Simula

136 10 2
                                    


Simula

"What the hell, Kiro?! Bakit ngayon ka lang?" salubong sa akin ng pinsan kong si Nathalia, nakahalukipkip at halos magkadikit na ang kilay.

Pumasok ako sa kusina at umupo sa harapan niya. Hinubad ko ang nakasukbit na guitar case sa akin, inilagay iyon sa may katabing upuan. Isang irap ang iginawad niya sa akin nang tingnan ko siya.

Seriously? Pinapunta niya ba ako dito para irapan lang?

"Ano bang problema mo't nagmamadali kang papuntahin ako dito? May kailangan ka ba? May maitutulong ba ako?" sunod-sunod kong tanong.

Kailangan ko ng bilisan kung ano man ito. Gusto ko ng umuwi dahil masyado akong pagod sa buong araw na pag-e-ensayo namin ng aming banda para sa nalalapit na pista dito sa La Castellion. Gusto ko ng mahiga at matulog ng mahimbing dahil panigurado bukas ay isang nakakapagod na araw na naman ang haharapin ko.

"Bakit ba kasi antagal mo? Dalawang oras na ang lumipas simula noong tawagan kita, ha!" She raised her perfect eyebrow.

I shrugged. "Alam mo naman na abala akong tao, Nathalia..."

"Abala? Saan? Sa mga babae mo?"

Sinamaan ko siya ng tingin. Here she goes again, reminding me how womanizer I am. Oo, babaero ako! Pero hindi naman ibig sabihin no'n ay nasa kanila lang ang atensyon ko. May banda rin akong hinahawakan. 

"May sasabihin ka ba talaga? Kasi kung wala, uuwi nalang talaga ako." Umamba akong tumayo, pero agad niyang nahawakan ang aking braso at pinaupo ulit.

"Fine. I'm sorry, okay? Nagbibiro lang ako. Masyado kang pikon!" Humalakhak siya. "Manang! Pakihapag na ang merienda na ipinahanda ko, please!"

Mabilis na umaksyon ang dalawang katulong. Inihapag nila ang  dalawang baso sa lamesa, isang pitsel na naglalaman ng orange juice at isang kahon ng dark forest cake. Bago sila umalis ay isang matamis na ngiti ang iniwan nila, gano'n din ang ginawa ko. Sinalinan nila ang mga baso ng inumin.

Binalingan ko ulit ang pinsan ko na ngayon ay may ibig sabihin ang tingin sa akin. Hindi ko iyon pinansin. Humiwa ako ng isang pirasong cake at inilagay iyon sa platito saka sumimsim sa aking inumin.

"Naaalala mo pa ba ang biggest dream mo na sinabi mo sa akin noong mga bata pa tayo?" panimula niya na nagpakunot sa aking noo. "Na you want to have your own band, magkaroon ng milyon-milyong fans, at sumikat ang lahat ng gagawin niyo. That's your biggest dream in life, isn't?"

Bumalik sa isipan ko ang araw na nagsabihan kami ng mga pangarap namin sa buhay. Maging isang dancer ang gusto niya, samantalang ako ay makabuo ng isang banda. 

And now, tulad ng pangarap niya dati ay naging isang magaling na mananayaw nga siya. Siya ang main dancer sa kanilang grupo. Samantalang ako, heto nakabuo na nga ng banda kasama ang mga kaibigan ko last year. Ako rin ang leader at gagawa ng aming mga kakantahin na kanta. Isa nalang ang goal ko para makamit ang akin, at iyon ang maging sikat kami.

Alam ko naman na hindi importante iyon ngunit aminin man natin o hindi ay alam kong iyon din ang gusto nating lahat. Kapag kasi sikat ka, maraming susuporta sa'yo. Kapag maraming sumusuporta sa inyo ay mas lalo kayong gaganahan gawin ang trabaho.

Inilapag ko ang baso sa mesa.

"So, what's with  my dream?"

"Well," she smiled playfully, "I think I can help you with that now."

Tinaasan ko siya ng kilay. "And how would you do that?"

"Well, may gusto lang naman sa akin ang CEO ng SSE. Kahit wala akong gusto sa kaniya ay sa tingin ko naman ay kaya kong pagsamantalahan ang feelings niya para sa akin at matulungan kayong makapasok doon na hindi dumadaan sa butas ng karayom." 

Fallen So DeepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon