Kabanata 5

24 4 1
                                    


Kabanata 5

Sa mga sumunod na araw ay wala akong ginawa kundi ang asikasuhin ang schedule ko. Kailangan kong ibahin ito ngayon lalo na't nakikita ko na mas magiging busy pa ako sa susunod pa na araw kaya kailangan talagang i-manage ko ang oras ko.

Kung dati ay apat na beses sa isang linggo kami kung ma-ensayo, ngayon ay ginawa kong isa nalang muna. Hindi na rin naman kasi namin kailangan ensayuhin pa iyon, kabisado na namin lahat ng kantang kakantahin namin sa pista ng La Castellion. Kaunting linis nalang naman ang gagawin at paunti-unting practice nalang sa audition piece ma gagamitin namin sa oraa na magtungo na kami sa SSE. 

Hindi naman kasi ibig sabihin na tutulungan nga kami ni Nathalia na makapasok doon ay petiks petiks nalang ng gagawin namin. Gustong kong ipakita na may ibubuga rin kami para hindi sila magsisi na pinapasok kami doon na madalian.

"Do we really have to do this, Kiro?" tanong ni Mayor Nikkolai na  nasa loob pa rin ng van.

Pagbaba ko ay naramdaman ko agad ang mabuhangin na lupang tinatapakan ko. Muntikan ko pang masingkot ang lumipad na alikabok mabuti nalang at natakpan ko ang aking ilong. Gamit naman ang libreng kamay, ginamit ko ito upang sabatin ang katamtamang init na nagmumula sa mataas na sikat na araw.

"Oo naman, Mayor. Kailangan na kailangan." Hinarap ko siya. Nakatayo pa rin siya sa bukana ng pinto ng van. "Kaya kung ako sa'yo bababa na ako, at gagawin ang dapat gawin."

He sighed.  "Wala na ba talagang ibang paraan? Takot ako sa crowds. Atsaka baka hindi rin nila gusto na...nandoon ako."

Hinawakan ko ang braso niya at walang pasubaling hinila siya pababa. Napamura siya habang umuubo, mukhang siya ang nakalanghap ng alikabok.

"Mayor, wala kang mapapala sa takot mo. You should overcome your fear to do the things you want," I stated. "Atsaka hindi naman lahat ng tao doon ay may galit sa'yo. May iba pa rin naman na may gusto sa'yo at magugustuhan ka. Kaya tara na."

Hindi na siya nakatutol pa nang akbayan ko siya't naglakad kasama ko. Sumunod rin sa amin ang dalawang guard niya na may bitbit na at dalawang malaking bag kung saan nakalagay ang mga ipapamigay namin.

Matalahib ang bawat gilid daan ng dinadaanan namin. Sa lahat ng barangay dito sa La Castellion, ang Brgy. Dillema ang pinaka hindi pa napagtutuunan ng pansin. Hindi tulad sa iba na may mga establisyamentong nakatayo, dito ay wala at naglalaking mga damo lang ang makikita mo. May mga nakatira naman dito at halos mahihirap na tao ang mga iyon.

Kaya ngayon, isa ito sa mga naisipan kong kailangan niyang gawin.

"Nasa step one pa rin tayo, Mayor. Alam mo naman siguro ang kailangan mong gawin ano?" tanong ko sa gitna ng paglalakad namin, natatanaw ang mga kabahayan sa dulo.

"Yeah," sagot niya, inalis ang  pagkakaakbay ko at lumayo ng kaunti sa akin.  "I need to communicate with them and earn their trust."

Napangiti ako. "Good."

Mabuti naman at tinatandaan niya ang mga sinasabi ko.

Ilang minuto ng paglalakad ay sawakas nakalapit na rin kami. Nakasalubong pa namin ang mga madudungis na bata na nagtatakbuhan, masayang naghahagikgikan habang naglalaro ng habul-habulan. Ang ilang matatandang babae ay nakita namin sa isang papag sa harap ng isang kubo, abala sa mga hinihimay ang mga gulay na marahil ay uulamin nila. Sa kabilang banda, maingay ang sigawan at kantyawan ng mga lalaking pinagsasabog ang dalawang manok.

Sinulyapan ko ang alkalde na ngayon ay kunot noong nakatitig sa paligid niya. Kung makatingin siya doon ay para bang bago lang ang lahat sa kaniya ng ito, na ngayon lang siya nakakita ng mga ganitong klaseng tao sa buhay niya.

Fallen So DeepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon