Kabanata 4

35 4 1
                                    


Kabanata 4

"Seryoso, Kuya? Magkaibigan talaga kayo ni Mayor?" hindi makapaniwalang tanong  ni Kylie habang hinahapag ang merienda namin sa glass table.

Nakahiga ako ngayon sa sofa bed namin sa sala, nagpapahinga dahil sa tinapos kong gabundok na labahin namin. Tatlo na nga lang kami, pero ang mga nilahan ko parang pang-sampung tao na.

Reklamo nga ng reklamo itong kapatid ko dahil doon. Bakit daw hindi nalang namin i-laundry sa may bayan para mas madali at hindi nasisira ang bagong manicure niyang kuko. Syempre ako gusto kong makatipid, sayang lang ang pera na ibabayad namin doon, e kaya ko naman labhan ang mga damit namin. Marunong naman ako dahil tinuruan ako ni Mama.

Itinukod ko ang aking kamay sa ulo upang mas makakain ako ng maayos ng biscuit.

"Oo nga," pagod na sagot ko. "Hindi mo ba nakita ang live namin kahapon?"

Umupo siya sa may lapag at nagsalin ng orange juice sa dalawang basong nasa hapag.

"Nakita ko. Grabe! Ang guwapo talaga niya sobra! Mas lalo akong na-inlove sa kaniya dahil sa mga sinabi niya kahapon," aniya at sinabayan pa ng malakas na pagtili.

Fangirl, huh?

Pumasok na naman sa isip ko ang nangyari kahapon. Hindi ko mapigilan hindi matuwa. Nagawa na ni Mayor Nikkolai ang isa sa mga dapat niyang gawin bilang alkalde ng La Castellion. Ang sarap sa pakiramdam na natulungan ko siya, hindi lang 'yon dahil nasasabay ko pa ang plano namin ni Nathalia.

"Sabi na, Kuya, e! Ibang-iba talaga siya sa lahat ng Servantes!" dagdag pa niya habang ngumunguya ng biscuit.

Tatango palang sana ako sa sinabi niya nang sabay kaming mapatingin sa kakapasok lang na si Kane. Suot niyang ang varsity shirt and short niya, tagaktak ang pawis sa noo habang hawak ang isang bola.

"Hindi siya iba sa mga Servantes," kontra nito at dumiretso sa kusina upang kumuha ng sariling baso. "Ang sabihin mo, kaya feeling mo naiiba siya kasi may crush ka sa kaniya. Palibhasa sa hitsura ka lang tumitingin, hindi sa ugali."

Umupo siya sa tabi namin saka sinalinan ang kaniyang baso ng inumin. Nawala ang ngiti ni Kylie at seryosong nakatingin lang sa kaniya.

"Anong pinaglalaban mo niyan?" Her eyebrow shor up. "Paano mo nasabing hindi siya naiiba?"

Kane tsked. "Servantes siya, kasali sa pamilya ng kurakot at manloloko kaya ano pa bang aasahan mo sa kaniya?"

"Ang sabihin mo bitter ka lang kasi natalo kayo sa game nung team ng pinsan niya last year! Hanggang ngayon ba naman affected ka pa rin? Uso ang mag-on, Kane. Try mo." Sabay ikot ng kaniyang mata.

"Niluto ni Eron Servantes ang game na 'yon kaya dapat lang magalit ako, kami!"

Naalala ko ang gabing umuwi si Kane sa bahay na galit na galit dahil sa pagkatalo nila. Naiintindihan ko naman siya dahil nga halos gawin na nilang umaga ang gabi para lang makapag-practice, pero sa huli wala rin pala ang lahat ng iyon.

"Kaya kung ako sa'yo, tigil-tigilan mo na ang pagkaka-crush mo diyan sa Nikkolai na 'yan," asar na anito at nilagok ang kaniyang inumin. "May nalalaman pa siyang live kagabi, puro naman kaplastikan ang sinasabi. Well, ano pa bang aasahan ko? Servantes is always a Servantes."

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at binigyan ko na siya ng isang sapak sa sinabi niya. Hindi niya alam kung gaano kahirap sa alkalde ang itago ang mga salitang iyon dahil sa Daddy niya. Wala siyang alam sa nangyari kaya dapat lang sa kaniya ang sapak na iyan.

Sama niyang tiningnan, habang si Kylie naman ay humalakhak.

"Aray ko, Kuya! Anong problema mo?!" singhal niya sa akin kaya muli ko siyang binigyan ng isa pa. "Kuya—"

Fallen So DeepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon