Kabanata 18

22 3 2
                                    

Kabanata 18

"Hoy, p're! Ayos ka lang? Kanina ka tulala diyan, huh?" puna ni Levi na nakapagbalik sa'kin sa reyalidad. Pinitik-pitik pa niya ang kaniyang daliri sa harap ng mukha ko na siyang dahilan kung bakit napawi ang ngiti ko sa labi.

Nakakunot ang noo niya at halos magsalubong na ang kilay sa sobrang pagtataka.

Nandito kami ngayon sa mini stage, nakaharap na sa mga bisitang nakaupo sa kaniya-kaniyang lamesa. Tulad ng napag-usapan namin ni Nathalia noong Martes, tutugtog kami ngayon sa engagement party nila.

Nakakanta na naman kami ng dalawang kanta kanina bago mag-umpisa ang party para hindi mainip ang mga bisita. Ngayon tapos ng i-announce nila Nikkolai ang engagement nilang dalawa ay oras na naman para sa'min para libangin ulit ang mga tao.

"Huh? Oo naman. May iniisip lang," palusot ko at tiningnan ang ibang mga kasamahan ko.

Inaayos na nila muli ang mga instrumento nila, naghahanda na para sa susunod na kanta.

Nakangisi na ng nakakaloko si Levi nang ibalik ko ang tingin sa kaniya. Tinaasan ko siya ng kilay dahil do'n.

"Sino? Chix mo ba 'yan, ha?" nakakaloko niyang sabi sabay sundot sa tagiliran ko. Lumayo ako ng kaunti sa kaniya at sinuway siya.

I clicked my tongue. "Chix ka diyan. Tigilan mo nga 'ko!"

"Sus! Ide-deny pa, e! Halata naman sa ngiti mo at pamumula ng pisngi mo! Ulol!"

Natatawa ko nalang siyang inilingan at inilihis ang tingin sa paligid.

Sa malawak na bakuran ng bahay nila Nathalia, nakakalat ang mga pabilog na lamesa na may mga puting tela kung saan nakaupo ang mga relatives at kaibigan niya. May ilan pa akong nakitang mga sikat ngayon na talents mula sa SSE.

Magara rin ang mga palamuti tulad ng mga LED lights na nakapalupot sa mga puno at mga bulaklak. Sa may harap naman ng stage, sa bandang kaliwa ay nakatayo ang isang five layers cake na may dalawang singsing na disenyo sa taas nito.

Sa hindi kalayuan naman ay si Rios ang nakita ko. May katabi siyang dalawang babae sa iisang lamesa, nagtatawanan habang may hawak na wine glass at sumisimsim sa alak.

"Babaero spotted..." bulong ko at natawa.

Sa paggala ng aking mata ay sawakas nahagip ko rin siya. Kasama niya si Nathalia, Tito Namiel at Landon Servantes. Nakikipag-usap sila sa iilang mga bisita. Todo ang ngiti nilang lahat bukod kay Nikkolai.

I smiled when he turned his gaze to me. Gano'n din naman ang ginawa niya na nagpainit ng pisngi ko.

So this is the feeling of inlove, huh?

I missed him, actually. Noong linggo ang huling nagkita kami. Syempre, sinulit namin ang araw na 'yon dahil sa mga sumunod ay naging abala nga siya para dito. Naiintindihan ko namn. Isa pa, abala rin naman ako sa pag-e-ensayo namin ng banda ko.

Wala namang masyadong nagbago sa'min. Para pa rin naman kaming magbarkada, pero may benefits. Bukod sa kwentuhan at tawanan, nadagdagan lang ng halikan at yakapan.

Nagawa ko na 'yon sa mga naging babae ko dati pero iba pala ang pakiramdam kapag sa kaniya ko ginagawa 'yon. I am really happy with him, with our unusual relationship.

"I love you," he mouthed and gave a sweet smile.

Napailing nalang ako sa ginawa niya. Mabuti nalang talaga ay abala pa ang mga kasama ko dito sa intrumento nila at walang nakatingin sa kaniya.

Sa mga sumunod na mga minuto ay tinapos na namin ang natitirang tatlong kanta. Bahagya pa kaming nagpakitang-gilas sa mga talents ng SSE. Halata naman sa mukha nila ang pagkabilib sa amin.

Fallen So DeepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon