Kabanata 15
"Sigurado ka bang ayos ka na talaga?" tanong ni Nikkolai matapos akong pagbuksan ng pinto sa kaniyang kotse. Tumango ako bago ako pumasok sa may side seat. Siya naman ay umikot at binuksan ang pinto sa driver's seat at pumasok.
Nilingon niya ako, may bahid pa rin ng pag-aalala ang kaniyang mga mata. Kanina pa siya ganiyan simula nung puntahan niya ako sa kwarto at gisingin upang tanungin kung puwede ko ba siyang samahan sa pupuntahan niya.
"Mukha bang hindi?" natatawang sagot ko. "Wala na talagang masakit sa'kin. Promise. Kahit tingnan mo pa 'to, oh."
Itinaas ko ang aking kaliwang braso at pinaigting 'yon. Bahagya akong napangiwi sa biglang pagkirot no'n dahil sa ginawa ko, pero agad ko rin 'yong binura at ibinalik ang malawak na ngiti sa labi upang hindi na siya mag-aalala pa.
"See? Sabi sa'yo wala na, e."
Hindi na naman kasi gaanong masakit hindi tulad no'n na halos kaunting kirot ko lang ng kamay ko ay parang makakalas na ang kabuuan nito dahil sa sobrang sakit.
Huminga siya ng malalim at pinilit na ngumiti. "Mabuti naman kung gano'n," sabi niya, mukhang gumaan na ang loob. "Siguraduhin mo lang talaga na walang masakit sa'yo. Baka pagdating natin doon ay bumulwak ang tahi mo."
"Hindi 'yan! Atsaka malayo naman sa bituka 'yang iniisip mo," biro ko pa at natatawa siyang tinapik sa balikat.
Humalakhak siya, umiiling-iling at nanahimik na rin siya sawakas sa pag-aala niya sa'kin. Pinihit na niya ang susi na nagpaandar sa makina ng kaniyang sasakyan saka na kami umandar paalis.
Binuksan ko ang radyo at inilipat sa paborito kong istasyon na may magagandang kanta. Isang sikat na OPM pop-rock song ang naka-play ngayon. Isinandal ko ang aking ulo sa may bintana at sinilip ang labas.
Alas kwatro na rin pala ng hapon. Wala naman kasi akong ginawa mula kundi ang humilata at magpahinga tulad ng sabi ng doktor. Tatlong araw na rin ang nakakalipas nung mangyari ang aksidenteng 'yon. Hindi naman ako nagtagal sa ospital.
Kinabukasan din kasi no'n ay sinabihan kami ng doktor na puwede na rin akong ipa-discharge dahil minor lang naman ang naging tama ng bala sa'kin. Marami pang ipinayo sa'kin para maka-recover ako agad.
Hindi ko naman sinuway 'yon dahil gusto ko ring maging mabilis ang paggaling ng braso ko lalo na't may ensayo pa kaming gagawin ng mga kasama ko. Ayaw ko naman na masayang ang lahat ng effort nila dahil sa'kin. Baka next week din ay magsisimula na kami sa practice.
Nang mainip ako sa katahimikang bumabalot sa'min ay nilingon ko siya. Diretso lang ang tingin niya sa daanan namin.
"Nga pala, anong gagawin natin sa Barangay Dilemma?" tanong ko.
Saglit niya akong sinulyapan at agad din ibinalik sa daan ang mata.
"Ihahatid 'yon," aniya at may itinuro sa backseat.
Agad kong tiningnan kung ano ang nandoon. Isang brown envelope. Inabot ko 'yon at binuksan. Nanlaki ang mata ko nang makita ang laman nitong mga papeles. Ito 'yong cancellation papers na nawala.
Nung ma-discharge ako ay hindi na rin kami halos magkita dahil abala nga siya sa pag-aasikaso nito. Hindi ko naman inaasahan na magiging ganito kabilis.
Muli akong bumaling sa kaniya.
"Saan mo nahanap?" Natutuwang tanong ko.
"Tama ang hinala natin. Si Dad nga ang kumuha ng papeles na 'yan noong fiesta." Napansin ko ang paghigpit ng hawak niya sa manubela. "Nakita ko kanina sa office niya 'yan. Malaki ang hinala ko na nandoon 'yan at tama naman ako. Nasa mga libro nakaipit. Akala niya siguro, hindi ko makikita."

BINABASA MO ANG
Fallen So Deep
RomanceIsang pusong nakakulong sa obligasyon at isang pusong puno ng ambisyon ang pagtatagpuin ng isang misyon. Walang ibang bagay ang mahalaga ngayon kay Kiro Verona bukod sa matagal na niyang pangarap sa buhay, iyon ay ang sumikat ang bandang binuo niya...