Kabanata 16

26 3 2
                                    

Kabanata 16

Kailangan nga ba nagsimulang magkagusto sa kaniya?

Nung itinakas ko siya sa mga raleshista sa harap ng munisipyo? Nung hinalikan ko siya sa balkonahe nung gabing nag-inuman kami? Baka naman sa pag-iwas niya sa'kin no'n at hinahanap-hanap ko siya? Hindi naman kaya nung dumating si Rios at nakakaramdam ako ng selos? O baka naman nung gabi ng fiesta nang kumanta siya sa stage?

Sa totoo lang, hindi ko alam. I really don't when did I started to have this romantic feelings for him. Ang hirap para sa'kin na sagutin ang mga tanong na naglalaro sa isipan ko. Sobrang gulo ng isipan ko sa tuwing pumapasok sa isip ko na may gusto ng ako sa kaniya.

"Hindi mo sasagutin ang tawag ni Mayor, Kuya?" kwestyon ni Kylie nang makita ang pangalan ni Nikkolai sa screen ng cellphone ko.

He's calling again. Nangangati ang kamay ko na sagutin 'yon pero kailangan kong pigilan ang sarili ko. Ito ang palaging ginagawa ko sa tuwing tatawag siya.

Hindi naman sa iniiwasan ko siya. Ayaw ko lang na mas maguluhan pa ako. Gusto ko munang siguraduhin ang lahat at sagutin ang mga tanong ko bago ako muling maging handa na makita siya.

"Hindi naman siguro importante," sabi ko at itinaob 'yon sa may lamesa at hinayaan nalang mag-ring.

Nagkibit nalang si Kylie ng balikat saka ibinalik ang mata sa kaniyang pinapanood na korean drama sa T.V. Maging ako ay itinuon nalang ang pansin sa papel sa mesa. I'm writing our new song. Sample chorus palang naman ito at idadagdag nalang sa mga kantang gagawin namin.

The days passed like that.

Inabala ko ang sarili ko sa pagbuo ng mga kanta upang maiwasan din ang pag-iisip kahit papaano. It really helpful because in this way, naisusulat ko ang mga bagay-bagay na patungkol sa nararamdaman ko.

My heart feels close to you, didn't know when it started to beat for you.

Napapangiti ako habang binabasa ko ang lirikong naisulat ko. Sakto talaga para sa'kin, para sa puso ko.

Sa mga araw na lumipas, naging swerte naman ako at hindi siya nagpupunta dito sa bahay dahil busy din naman siya sa gaganapin na engagement party nila ni Nathalia. Kahit na gano'n ay palagi naman siyang may missed calls o kaya naman ay mga text na hindi ko naman binubuksan.

Ngunit hindi nga talaga nagtatagal ang swerte, hindi pa rin namin maiwasan na magtagpo ang landas naming dalawa. Tulad nalang ngayon na papunta ako sa isang coffee shop dahil sa biglaang pagtawag ni Nathalia, pinapapunta niya ako dito sa hindi ko alam ang dahilan.

Nung una ay tumatanggi pa ako dahil kalagitnaan na ng ensayo namin at dahil makulit ang babaeng 'yon ay wala na akong nagawa kundi ang kitain siya.

Pagpasok sa loob ay bumungad sa'kin ang sandamakmak na customers. Hindi rin magkadaugaga ang mga waiter sa pagse-serve nila. Isa 'to sa mga tourist spot ng La Castellion kaya hindi na nakakagulat.

Iginala ko ang aking mata upang mahanap sila sa alon ng mga tao.

"Kiro! Here!" Nathalia shouted, nakataas pa ang kaniyang kamay. Nasa dulo siya ng shop, sa tabi ng clear glass window.

Maglalakad na sana ako palapit sa kanila nang biglang lumingon sa akin ang lalaking nasa harap niya. Natigilan ako. Si Nikkolai. Ngumiti siya nung magtama ang aming mata. Iniwas ko ang aking mata, napalunok at nagda-dalawang-isip pa kung tutuloy pa ako dahil nandiyan siya.

Ngunit bastos namin ata kung bigla nalang akong aalis, 'di ba? Baka isipin niya na iniiwasan ko talaga siya kung gagawin ko 'yon. I sighed heavily. Bahala na. Ngayon lang 'to at sasaglit lang naman ako.

Fallen So DeepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon