Kabanata 21

17 2 0
                                    

Kabanata 21

"Kylie, sagutin mo naman, oh..." bulong ko, paikot-ikot sa loob ng kwarto ng condo ko. I brushed my metallic gray faux hawk hair. Pinakulay ko ito last week para sa concert. I clicked my tongue.

Mariin akong napapikit at malutong na napamura nang marinig ko na naman na cannot be reach. Wala na naman sigurong signal sa La Castellion dahil sa lindol. Padarag akong umupo sa aking kama, sinubukang kalmahin ang aking sarili.

Naputol ang tawag kagabi. Ni hindi ko man lang natanong ang kalagayan nila. Kung nasugatan pa sila o hindi. Kung kumakain ba sila o ano. Saan sila tumutuloy ngayong maging ang bahay namin ay posibleng nagiba rin. 

Hindi na ako nakatulog sa sobrang pag-aalala. Tumingin ako sa labas ng bintana. Mataas na ang sikat ng araw pero hindi pa rin nakakauwi sina Levi. Ang sabi sa text ni Yaz kagabi ay sa studio namin sa SSE na sila natulog dahil sa sobrang kalasingan.

Pinindot ko ang pangalan ni Spencer sa contacts ko. Matagal din ang pag-ring no'n bago niya ito sinagot.

"Hello, p're?" tamad at magaspang pa ang boses niya marahil kagigising lang.

"Tulog pa ba sila?" tanong ko, sumulyap sa wall clock na nakasabit sa dingding sa taas ng pintuan.

It's already 9:00 A.M in the morning.

Matagal bago ako sinagot ni Spencer.

"Gising na si Levi at Yago. Si Oliver naman tulog pa," tugon niya. "Ikaw? Nasaan ka ba? Hindi ka man lang nagpaalam sa'min kagabi."

Huminga ako ng malalim.

"Spencer, kailangan nating umuwi sa La Castellion ngayon."

"Huh? Bakit? May TV guesting pa tayo mamaya." May bahid ng pagtatakang aniya.

"Let's cancel it. Nilindol ang La Castellion. Ayaw niyo bang kumustahin ang kalagayan ng pamilya niyo?"

Kagabi ko pa sana gustong sabihin ito sa kanila ngunit hindi naman sila sumasagot sa mga tawag ko dahil masyadong abala sa pag-inom.

"A-Ano?! Totoo ba 'yan? Kanino mo nalaman?"

"Sa kapatid ko. Kaya kailangan nating umuwi talaga ngayon. Nag-aalala ako..." Hinilot ko ang aking sintido.

"Shit," he cursed in disbelief. "Wait. Ipapaalam ko lang sa iba 'to."

"Okay. Pupunta rin ako diyan. Magpaalam tayo kay Mr. Lopez para makauwi at ma-cancel ang guesting natin."

Pinatay ko na ang tawag pagkatapos no'n. Sinubukan ko ulit tawagan ang number ni Kylie at nung kay Kane, pero tulad kanina ay unreachable pa rin.

Nag-scroll ako sa contacts, naghanap ng maaaring tawagan doon hanggang sa makita ko ang pangalan ni Nikkolai. Nangatal ang buong katawan ko. Maging ang puso ko ay kumalabog. Isa pa siya sa inaalala ko.

Inilipat ko ang mata ko sa singsing na binigay niya. Hindi ko pa rin ito tinatanggal hanggang ngayon sa hindi ko malamang rason. Gusto ko siyang kalimutan pero 'yong mga bagay na nagpapaalala sa'kin sa kaniya ay hindi ko naman matapon o maalis.

Pero sana ayos ka lang...

Sana ayos lang ang lahat...

Bago ako dumiretso sa banyo upang maligo ay inumpisahan ko munang mag-impake ng damit na dadalhin ko pabalik ng La Castellion. Hindi naman masyadong marami, sapat lang para sa isang linggo.

Panigurado naman kami papayagan ng agency na magtagal doon. Marami pa kaming nga date sa schedule namin na hindi pa natatapos.

Matapos maligo ay dali-dali akong lumabas sa condo dala ang isang bag. Mabilis akong nakakuha ng taxi na sasakyan ko papuntang SSE.

Fallen So DeepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon