Kabanata 10

25 4 0
                                    


Kabanata 10

"Siguraduhin mong patay ang ilaw sa kusina bago ka matulog," paalala ko kay Kylie pagkaabot ko ng palangganna sa kaniya na may laman na maligamgam na tubig.

Tumango lang siya, nakanguso bago siya tuluyang lumabas ng kwarto. Isinarado ko na ang pinto at siniguradong naka-lock iyon. Pinatay ko rin ang ilaw. Hindi ako makakatulog ng nakabukas iyon.

Nang humarap ako sa kama ay mahimbing ng natutulog sa ikalawang palapag si Kane. Anong oras na rin kasi natapos ang inuman, alas onse na rin siguro iyon at halos sila ay lasing na lasing.

Ang mga bisita naman ay nakauwi naman ng ligtas. Malapit lang din naman ang bahay nila sa amin.

Bumaba ang tingin ko sa kama ko kung nasaan ngayon nakihalata ang walang malay na alkalde. Katatapos ko lang siyang hilamusan at bihisan. Ang tanging suot lang niya ngayon ay ang boxer short ko.

He is really wasted. Ikaw ba naman ang uminom pagkatapos mong magsuka sa banyo.

Tinotoo niya ang sinabi niya kanina na susuka lang siya pero hindi susuko. Pinipilan ko na nga siya na tumigil na, pero masyadong siyang makulit at mapilit. Kaya iyan, 'yan ang napala niya.

"Tigas kasi ng ulo, e." I mumbled, shooking my head while clicking my tounge.

Umikot ako sa kaliwang side ng kama ko. Inayos ko ang kaniyang kamay at paa na sinasakop ang natitirang espasyo sa akin. Ganito ba siya matulog sa kanila? O dahil lasing lang siya ngayon?

Dumapa siya nang maalipungatan siya paggalaw ko sa kaniya at hinarap ang ulo sa kanan habang mahinang umuungol.  Huwag mo akong artehan! Kasalanan mo 'yan.

Humiga na ako sa kama, nakagilid sa kaliwa at ipinikit ang mata. And when I was about to sleep, I heard him talk kaya hindi na natuloy pa.

"Kiro?" he called me.

"Hmm?" I responsed, hindi iminumulat ang mata.

Hinintay ko ang ilang segundo pero hindi na siya sumagot pa. Nagising ba siya o nananginip lang? Nasagot ang tanong ko nang magsalita siya ulit.

"Buti nalang at gising ka pa..." he said. 

Matutulog na nga dapat ako, e.

"Bakit? May kailangan ka ba? May masakit ba sa'yo?" mahinahong tanong ko.

"Wala. I just wanna say...sorry."

Kumunot ang noo. "Sorry saan?"

Muling siyang hindi sumagot. What is he sorry for? Sa pag-iwas niya sa akin? But I already forgave him for that. O baka naman dahil pinilit niyang lasingin pa ang sarili niya?

Naramdaman ko ang paggalaw niya nang bahagyang lumikot ang kama. Maging ang hangin na nagmumula sa kaniya ay nararamdaman ng leeg ko.

"I am really, really sorry for that. I didn't mean to do it..." Suminghot siya, mukhang umiiyak.

Bakit na naman?

Sa pag-aalala ko ay wala na akong ibang nagawa kundi ang lumingon din sa kaniya. Kahit madilim, may tumatama naman na liwanag na mula sa buwan sa mukha niya at kitang-kita ko ang mga luha na pumapatak doon.

Sobrang lapit lang namin sa isa't isa na halos isang usog ko nalang ata ay magkakadikit na ang tungki ng ilong namin.

I tapped his back.

"Mayor, kung ang iniintindi mo ay 'yong pag-iwas mo sa akin..." I smiled. "Ayos na tayo doon kaya hindi mo na kailangan humingin ng tawad. Nagpapansinan na naman tayo, that's good enough for me. Hmm?"

Fallen So DeepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon