Kabanata 7
"May tanong ako, Mayor," singit ko nang matapos silang mag-usap ng kaniyang sekretarya sa cellphone, pinag-uusapan ang magiging schedule niya ngayong araw.
Wala naman siyang ibang gagawin ngayon kundi ang pumunta sa isang west wedding at siya ang magkakasal sa bride and groom doon. Well, it's part of his duties as a mayor of this town, kaya heto kami at on the way na sa venue sakay ang isang puting van.
Hindi ko nga alam kung anong trip niya at sinama pa niya ako dito. Wala naman kaso sa akin iyon dahil tapos na naman ang dalawang araw naming ensayo. Basta para may kasama lang siyang kakilala niya doon, gano'n ang sabi niyang rason sa akin.
"Ano 'yon?" baling niya sa akin habang binubulsa ang kaniyang cellphone.
Nilingon ko siya, he's right beside me. Iba ang porma niya ngayon. Nakasuot siya ng isang plain black polo na may disenyo na puting tuldok, itim na pantalon na pinarisam niya ng puting sapatos. Mas lalong bumagay pa ang suot niya ngayon sa suot niyang parisukat na salamin.
Good boy ang datingan, huh?
Hindi mo talaga mapapansin na siya ang mayor ng La Castellion. Ngayon ko lang napansin na parang masyado siyang bata para maging isang alklade. Hindi lang sa mukha, pero pati na rin sa pag-iisip. Kaya na rin siguro hirap siyang gumawa ng sarili niyang desisyon, I guess?
And speaking of decisions...
"Ano nga pala ang sabi ng Daddy mo doon sa sinabi mo sa kaniya noong isang araw? For sure, galit na galit iyon." Bahagya akong humalakhak.
Thinking of Landon Servantes grumpy face while cursing his son is really making me laugh. Sino ba naman ang hindi matutuwa, 'di ba? Lumalaban na ang dating anak nila na tinuturing nilang tuta sa pamilya.
Madrama siyang bumuntong ng hininga bago niya inihilig ang kaniyang ulo sa kinauupuan niya, lukot ang mukha. Mukhang hindi na niya kailangan pang sagutin ang tanong ko dahil nakasulat na sa mukha niya ang sagot na hinahanap ko.
"Well, as usual, sermon na naman ang inabot ko sa kaniya," tugon niya. "He told me that I should stop being a rebel kid and stop being with you. Ito raw ang napapala ko sa kakasama sa'yo, and he almost punch me in my face, again."
Mabuti nga siya ay muntikan lang masuntok. Samantalang ako? Dalawang malulutong na sampal ang natanggap ko kay Nathalia nang i-kwento ko sa kaniya ang plano ng boyfriend niya. Inis na inis siya sa akin kahapon na halos sakalin niya ako sa studio namin.
Tulad ni Landon, ako ang sinisi niya kung bakit nangyayari ito ngayon. Bakit hindi nalang daw ako mag-focus sa pinapagawa niya sa akin. Hindi ko bakit ba sila nagagalit sa pagtulog ko dito kay Mayor Nikkolai. Hindi ba nila gusto na tinuruan ko kung paano siya magiging mabuti?
In the end, Nathalia just asked me to straighten up this mess I've caused or else, mawawala na parang usok ang kasunduan namin.
"Bakit ba pursigidong-pursigido ang Daddy mo sa pagpapakasal sa'yo kay Nathalia?" tanong ko ulit, at sumulyap ulit sa daanan. Saktong papasok na kami ngayon sa Barangay Espadas.
"They have an agreement. Kapag ikinasal na ako kay Nathalia, tutulungan ni Tito Namiel si Dad na ipatayo ang sport complex sa puwesto ng minahan," paliwanag niya. "And now for sure, takot na rin si Dad sa banta ko. He's really scared of losing this marriage, panigurado nag-iisip na siya ng plano kung paano babaligtarin ang akin."
Tumango ako. Fixed marrige, it means meron din fixed proposal from both sides. Talagang lahat gagawin ni Landon para sa kasakiman niya. Kahit anak niya kaya niyang ialay.
Muling naging tahimik ang biyahe namin. May tumawag pa nga na tao doon mula sa kasal, mukhang late na ata kami. Humingi nalang ng pasensya ang alkalde at sinabing malapit na rin kami, kaunting tiis nalang.
![](https://img.wattpad.com/cover/251951211-288-k436324.jpg)
BINABASA MO ANG
Fallen So Deep
Любовные романыIsang pusong nakakulong sa obligasyon at isang pusong puno ng ambisyon ang pagtatagpuin ng isang misyon. Walang ibang bagay ang mahalaga ngayon kay Kiro Verona bukod sa matagal na niyang pangarap sa buhay, iyon ay ang sumikat ang bandang binuo niya...