Kabanata 12

21 3 0
                                    

Kabanata 12

"Are you staying here for good?" tanong ni Mayor sa kaniya habang naglalakad na kami palabas ng perya.

"No, bakasyon lang. Baka pagkatapos ng fiesta ay lilipad na rin kami pabalik ng States," sagot ni Rios at inakbayan si Nikkolai.

Patago nalang akong napairap sa pakikinig sa usapan nila. Inilagay ko ang dalawa kong sa mga bulsa ng pantalon ko at diretsong tumingin sa daanan. Hindi ko ba alam kung bakit ba ako nakakaramdam ng inis ngayon, pero sino bang hindi?

Simula nung dumating siya kanina ay parang wala ng Kiro ang nag-e-exist sa harap nila. Parang nakalimutan na ako dahil sa masayang pag-uusap nila. Gusto na naman sanang mauna at umuwi pero hindi naman ako makasabat sa kanila kaya no choice kundi ang maging thirdwheel nila.

"Bakit parang ambilis naman?"

He sighed. "Hindi ko nga alam kay Mama, e. Pero hayaan mo na. Sulitin nalang natin ang mga araw na nandito ako! Let's bond!"

"Sige lang," pagsang-ayon ni Nikkolai.

Ayon sa pagkakarinig ko, magkababata sila at talagang maraming taon din silang hindi nagkitang dalawa. Kaya siguro kaninang bumungad siya sa amin ay hindi niya ito nakilala. Ang akala pa nga raw nila ay hindi na sila ulit magkikita.

At dahil wala naman akong magawa, pinasadahan ko nalang ng tingin ang kaibigan ni Nikkolai.

Matangkad si Rios, malaki lang ng bahagya sa amin. Kulay gatas din ang kaniyang balat. Hindi na nakakagulat dahil lumaki na naman ito sa ibang bansa. Matangos ang ilong at singkit ang mga mata. Kakaiba rin ang kulay ng buhok niya; ash gray.

Kaya habang ngayong naglalakad kami ay halos mabali na ang leeg ng mga babaeng nadadaanan namin.

Nagpatuloy ang kwentuhan nila ng mga iba't ibang bagay na hindi naman ako maka-relate hanggang sa makadating kami sa parking space kung nasaan ang kotse ni Nikkolai.

"Uy, pare! Bakit tahimik ka diyan?" natatawa nitong baling sa akin sa unang pagkakataon.

Woah! Buti nakita pa nila ako dito?

"Masakit 'yong lalamunan ko," palusot ko at hilaw na ngumiti.

Gago ba sila? Paanong hindi ako magiging tahimik dito, e ni isang beses nga ay hindi nila ako tinapunan ng tingin tapos ngayon tatanungin nila kung bakit hindi ako nagsasalita?

"Oo nga pala. Kiro this is Rios, my childhood friend," pagpapakilala niya sa lalaki. "And Rios, this is Kiro, kaibigan ko." Sabay turo niya sa akin.

Inilahad ni Rios ang kamay niya sa akin kaya wala na akong ibang pagpipilian kundi ang makipagkamay nalang sa kaniya upang hindi magmukhang bastos. Hindi tulad ng inasal nila kanina.

"I see," aniya. Hindi ko na pinatagal pa at kinalas ko na ang kamay ko sa kaniya. "By the way, do you want to come with us? Pupunta kami sa isang club malapit dito. Maghahanap ng chix." He smirked.

"Oo nga, Kiro? Join—"

"Hindi na," tanggi ko. "Kailangan ko pa uwian ang mga kapatid ko. Maybe next time?"

Nawala ang ngiti sa mukha ni Nikkolai pero ilang saglit lang din ay tumango siya. Kinuha nalang niya ang mga paperbag na pinamili niya kanina sa backseat at ibinigay 'yon sa akin. Gusto pa nga nila akong ihatid pero tinanggihan ko na at sinabing sasakay nalang ako ng tricycle pauwi.

Ayaw ko naman ng tumagal kasama sila. Baka mas lalo pa akong mapikon. Nang may mapadaan sa amin si Mang Garu—suki kong tricycle driver ay agad ko siyang pinara.

"Ingat, Kiro!"

Tumango nalang ako at peke pang ngumiti sa huling pagkakataon bago ko sila talikuran at dumiretso na sa loob. Isinandal ko ang ulo sa malambot na sandalan ng upuan, mariin na napapikit at eksaheradong bumuga ng hangin.

Fallen So DeepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon