Kabanata 3

26 4 0
                                    


Kabanata 3

Pagdating sa studio namin ay agad namin sinimulan ang ensayo. Inis pa nga sa akin si Spencer at ang iba dahil doon. Pinalusot ko nalang na may dinaanan lang akong importante. Tuwing break time ay palagi akong sumusulyap sa aking cellphone, tinitingnan kung may natanggap na ba akong mensahe mula sa kaniya. Lumipas ang buong araw ng paghihintay ay wala akong napala kaya napaaga na rin ang tulog ko.

Gano'n rin ang ganap sa sumunod na dalawang araw, maghapon akong naghintay ngunit wala pa rin siyang paramdam. Gusto ko na nga siyang puntahan ulit sa munisipyo  pero ayaw ko siyang kulitin.  Sinabi naman niya na siya mismo ang magsasabi kung nakabuo na siya ng desisyon.

Napapanginaan na  nga ako ng loob dahil aka sinabi niya lang iyon para mapaalis ako at ayaw naman talaga niya. Kaya nag-isip nalang ulit ako ng magiging back-up plan ko sa oras na hindi siya pumayag, pero wala akong maisip na iba. Like dang, bro!  Iyon lang ang tanging paraan para makalapit ako, magawa ang plano namin, at makapasok sa SSE.

Akala ko wala ng pag-asa hanggang sa sumapit ang huwebes, kalagitnaan ng ensayo namin ay sawakas nabuo na rin ang desisyon niya.

Mayor: I'm accepting your help, Kiro.

Nang mabasa ko iyon ay halos mapatalon ako sa sobrang tuwa. Wala akong ibang ginawa no'n pagkatapos ng practice pag-uwi kundi ang gumawa ng mga step o ways kung paano nga ba maging isang mabuting leader. Hanggang biyernes iyon ang inatupag ko.

"How to be a good leader..." rinig kong basa ni Oliver, ang drummer sa banda, na nagpabalikwas sa akin sa gulat.

Nandito kami ngayon sa dressing room namin sa bar n pagmamay-ari ng tito ni Levi, ang main vocalist namin. Biyernes ngayon, araw ng gig. Maraming tao ang manonood ngayon at kailangan naming galingan talaga.

"Ano 'yan, pare? Bakit ka nagsusulat ng ganiyan?" Nilapit pa niya ang kaniyanga mukha pero mabilis ko siyang inilayo gamit ang libre kong kamay.

"Wala 'to, pare. Trip ko lang gumawa nito," paluosot ko. "Mag-ayos ka na nga doon, ilang minuto nalang mag-uumpisa na tayo."

He pouted. "Damot. Pabasa lang, e." Saka na siya naglakad pabalik sa mga kasama.

Napailing nalang ako. Kahit kailan tsismoso talaga...

Tanghali na ng sabado ko natapos ang ginagawa ko. Kaunti lang naman ito pero syempre nag-isip pa ako kung paano niya gagawin iyon sa mga tao ng La Castellion. Ni-text ko rin siya, sinabing mamayang  hapon ang punta ko doon at uumpisaan na ang unang hakbang. Simpleng 'sige' lang ang sagot niya sa akin.

"Kylie, may pupuntahan lang ako. Baka gabihin na ako. May ulam naman sa ref, kayo na ang magluto," paalala ko habang sinusuri ko ang sarili ko sa salamin sa huling beses.

Napangiti ako. Marami ang nagsasabi na talagang ang swerte ko dahil talagang namana ko ng hati sa mga magulang ko ang itsura nila. Hindi katulad sa mga kapatid ko na tig-isa lang; si Kane ay kamukha ni Mama habang si Kylie ay si Papa. Samantalang ako, hating-hati talaga.

My diamond face shape and pointed nose is from my mother, while my brown monolid eyes and light brown skin color is from my father.

Parehas silang may hitsura kaya hindi na kataka-taka kung bakit kusa ng lumalapit sa akin ang mga babae.

For the last time, I fixed again my faux hawk hair, I made sure it was neat and clean. I also applied lip balm to my thin lip so it doesn’t look dry and still attracting. Inayos ko rin ang suot kong plain black shirt na pinarisan ko ng faded jeans at rubber shoes.

Muli akong humarap sa kapatid ko dahil sa hindi niya pagsagot sa akin. Tutok siya ngayon sa T.V namin at pinapanood ang isang korean drama series na ilang beses na ata niyang inulit. 

Fallen So DeepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon