako ng tingin na tila ba may mali sa sinabi ko.  What? Magtatanong tapos kapag sinagot magagalit. I sighed. "Sinimulan ko na ang plano ko. Inilayo ko siya doon sa mga taong nagwewelga kahaponn at dinala dito sa bahay. Tapos inaya ko siyang mag-inuman."

Her eyebrow shot up. "Tapos?"

"When he is drunk, I asked him if he's gay then he said 'no'. Syempre para makumpirma ko kung totoo ba 'yong sinasabi niya kaya...hinalikan ko siya."

Natawa ako nang makita ko kung paano nag-iba ang reaksyon niya. Her chinita eyes widened, and her jaw dropped.  Para siya ngayong nakakita ng tae sa stilletos na suot niya.

"You...you did what?"

"Kiss," ulit ko pa saka ngumisi. "I kissed your boyfriend's lips. Slowly and in a sexiest way."

Mas lalong umasim ang mukha. Ilang segundo pa ay napatayo siya at para bang isang sumabog na bulkan sa sobrang lakas ng tili niya sa inis.

Humagalpak ako sa tawa nang simulan niyang ipanghambalos sa akin ang suot niyang sling bag.

"Ggao ka! Inunahan mo pa akong makahalik sa kaniya! Baboy ka! You jerk!"

Ginawa kong sabat ang aking kamay upang hinddi matamaan sa mga atake niya.

"Sandali, masakit!" I groaned. "Kumalma ka muna, puwede? Hindi ko rin naman gustong halikan ang boyfriend mo.  I have a reason kung bakit ko ginawa iyon!"

Kumuha ako ng tiyempo hanggang sa mahawakan ko ang bag at marahas na hinablot ito mula sa kaniya. Mabigat ang kaniyang paghinga, masama pa rin ang tingin sa akin. Binilog pa niya ang kamao niya na para bang handa siyang ipatama sa akin iyon sa oras na hindi niya nagustuhan ang rason ko.

Tumikhim ako bago nagsalita.  "That's part of my plan, okay? Atsaka ikaw na rin mismo ang nagsabi na i-seduce ko siya kaya iyon ang ginawa ko. Akala ko nga gagantihan niya ang halik ko pero hindi."

Fallen So DeepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon