Kabanata 26

18 0 0
                                    

Kabanata 26

"Hey, kids! Ayusin niyo ang pila niyo para mag-umpisa na tayo," natatawang suway ni Yaz sa mga bata na nagkakaroon nga ng krisis sa kanilang pila.

Paano ba naman, kung hindi sila nagpapaunahan sa pila, nagtutulakan naman sila na para bang mauubusan sa ibibigay sa kanila ni Yaz. Parang kanina lang ay magkakasundo pa sila sa laro nilang takbuhan, ngayon ay parang kalaban na ang turing nila sa isa't isa.

"Ganito nalang," singit ni Kylie na ngayon ang ipamimigay nila. "Kung sino sa inyo ang pinakatahimik, siya ang unang mabibigyan ng tsokolate, okay?"

Dahil doon ay natahimik ang mga bata, lalo na si Toyang na pinaka-ingay at magulo sa kanilang lahat. Nasa gitna siya ng pila, magulo ang maiksing buhok at nakanguso ang maliit niyang labi.

"Tatlo ibigay mo sa'kin, Ate, ha? Nauubos kaya pera ko sa kanonood ko ng music video niyo sa computer shop!"

Natawa kaming lahat sa sinabi niya lalo na si Yaz na naniningkit pa ang kaniyang chinitang mga mata.

"Next time, sweetie. Baka magkulang kasi itong dala ko, e" aniya at ang kaniyang kulay pulang labi ay umukit ng ngiti.

"Sige. Basta next time rin, gagawin mong lima."

Tinapik siya sa braso ng batang lalaki na nasa likod niya.

"Mahiya ka naman, Toyang!" ani Hiroshi, nakangiwi na para bang hindi makapaniwala sa inaasta ng kaibigan. "Ikaw na nga ang binibigyan, ikaw pa ang nagsasabi kung ilan."

"Pake mo?" She raised her eyebrow. "H'wag mo akong pakealam dahil hindi na naman kita crush. May iba n ako kaya shoo, shoo away!"

Hiroshi tsked. "Lahat naman crush mo."

Isang irap na lang ang iginawad ni Toyang sa kaniya bago niya ito tuluyang talikuran at nanahimik na. Nang tuluyang maayos ang lahat, binuksan na ni Kylie ang isang kulay itim at malaking bag na naglalaman ng mga tsokolate na pinamili pa ni Yaz sa Manila.

Dalawang malaking bag ang dala niya nang sunduin ko siya sa terminal kaninang ala-sais ng umaga. Ang isang bag ay ibinigay niya sa mga natitirang tao kanina sa gymnasium. Mga goods din ang laman no'n na nagustuhan naman nila.

Umayos ako ng upo sa may bench na nakasilong sa ilalim ng puno na nasa likod ng gymnasium. Ang nostalgic lang na nakaupo ako ngayon dito habang hawak ko ang gitara ko. Biglang pumasok sa isip ko ang mga panahong binubuo ko palang ang banda namin.

I started to strum the string of my guitar. Pumikit, pinakiramdaman ang hangin at sinabayan ang huni ng mga ibon.

"Kuya, sana makahanap din ako ng babaeng katulad ni Ate Yaz, 'no?"

Muli kong iminulat ang aking mata sa narinig ko sinabi ni Kane na nasa tabi ko, diretso ang tingin kina Yaz, nakangiti. Kanina palang sila nagkakilala pero magaan na agad ang loob niya, nila sa kaniya na hindi na naman nakakapagtaka dahil madali lang pakisamahan si Yaz.

"Bakit? Anong klaseng babae ba siya sa tingin mo?" tanong ko, patuloy pa rin sa pagtugtog.

"Mabait at maganda tapos talented pa. Halos complete package na nga, e. Kapag ako nakahanap ng katulad niya, 'di na ako magloloko." Nilingon niya ako, nakangising-aso. "E, kung ireto mo 'ko sa mga babae doon sa agency, Kuya? Ihanap mo 'ko!"

I snorted. "H'wag na. Baka lokohin mo lang gaya nung ginawa mo sa kaklase na kasaman mong gumawa ng project sa motel."

Sinamaan niya ako ng tingin.

"Seryoso, Kuya? Sobrang na nung sinabi 'yon ni Kylie. Hanggang ngayon naniniwala ka pa rin?"

"Oh, bakit? Totoo naman, 'di ba?"

Fallen So DeepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon