Kabanata 17
"Bakit pa kasi sabay pa? Hindi ba puwedeng mamaya ka nalang?" nahihiyang reklamo niya.
Isinara ko ang pinto ng banyo at siniguradong naka-lock iyon. Ngumisi ako sa kaniya. Nakasandal siya sa may sink, nakayakap sarili at nangangatog ang mga ngipin dahil sa lamig na nararamdaman.
Tulad ng gusto niya kanina ay hinatid nga niya ako. At dahil ayaw ko na naman siyang umuwi dahil basa na siya masyado dahil sa ulan at masyado ng malalim ang gabi ay inaya ko nalang siya dito na muna matulog ngayon.
"Sabay na tayo para wala ng hintayan," sabi ko at lumapit sa kaniya. "Isa pa, para hindi na rin sayang ang tubig. Nagtitipid kami ngayon, e."
"Pero hindi na tayo mga bata, Kiro. Isn't awkward kung sabay tayong maliligo ng hubo't hubad?" giit niya.
I snorted. "Nagsabay na nga tayong umihi at nakita na natin ang nasa gitna ng hita ng isa't isa. Nagkatabi na tayong matulog. Ngayon ba pa tayo ma-a-awkward sa isa't isa?"
Isinandal ko ang dalawa kong kamay sa dingding, ikinulong siya sa gitna no'n at inilapit ang aking mukha sa kaniya. Nang makita ko siyang napalunok sabay iwas ng tingin ay mas lalong lumapad ang ngising nakaukit sa labi ko.
"Oo nga, 'di na tayo bata, pero ano ba kita? Boyfriend na kita, 'di ba?"
Nasamid siya at sumulyap sa'kin, pinipilit pang umatras.
"Boyfriend?" mahinang sabi niya.
"Mmm-hmm! Jowa. Syota. Asawa. Boyfriend." I blabbed. "Kaya sige na. Sabay na tayong maligo. Hmm? Okay?"
Huminga siya ng malalim. Pinanatili niya lang sa'kin ay kaniyang mata. Ngumuso pa siya na para bang nag-iisip kung papayag ba o hindi. Ilang segundo rin ang itinagal bago ko makuha ang sagot niya.
"Kiss muna," kondisyon niya.
Hindi na ako nag-alinlangan pa at agad kong inabot ang labi niya at binigyan siya ng isang matamis na halik. Marahan lang ang galawan ng labi namin, nilalasahan ang maghalong pakla at tamis dito.
Isang hiling lang niya na halikan ko siya, gagawin ko talaga. Dahil simula ngayon, itong manipis at matamis niyang labi na ito ang magiging paborito ko sa lahat ng parte niya.
"Sabunin mo ako ng mabuti, ha?" pabulong niya utos sa matapos niyang kumalas.
Hinubad na namin ang aming mga basang damit. Noong una ay nag-aalinlangan pa siya kung pati raw ba ang mga pambaba namin ay aalisin din, pero hinubad na rin naman niya hindi kalaunan. Hindi naman kami makakaligo ng maayos kung suot 'yon.
Natawa nalang kami nang makita ang mga katawan ng isa't isa na ngayon ay wala ng suot na kahit ano. It's a little bit awkward, pero kailangan ko na sigurong sanayin ang sarili ko. Syota ko na siya, sisiguraduhin kong sabay kaming maliligo tuwing dito sa matutulog sa bahay.
He took off his eye glasses. Tumungo na siya sa may shower. Nagsimula ng magpaulan 'yon ng tubig nang sindihin niya ito. Hinila niya ako at sabay kaming nagpabasa doon habang nagtatawanan.
Tulad ng gusto niya, ako ang nagsabon ng katawan niya.
"Oh, bakit parang tumatayo? Hita mo lang naman ang hinahaplos ko, ha?" biro ko nang makarating ang kamay ko sa paa niya.
Mabilis niyang tinakpan gamit ang kamay niya ang tinutukoy ko.
"Ako na nga! Panira ka naman."
Bumulalas ako ng tawa. Hindi naman talaga tumatayo, gusto lang talaga siyang asarin at tagumpay naman.
"Ako na. 'Di ka mabiro, e." ani ko nang pilit niyang inaagaw ang sabon sa'kin.
Kinse minutos din ang itinagal pa namin sa banyo na may kasama pang kalokohan bago kami tuluyang natapos. Dahan-dahan kaming umakyat pataas sa kwarto upang hindi na magising si Kylie.
![](https://img.wattpad.com/cover/251951211-288-k436324.jpg)
BINABASA MO ANG
Fallen So Deep
RomanceIsang pusong nakakulong sa obligasyon at isang pusong puno ng ambisyon ang pagtatagpuin ng isang misyon. Walang ibang bagay ang mahalaga ngayon kay Kiro Verona bukod sa matagal na niyang pangarap sa buhay, iyon ay ang sumikat ang bandang binuo niya...