Kabanata 35

20 0 0
                                    

Kabanata 35

"Papa, please don't do this to us. Maawa ka naman sa'min, o kahit sa'kin lang na anak mo..." puno ng pagmamakaawang ani Nikkolai.

The tears from his eyes started to flow down. Parehas naming hawak ang aming hita na tinamaan ng bala ni Landon upang hindi magtuloy-tuloy ang pag-agos ng dugo at sabay pa kaming napapangiwi dahil sa sakit. Magkahalong init at hapdi ang nararamdaman ko sa sugat, at alam kong gano'n din ang kaniya.

"Shut up, Nikkolai. We're already here. Ngayon ko pa ba iaatras lahat ng plano ko sa inyo?" giit niya. "Let's all die in here. Kasama ko kayong babagsak."

Nagtangis ang aking panga at napakuyom ang aking kamao. How can he be so ruthless father to his son? Sarili niyang anak ay idadamay pa niya sa plano niyang pagpapakamatay?

"Kung gusto mong mamatay, bakit hindi nalang ikaw? Bakit pati kami kasama? What did we ever do to you para iparanas mo sa'min 'to?!" protesta ko.

"Marami! Marami kayong ginawa, lalo ka nang gago ka!" sigaw niya, nanlilisik ang mata at dinuro ako gamit ang baril. "Since you came to Nikkolai's life, you ruined everything! You messed up all our plans. Ginulo mo ang buhay namin!"

I scoffed. At may lakas pa siya ng loob na ipasa sa'kin ang sisi ngayon?

"Kung nasira ang buhay mo, kasalanan mo 'yon. You ruined your own life and your family because of your dark twisted plans!"

"Well, fuck you! How thick is your face for you to say that this is all my fault, when in fact, you are the root of all of this!"

Nagsimula siyang maglakas palapit sa'kin, puno ng galit ang kaniya mata, dama sa kaniyang hakbang ang gigil, at rinig sa pagngitngit ng kaniyang mga ngipin ang poot na nararamdaman niya.

"Papa, no! Please, h'wag mong gagawin 'yan!" pigil ni Nikkolai nang ilagay ni Landon ang baril sa aking noo.

Puno man ng takot at pangamba dahil sa posibilidad na hilahin ni Landon ang trigger at tuluyang wakasan ang buhay ko, pinanatili kong bukas ang aking mata na masamang nakatitig sa kaniya. Hindi ito ang oras para maging mahina ako. I should protect Nikkolai at all cost.

I gulped.

"Simula nung dumating ka, nilason mo ang utak at pagkatao ng anak ko. Lahat ng desisyon niya, ginulo at pilit mong binago lahat ng 'yon! You've made him a rebel man again. At dahil doon, natuto siyang suwayin ako na naging rason para maging ganito lahat." Idiniin pa niya sa'kin ang baril. "Kung hindi dahil sa'yo, hindi magkakaganito ang anak ko. Dahil sa'yo, nasira ang mga plano ko para sa La Castellion at ngayon ay mainit na ang mata ng mga tao sa akin. And you even turned my son into a person na hindi ko gusto! How can the two of you fall in love with each other when you are both a man! Nakakadiri!"

"Hindi mo alam ang mga pinagdaanan namin. Who are you to judge?!"

"I am his father!"

"No! You are just one of the homophobic person na patuloy na kinamumuhian ang tulad namin dahil sa rason niyong kakaiba kami!"

Humalakhak siya at napapailing pa.

"You know what, Kiro? I really like your attitude, huh? Matapang ka masyado. Pero kaya mo pa bang maging siga sa'kin kapag ipinutok ko sa'yo ang bala nito? Isasama na kita sa mga magulang mo!"

I glared at him.

"H'wag mong idadamay ang mga magulang ko rito!"

"Idadamay ko sila hangga't gusto ko! Kung hindi tatanga-tanga no'ng gabing 'yon ang magulang mo, hindi sana kumplikado ang buhay ng panganay ko ngayon!"

Fallen So DeepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon