Kabanata 20
"Are you ready to cleanse your ears and make your heart flatter for our last performance?!" Levi energetically asked to the crowd.
Nasa harapan siya ngayon ng mikropono, mahigpit ang hawak sa stand. Kahit na marahan niyang hinahabol ang kaniyang paghinga ay hindi pa rin mabura ang malawak na ngiti sa kaniyang labi.
"Rusty Kidz! Rusty Kidz!" our fans cheerfully shouted back.
Napangiti ako dahil doon.
I really still can't believe that this is really happening right now. Standing in this wide and fancy stage of arena, listening to the hundreds fan shouting our band name.
We deserved this.
Sa isang taon naming paghihirap, nagbunga na rin sawakas ang lahat ng 'yon. Hindi rin naman kasi naging madali ang lahat. Nang tumungo kami papuntang Manila, hindi lang si Ferdinand ang kailangan namin pakitaan ng gilas. Maraming matataas na tao ang kailangan makita talaga ang galing namin.
We really did our best and luckily, nakapasok kami sa talent agency na iyon na hindi talaga nagmumukhang planado ang pagtanggap sa'min.
Trainings at mga kung anu-ano pa ang mga pinagdaanan namin. Pressured pa dahil nakikita namin kung paano mag-perform ang iilang boy band na ngayon ay may naitatag ng pangalan sa mga tao.
Ginawa namin 'yong inspirasyon hanggang makaabot dito.
"Mahal namin kayo!"
Parang noon, walang gaanong ganito sa mga gigs namin. Tahimik lang ang mga tao sa bar na nakikinig sa mga kinakanta namin.
Parang dati lang ay simpleng t-shirt at faded jeans lang ang sinusuot namin, pero ngayon? Mukha na talaga kaming mga rock star.
We're wearing a leather black jacket and a leather ripped pants. May mga palamuti pa itong maliliit na kadena. Pinarisan namin ito ng high cut black shoes. Sa kamay naman ay open-three fingers na kulay solid black.
"Oh, God! Levi Claveria, akin ka nalang please!" tili ng isang babae mula sa VIP area.
Kanina ko pa ito naririnig na nagsusumigaw at mas lalo pa 'yong lumakas nang lingunin siya ni Levi at kindatan ito. Ang mga kasama naman niya ay halos hampasin siya dahil sa inggit sa kaniya.
Sa aming lahat, si Levi ang pinakasikat. Siya ang mas maraming fans. Hindi naman kami naiingit dahil understandable naman. Siya ang vocalist ng banda. Sa boses niya na-a-attract ang mga tao. Mayroon din naman sumisigaw ng mga pangalan namin pero hindi gano'n karami tulad ng kaniya.
"Shit! Minor din ako, Kiro! Can you—" Hindi na naituloy pa nung babaeng 'yon ang sasabihin niya nang takpan ng kaibigan niya ang bibig nito gamit ang kamay.
"Ang naughty mo!" suway nito.
Natawa nalang ako't napailing. Hinawakan ko ang hikaw na krus sa aking tainga. Madali lang ito natatanggal kaya madalas ang pagsuri ko kung nakasabit pa iyon, mabuti naman at hindi naaalis ngayon.
"Again! Are you ready for our last performance for tonight?!" ulit na tanong ni Levi.
Muling umingay ang alon ng mga tao.
"Make our hearts flatter, Rusty Kidz!"
Nilingon kami ni Levi, tinanguan. Umayos kami lahat ng tayo at hinanda na ang aming mga kaniya-kaniyang instrumento.
Ito na ang huling performance namin ngayong gabi para sa mini concert namin na 'to kaya dapat na ibigay namin ang best namin dito.
"This last song is for our TOTGA entitled 'Bittersweet Lips'. Hope you'll enjoy it!" anunsyo niya, umayos na rin ng tindig.
BINABASA MO ANG
Fallen So Deep
RomanceIsang pusong nakakulong sa obligasyon at isang pusong puno ng ambisyon ang pagtatagpuin ng isang misyon. Walang ibang bagay ang mahalaga ngayon kay Kiro Verona bukod sa matagal na niyang pangarap sa buhay, iyon ay ang sumikat ang bandang binuo niya...