Kabanata 29
"Masakit pa ba?" malumanay na tanong niya mula sa'king likod, rinig ko sa boses niya ang pag-aalala.
Kauuwi lang namin dito sa apartment niya. Dito na naming naisipan na umuwi pagkatapos ng nangyari sa'min sa ilalim ng tulay dahil bukod sa ayaw na naming makita kami ng mga tao doon na ganito ang histsura namin, maayos din ang banyo at puwestong pagpapahingahan namin dito.
Marahan akong tumango, napapangiwi dahil sa sakit na nararamdaman ko.
"Medyo nalang. Hindi na katulad kanina."
My butt is really in pain right now. Makirot na mahapdi, lalo na kanina habang naliligo kami sa banyo. Siya pa ang nagbuhos sa'kin ng tubig dahil sa panlalambot na naramdaman ko na para akong lalagnatin. Maging ngayon nga sa pag-upo ko sa kama niya ay dama ko pa rin ang nangyari sa'min kanina.
That's my first time. Kadalasan kasi na ako ang gumagawa ng ginawa niya sa'kin kanina. It didn't felt weird. Para sa iba siguro ay oo, but for me, that's love.
"Sorry. Hindi ko sinasadyang maging mabilis kanina. Sana pala ay nagdahan-dahan ako..." malambing na aniya.
Bahagya akong napahalakhak dahil doon. "Ayos nga lang. Naiintindihan ko. Atleast ngayon nalaman ko sa paraan na 'yon kung gaano mo ako na-miss."
"Yeah. I just really missed you so much kaya hindi ko na napigilan ang panggigilan ka." He chuckled, too.
"Gano'n? 'Di sa tuwing mami-miss mo 'ko, palagi mo 'kong panggigilan?"
"Hmm...it depends. Siguro dahan-dahan muna para hindi na mangyari sa'yo ang nangyayari ngayon."
I grinned. "No. Next time, I'll be the top. Babawian kita para patas. Panggigigilan din kita. Ipapakita ko sa'yo kung gaano ako kagaling sa kama." mayabang na sabi ko at parehas nalang kaming natawa matapos 'yon.
Ipinagpatuloy niya ang marahang pagpapatuyo ng aking basang buhok gamit ang puting tuwalya. Pumikit ako't hinayaan lang siyang gawin 'yon. Isang ngiti ang sumilay sa labi ko habang naiisip ang sitwasyon namin ngayon.
The pain I am feeling right now is the feeling I'll never regret. Dahil bukod sa pagdidikit ng mga labi namin, ito rin ang pangalawang sensyas na bumalik na ulit kami sa dati. Not just as a friends, but as a couple.
Masaya lang talaga ako ngayon at ayaw ko munang isipin ang mga kasunod na mangyayari pa sa pagbabalikan ng relasyon namin.
"Done," anunsyo niya at tinanggal na sa buhok ko ang towel. "Sigurado ka bang hindi na muna tayo kakain? Hindi ka gutom?"
Hinarap ko siya. He's half naked, boxer lang ang tanging suot niya ngayon tulad ko. Umiling ako.
"Napagod ako at paniguradong ikaw din. Tulog na muna tayo..." I tiredly said.
Tumango nalang siya bilang pagsang-ayon. Umusog siya ng bahagya sa left side ng kama nang hihiga na 'ko. Kahit na ayaw ko, tinulungan pa rin niya ako sa paghiga.
Maging ang makapal na kumot ay isinaklob niya sa kalahating parte ng hubad kong katawan bago niya hinubad ang salamin at inilagay iyon sa side table saka sumiping sa'kin. Humiga siya sa'king nakahandang braso, pinatong ang isang paa sa bandang tuhod ko at ibinaon ang mukha sa'king dibdib.
Maliit lang ang kama kaya mas mabuting ganito na ang puwesto namin. Baka bukas ay matagpuan nalang namin ang mga sarili sa sahig. Isa pa, gusto ko rin naman 'to. I missed doing this with him. Matagal din akong nangulila sa mga yakap niya.
Tahimik lang kami ng ilang sandali, parehas na mulat. Tutok ang mata ko sa puting kisame habang siya naman ay sa akin. Nang hindi pa ako mahila ng antok dahil sa mga pumapasok sa isip ko ngayon ay nilingon ko siya. Nakatingin pa rin siya sa'kin.
BINABASA MO ANG
Fallen So Deep
RomansaIsang pusong nakakulong sa obligasyon at isang pusong puno ng ambisyon ang pagtatagpuin ng isang misyon. Walang ibang bagay ang mahalaga ngayon kay Kiro Verona bukod sa matagal na niyang pangarap sa buhay, iyon ay ang sumikat ang bandang binuo niya...