Kabanata 6

21 4 5
                                    

Kabanata 6

"A-aray!" daing niya habang dinadampian ko ng cotton bud na may antiseptic ang labi niya. "Dahan-dahanin mo naman, Kiro. Masakit na nga, mas lalo mo pang pinapasakit..."

Tinanggal ko ang cotton bud at seryoso siyang tiningnan. Putok na putok ang gilid ng labi niya. Hindi tulad kanina ay hindi na ito masyadong a nagdurugo, pero halata pa rin ang malaking sugat doon.

Naiinis pa rin ako hanggang ngayon habang iniisip kung paano siya bugbugin at halos patayin ni Lester.

Kahit kailan talaga ay mayabang ang gagong iyon. Sa tuwing pupunta ako doon, palagi ko siyang nakikitang may mga sugat at pasa sa mukha. Halos lahat din ng mga tao sa baranggay nila ay pinanggigilan siya dahil sa ugali niya. Kung pwede ka nga lang na sapakin ko iyon kahit isang beses lang para mawala ang kayabangan ay ginawa ko na.

"Bakit ba kasi hinayaan mong ganonin ka ng tulok na 'yon?" magkasalubong ang kilay na tanong ko. "Kung ako, ikaw? Baka binalian ko na 'yon ng paa para hindi na siya makalakad pa." mayabang na dagdag ko.

Huminga siya ng malalim habang inaalis ang kaniyang parisukat na salamin na inilapag niya sa may side table niya saka kinuha ang icebag sa may tray ja nakalagay din doon.

Nilagay niya iyon sa kaliwang mata na namamaga ngayon.

"He's just a kid, Kiro. Hindi ako pumapatol sa mga bata," depensa niya, napapangiwi marahil siguro sa sakit. "Atsaka may rason naman kung bakit niya ginawa iyon. Naiintindihan ko siya. Ako ang may kasalanan kaya may karapatan siyang gawin sa akin iyon."

Napairap ako sa sinabi niya. Kahit na ganoon ay mali pa rin ang gagong iyon!

Inagaw ko sa kaniya ang icebag nang mapansing nasa maling puwesto niya inilalagay iyon. Hinayaan naman niya akong isakto iyon sa mapulang parte.

"Oh, sige! Sabihin na natin na hindi na pumapatol sa mga bata. E, ano naman ang sasabihin ko sa oras na may mangyari sa'yo? Na hindi ho siya naglaban kasi mas bata sa kaniya ang kalaban niya, ganon ba?"

"Kiro, hindi naman sa wala akong kaya sa Lester na iyon," tanggi pa niya. "Ang akin lang, inaalala ko lang ang image ko. Sira na nga, alangan naman sirain ko pa kapag nakita ng lahat ng tao doon na pinatulan ko siya."

Kung sabagay ay may punto siya. Nagpapakahirap siya na makuha ang tiwala nila tapos sisirain niya nalang ng gano'n?

"Besides, I am really happy today. Nakita ko kung gaano sila kasaya habang binibigyan ko sila ng mga kailangan nila, lalo na ang mga bata. They kissed me and it made my day!" Isang matamis ang umukit sa kaniyang labi. "One of my unforgettable moment of my life!"

I smiled, too. Alam ko kapag pumunta ulit ako doon na wala siya ay hahanapin nila siya sa akin.

Tinanggal ko ang icebad sa mata niya at inilapag iyon sa may tray.

"Patingin nga ulit." Hinawakan ko ang kaniyang baba at ineksamina ang bawat sulok ng mukha niya, tinitingnan kung may iba pa bang sugat. Mabuti naman at wala na.

Nang dumako ang tingin ko sa kaniyang manipis at rosy pink na labi ay napahinto ako. Even though the edge of his lip was sore it was still tempting to look at it. I suddenly remembered the night I kissed him. The bitter sweet taste of her lips that I will never forget.

Dang!

Bumalik ako sa aking katinuan at halos mapatalon pa sa gulat nang marinig ang malakas na pagkalabog ng pintuan ng kwarto.

Sabay kaming lumingon doon kung saan nakita namin ang isang lalaking kamukhang kamukha ni Mayor Nikkolai pero mas matanda lang ang hitsura no'n, mukhang kapatid niya.

Fallen So DeepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon