Kabanata 28

26 0 0
                                        

Kabanata 28

Dalawang kamay ang nararamdaman ko na pilit binobomba ang aking dibdib. Malakas at mabilis na halos maramdaman ko nalang din ang paghingal sa kaniyang ginagawa. Kasunod no'n ay ang pagsakop ng isang malambot na labi sa aking bibig at walang humpay akong binibigyan ng aking sa loob.

Salitan niyang ginawa ang dalawang iyon hanggang sa naging mabilis ang pag-akyat ng tubig sa aking lalamunan at ibuga iyon ng aking bibig. I gasped hardly after all the salty water came out from my mouth. Naging mabigat din ang aking paghinga, pilit na hinahabol ang hangin na nawala sa akin.

"Kiro! Kiro!" Iyon ang malabong boses na narinig ko ilang sandali pa nang bumalik ako sa wisyo.

Masyadong mahina na umabot sa puntong karamihan sa mga sinasabi niya ay hindi pumapasok sa aking tainga.

He softly tapped my cheeks, trying to wake me up while calling my name. Dahil doon ay unti-unti kong iminulat ang aking mata. Tulad ng tubig ng dagat, naging maalon ang paningin ko. Masyadong malabo na halos hindi ko na makita ang mukha ng lalaking nakapatong sa'kin ngayon.

Ngunit kahit na gano'n, alam kong si Nikkolai 'to. Sa kulay palang ng suot niyang damit na agad kong nakilala at sa depina palang ng katawan niya ay alam kong siya 'to. At hindi naman ako nagkamali dahil sa tuluyang paglinaw ng paligid ay nakita ko siya.

Basa ang buong katawan niya ngayon. Maluha-luha pa ang kaniya mata habang kagat ang ibaba niyang labi. Katulad ng kaniyang paghinga ay mabilis din ang pag-agos ng mga buo-buong pawis sa mukha niya na marahil sa pagod.

He's the one who saved me?

Muli akong napaubo at napangiwi dahil sa bigat niya sa aking tiyan. Madalis siyang umalis doon nang mapansin iyon. Mariin akong napapikit dahil sa pagkirot ng aking ulo. Bahagya akong gumalaw, nalaman na buhangin ang kinahihigaan ko ngayon dahil sa magaspang na pakiramdam sa balat ko.

"Are you okay now?" He softly asked, still looking at me worriedly. "Wala bang masakit sa'yo. Hindi tumama ang ulo mo sa mga bato? Ano?"

Marahan akong umiling.

"Ayos...na 'ko." matipid kong sagot.

Inilibot ko ang aking mata. Sa pagtama ng paningin ko sa tulay na nasa taas namin ngayon ay inalala ko ang lahat ng nangyari kanina. Kita ko pa rin ang imahe ni Landon sa isip ko na nakangising demonyo at lahat ng mga sinabi niya.

Hindi ako makapaniwala na kaya niyang gawin sa'kin 'yon. Pero bakit pa nga ba ako nagugulat? He's capable of doing it. Sunod kong tiningnan ang ilog na nasa tabi lang namin at nanumbalik sa'kin kung paano ako nahirapan na huminga doon at sino ang taong iniisip ko sa gitna ng kalagayan ko.

At naiinis ako kung bakit ko ginawa 'yon! Why him?

"Sigurado ka? Baka may masakit sa'yo, hindi mo lang sinasabi sa'kin. Let's go see a doctor to make sure." Sinubukan niyang hawakan ang aking braso upang alalayan akong tumayo, pero mabilis akong umiwas.

Natigilan siya at hilaw na ngumiti.

Kahit na nanghihina pa, pinilit ko ang sarili ko na bumangon. My head is still throbbing, tila hinihiwa sa dalawa ito. Nang makatayo ay agad akong naglakad upang maiwasan siya.

"Saan ka pupunta, Kiro? Kaya mo bang maglakad mag-isa?" tanong niya, puno pa rin ng pag-aalala.

"Kaya ko. Iwanan mo na 'ko." malamig na sabi ko at binilisan ang lakad kahit na hirap ako sa paghakbang.

"Let me help you." He offered as soon as he stood up to follow me.

"Kaya ko ang sarili ko. Hindi ko kailangan ng tulong mo."

Fallen So DeepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon