Kabanata 23

17 1 0
                                    

Kabanata 23

"Inaasikaso na raw ni Mr. Lopez ang lahat ng mga events natin na ipo-postpone muna. He'll going to reschedule it kung puwede," balita ni Levi kinaumagahan pagkagising namin.

Pabilog ang puwesto namin ngayon dito kasama ang mga kapatid ko, si Kuya Dodong at Ate Lillian na tahimik lang na nakikinig sa usapan namin at payapang kumakain ng almusal.

"Sigurado na ba 'yon?" tanong ni Yago, hinihipan ang kaniyang pagkain.

"Hindi pa. Baka may mga events pa rin na hindi makansela tulad nalang nung mall show natin sa Batangas."

Sabay-sabay nalang kaming bumuntong hininga dahil sa narinig. Masyado talagang puno ang schedule namin para sa buwan na 'to. Hindi tulad dati na dalawang araw lang ang gig namin sa mga noon.

"Edi aalis ka pa rin, Kuya?" singit ni Kylie.

Nagkibit ako ng balikat.

"Baka? Hindi pa naman sigurado. Atsaka nagpaalam kami na magtatagal kami ng kahit isang linggo lang dito," paliwanag ko na ikinasimangot niya.

"Bakit ambilis naman ata no'n, Kuya?" ani Kane, humihigop ng kape.

"Kailangan, e. Trabaho pa rin 'yon syempre."

Masyadong mabilis nga lalo na sa dalawa. Ngayon ko lang sila inuwian pagkatapos kong umalis no'n kaya bitin para sa kanila ang isang linggo na pamamalagi ko.

"H'wag kayong mag-aalala, uuwi na ako kapag may bakante," sabi ko upang gumaan ang loob nila ngunit hindi naman tumalab.

Nagpatuloy nalang kami sa pagkain. Kahit na hotdog at itlog lang ang agahan ngayon dito ay masigla pa rin naman ang mga pinagsasaluhan nilang kwentuhan. As usual, puro kalokohan na naman ang mga sinasabi ni Spencer na tungkol sa mga awkward moment namin sa Manila nung mga unang araw namin doon.

Napailing nalang ako.

Dumako ang mata ko na hindi sinasadya sa may dulo ng gymnasium kung nasaan si Nikkolai kasama si Rios at iilang volunteer ng munisipyo.

Sila ang nagbibigay ng almusal ngayon na nakalagay sa isang mahabang lamesa. May iilan pang nakapilang mga bata na agad naman nilang inaasikaso.

Habang pinagmamasdan ko siya ay hindi ko maiwasan ang makaramdam ng inis dahil sa pag-alala ko sa nangyari sa'min kagabi. Halos hindi ako makatulog dahil doon.

Gusto ko lang naman siyang tulungan at samahan kahit hanggang banyo lang dahil hirap na hirap siya sa paglalakad dahil sa paa niya, pero iba pa ang isusukli niya sa ginawa ko. Instead of saying 'thank you', masyadong nakakagago ang mga sinabi niya sa'kin.

Sa lahat ng taong tinutulungan, siya pa itong galit. Mali na ba ang tulungan siya ngayon? Parang hindi ko naman ginagawa sa kaniya dati 'yon.

Kung ayaw niya, hindi na talaga ako magtatangka na tulungan siya.

"Kuya! 'Yong hotdog mo, kinakain na ng tuta!" sa hiyaw ni Kane na 'yon ay bumalik ako sa ulirat ko.

"H-Ha?"

"Hotdog." Inginuso ni Ate Lillian ang nasa sahig at inangat ang nakatabinging plato ko. "Nakain na ng tuta 'yong hotdog mo."

Napakagat nalang ako sa ibabang labi ko nang makita ang hotdog na ulam ko na pinapapak na ng isang tuta ngayon, maging ang kalahati ng kanin ko ay nahulog na rin.

Anak naman ng putsa, oh! Hindi pa man ako nakakapagsimula sa pagkain, ubos na agad ang almusal ko.

"Bakit ba kasi tulala ka, p're? Iniisip mo na naman ba si Yaz?" biro ni Oliver.

Fallen So DeepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon