Kabanata 25
"Maraming salamat sa tulong niyong dalawa, ha? Nawa'y pagpalain kayo ng Panginoon sa kabutihang ginawa niyo ngayong araw." Iyon ang huling natanggap namin mula sa pari bago namin siya lisanin.
Madilim na ang paligid. Tanging bituin at buwan nalang ang nagsisilbi naming liwanag. May mga iilang street lights naman na nakatayo sa bawat gilid. Ang kaso nga lang, kung hindi naman malabo ang ilaw, pumipili-pilintik naman.
Tahimik rin naman ang daan at tanging iyak ng mga kuliglig lang ang maririnig sa kapaligiran.
Hindi ko naman inaasahan na gagabihin kami sa pagtulong sa simbahan. Matapos kasi ang ginawa naming paglalaba, tumulong na rin kami sa mga iilang sakristan upang linisin ang loob ng simbahan. Hindi rin nakapunta ang gitarista ng choir. ng simbahan kaya nag-presinta na ako na ako nalang ang hahalili sa kaniyang ngayong araw.
Our whole day passed liked that. Nakakapagod pero worth it naman. Hindi lang naman si Father ang napagsilbihan namin kundi ang simbahan at Panginoon na rin.
"Bakit ba ngayon ka pa sumakit..." I heard Nikkolai mumbled.
Nilingon ko siya. Nakangiwi siya ngayon marahil sa sakit na nararamdaman, hinahaplos ang kaniyang hita at patuloy pa rin sa kaniyang paglalakad.
Bakit ba kasi ang kulit niya kanina? Ayaw na namin siyang gumawa ng trabaho dahil natatakot din kami na mapaano pa ang binti niya pero patuloy pa rin siyang gumagalaw.
"Kaya mo?" tanong ko, hindi na napigilan ang sarili.
"Kaya ko. Don't mind me," malamig na sagot niya.
Hindi na ako nagulat at napailing nalang ako. I already expected his cold answer. Alam ko naman na sobra ang pagkirot ng sugat niya pero dahil ayaw naman niya ng tulong ko ay hahayaan ko nalang siya.
Diretso nalang akong tumingin sa daan, nagpamulsa at nagpatuloy sa paglalakad.
It's already make sense now. Kung bakit ganiyan ang kalamig amg pakikitungo niya sa'kin. I realized that after I heard what he said earlier. I hurt him. Physically and emotionally.
Marami akong masyadong nasabing masasakit na salita sa kaniya nung gabing iyon. I'm aware of that. Nadala ako masyado sa galit ko sa kaniya kaya hindi ko na napag-isipan at napigilan pa ang mga salitang lumabas sa aking bibig. Dahil doon ay maraming nagbago sa'min.
Makapangyarihan nga talaga ang bawat salitang sinasabi natin.
He changed.
I changed.
Our relationship ruined and changed.
Pero bakit pakiramdam ko ngayon ay ako pa ang may kasalanan sa kung anuman ang nangyayari sa'min ngayon. Sino ba ang rason kung bakit namatay ang mga magulang ko? Hindi ba ay siya? Sana man lang no'ng mga panahong iniiwasan niya ako, kahit na kinulit ko siya na muling samahan ako ay hindi na siya pumayag pa. Mas lalo pa niyang pinalala ang sitwasyon.
He let me fell for him while he kept that secret about my parent's death.
Sa totoo lang ay dapat pa siyang magpasalamat sa'kin dahil hindi ko na pinagpilitan pa ang kaso ko sa kaniya. Ni hindi ko na naasikaso pa 'yong lalaking sumalo ng mga kasalanan niya. Marami masyadong tao ang nagdudusa sa kasalanan na kagagawan ng pamilya niya.
"Nga pala," pambabasag ko sa katahimikang bumabalot sa aming dalawa ",we already made a plan about how to help La Castellion..."
Sumulyap siya sa'kin nang saglit at bahagyang tumikhim. "
"What's the plan?" tanong niya bilang alkalde ng bayang ito.
"We're holding an online concert next week," sagot ko. "Ang lahat ng malilikom mula sa mga nabentang ticket at mga donation na ipapadala sa mga digital wallet ay mapupunta lahat para sa bayan."
![](https://img.wattpad.com/cover/251951211-288-k436324.jpg)
BINABASA MO ANG
Fallen So Deep
RomansIsang pusong nakakulong sa obligasyon at isang pusong puno ng ambisyon ang pagtatagpuin ng isang misyon. Walang ibang bagay ang mahalaga ngayon kay Kiro Verona bukod sa matagal na niyang pangarap sa buhay, iyon ay ang sumikat ang bandang binuo niya...