Kabanata 11
"C'mon, Kiro! Bilhin na natin!" pilit pa ni Nikkolai habang hawak ang isang gitara na kulay krema ang katawan. Kanina pa niya hawak 'yan at kinukulit ako na kuhanin na namin iyon.
"Nikkolai, huwag na. Maayos pa naman ang gitara ko kaya hindi ko rin naman magagamit 'yan," giit ko.
Sa totoo lang, sa tingin ko ay malapit na talagang masira ang gitara ko dahil nakailang palit ako ng string ngayong linggo dahil sa palaging napipigtas. Minsan naman ay palaging wala sa tono. Nakakaasar nga dahil kung kailan malapit na ang fiesta, doon pa ito sumabay.
Gusto man tanggapin ang alok niya na bilhin iyon para sa akin ay tinatanggihan ko talaga. Bukod sa nakakahiya ay ilang beses na rin niya itong ginagawa sa akin—sa amin ng mga kapatid ko.
"Edi gamitin mo nalang kapag tuluyan ng nasira ang gitara mo," pangungulit pa niya. "Look, Kiro. I just want this for you. It looks good on you. Isa pa, gusto kong tuparin sa'yo 'yong pangako ko na babawi ako sa nagawa ko. Kaya please, let me buy it for you."
"Kung ang pag-iwas mo sa akin ang iniisip mo, hindi mo na kailangan gawin 'to dahil napatawad na kita." I smiled to assured him.
Hindi ko alam bakit ba niya palaging bini-bring up iyon, e matagal na naming napag-usapan na ayos na ang lahat sa amin. Wala naman akong hinanakit sa ginawa niya o ano.
"Bahala ka. Whether you like it or not, bibilhin ko 'to para sa'yo."
Aapila pa sana ako ng isa pang beses pero agad niya akong tinalikuran at tumungo sa may cashier. Bumuntong hininga nalang ako sa sobrang kakulitan niya. Bakit ba kasi kailangan niya pang gawin 'to?
Napatingin ako sa mga paper bag na nakalapag ngayon sa sofa ng guitar shop na 'to. Ang plano lang namin ngayon ay mamili ng mga ipapa-raffle na appliances sa fiesta, pero hindi ko alam bakit napunta kami sa mga clothing store at namili siya ng mga damit para sa mga kapatid ko.
Hindi ko alam bakit naging gano'n bigla ang trato niya sa amin. Natutuwa naman ako sa kabaitan niya, pero parang sobra naman ata? Gusto ko man isauli ito dahil malaki rin ang pera na nawaldas niya, pero siguradong hindi siya papayag.
"Now, this guitar is finally yours!" Todo ang ngiti niya habang iniaabot sa akin iyon. Tiningnan ko lang ng ilang segundo iyon bago tuluyang kinuha. "Isukbit mo sa katawan mo 'dali! Kukuhanan kita ng picture!"
Kumunot ang noo ko, sinundan siya ng tingin sa sofa kung saan niya kinuha ang isang polaroid camera mula sa isang paper bag. Binili niya 'yon kanina, sabi na gusto niyang kumuha ng mga litrato sa fiesta at ipapamigay iyon ng libre sa mga tao.
Pumwesto siya harap ko kaya hindi na ako nagpakipot pa at binigyan ko siya ng matindihang pose. Itinaas ko sa ere ang isa kong kamay at inayos ang mga daliri para sa rock 'n roll pose saka ako mapaglarong ngumisi.
"1, 2, 3. Rock and roll, Kiro!"
"Rock and roll!"
Sa pagtunog ng camera ay ibinaba ko na ang kamay ko. Ilang sandali pa ay unti-unti nang lumabas ang litrato ko sa camera. Bigla akong na-concious nang makita ko siyang ngingiti-ngiti na pinagmamasdan 'yon kaya mabilis kong inagaw sa kaniya. Baka hindi pala maayos ang mukha ko dito, pero nung makita ko ay ayos naman.
Guwapo ko nga, e!
"Ayos ba?" tanong niya.
Tumango at inagaw din sa kaniya ang camera. "Ngayon, tayong dalawa naman ang magpi-picture," sabi ko at inakbayan siya. Inilagay ko sa ere ang camera, iniharap sa amin. "Mag-rock and roll ka rin! Gayahin mo 'ko!"
Sinunod niya ang sinabi ko. Nang maayos ang daliri niya saka naman ako nagbilang ng tatlong segundo bago pinindot ang click button.
"Ang angas natin dito, huh?" sabi ko habang tinitingnan ang lumabas na picture naming dalawa.
BINABASA MO ANG
Fallen So Deep
RomanceIsang pusong nakakulong sa obligasyon at isang pusong puno ng ambisyon ang pagtatagpuin ng isang misyon. Walang ibang bagay ang mahalaga ngayon kay Kiro Verona bukod sa matagal na niyang pangarap sa buhay, iyon ay ang sumikat ang bandang binuo niya...