Kabanata 27

15 0 0
                                    

Kabanata 27

"Gano'n ba talaga si Mayor? He's a little bit grumpy..." Huminga ng malalim si Yaz matapos niyang sabihin iyon at malungkot na ngumiti.

I know she's still offended of what Nikkolai said to her. Kung ako nga nagdamdam, siya pa kaya? Masakit para sa kaniya iyon dahil hindi naman talaga niya sinasadyang magkulang ang dala niya. She was just trying to give what she have, pero kagaguhan lang ang isinukli sa kaniya ni Nikkolai.

"Hayaan mo na siya. Gago talaga 'yon kahit kailan kaya walang nagkakagusto sa kaniya." Ngumiti ako para kahit papaano ay mapagaan ko man lang ang loob niya.

"You two were friends, right?" Tumango ako. "Is he really that bad?"

Nagkibit ako ng balikat. Gusto kong sagutin 'yon ng "oo" pero ayaw ko naman na magsinungaling sa kaniya at ayaw kong mapasama pa si Nikkolai sa mata niya.

"Hindi naman. Sakto lang...gaya ko, pero mas guwapo ako sa kaniya, 'di ba? Kahit na gago ako." biro ko pa saka siya kinindatan.

"Oo nalang, Kiro Verona." Sabay tawa niya.

Nang magsimula ng manahimik ang mga tao sa loob ng gym ay umayos na rin kaming umayos ng upo sa monoblock chair na nakapuwesto sa harap ng stage. Magkakatabi lang kami ng mga kapatid ko dito sa harap Samantalang ang mga kaibigan ko ay nasa bandang gitna kasama rin ang pamilya nila.

Inayos pa ni Yaz ang kaniyang maalon na buhok saka niya inilabas ang pamaypay niya sa bag at binuklat iyon.

Ilang sandali pa ay nakita ko ng umakyat si Nikkolai sa may stage, medyo iika-ika pa rin. He's having an announcement for his  constituents, hindi ko alam kung ano.

Ayaw ko na nga na pumunta pa dito dahil naiinis ako sa ginawa niya pero dahil wala naman na rin kaming mapagkakaabalahan at nagpumilit pa si Yaz na manood ay wala na rin naman akong nagawa kundi ang dumalo nalang.

Pormal ang suot niya ngayon hindi tulad kanina simpleng t-shirt lang. Ngayon ay kulay puting long sleeve polo na nakatupi hanggang sa kaniyang braso na pinarisan niya ng black chino pants. Nakaayos din ang kaniyang buhok at mukhang bago ang kaniyang salamin sa mata.

He looks good with those clothes.

Nang makadating na siya sa harap ng mic ay agad na nagtama ang mata namin. Nasa harapan lang kami kaya hindi madali talagang magkakatagpo ang mga paningin namin.

Inilipat ko nalang ang tingin ko kay Yaz na ngayon ay nagkakaroon ng krisis sa kung ano ang uunhin niya; kung papaypayan ba ang sarili o pupunasan ang mga butil ng pawis sa kaniya noo.

"Ang init," she mumbled.

Bahagya akong natawa. "Akin na 'yang pamaypay. Ako na."

Hindi na naman siya nagmatigas pa at agad na ibinigay sa'kin ang pamaypay na gawa sa kawayan.  Hindi talaga maiiwasan ang pagpapawis sa loob ng gymnasium dahil sa siksikan na mga tao. May electric naman na malaki pero hindi iyon sapat.

Sinimulan ko na siyang paypayan ng marahan habang sinisikop niya ang maalong buhok sa kaliwang banda ng balikat at pinupunasan ang pawis sa leeg niya.

Gusto mo man pigilan ang sarili ko pero hindi ko mapigilan na nanakawan ng sulyap si Nikkolai lalo na nang magsimula na siyang magsalita.

"La Castellion is really in a bad condition right now because of the earthquake," panimula niya. "Marami ang nawalan ng tahanan. May mga nawalan ng mahal sa buhay at mga negosyong natigil dahil sa nangyaring trahedya. At bilang anak ng ugat ng kaguluhang ito, ako na ang humihingi ng dispensa para ginawa ng Dad ko." Matapos niyang sabihin iyon ay bahagya siyang yumuko.

Fallen So DeepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon