Kabanata 22
"Sa minahan nag-umpisa ang nangyaring lindol," tugon ni Kuya Dodong nang tanungin ko sa kaniya kung may dahilan ba ang biglaang lindol sa bayan namin tatlong araw ang nakararaan.
Ang unang suspetya ko ay ang bulkan dito ang dahilan no'n dahil matagal na rin 'nong huling magising. I was five years old that volcano bursted out in rage, pero hindi naman ganito kalakas ang nangyari no'n.
"Sa minahan? Bakit? Anong nangyari?" tanong ko, kunot ang noo.
"Dahil kay Landon Servantes," singit ni Kane matapos humigop ng sabaw ng sopas sa styrofoam na mangkok. "Ang kuwento ng mga tao dito, dahil daw sa galit niya sa hindi pagkatuloy ng kasal nila ni Ate Nathalia at Mayor Nikkolai, sinubukan niya 'yong ipabagsak."
Bahagya akong nabilaukan sa narinig.
"Hiwalay na si Nikkolai at Nathalia?"
Tumango siya. "Oo naman. Right after the engagement party, nakpaghiwalay si Ate Nathalia sa kaniya. Hindi ko nga alam kung anong rason, e."
So, they did really break up, huh? That's because of our relationship for sure. Iyon lang naman ang nakikita kong rason doon at kaya lumipad na rin ng States si Nathalia.
Nakaramdam ako ng konsensya.
Nasira ko pa ang matagal na pangarap niya. Hindi ko talaga siya masisisi kung hindi na niya ako papansinin pa pagkatapos ng ginawa ko.
"At ayon, mukhang mali ang naging galaw ni Landon sa ginawa niya dahil sa kalagitnaan ng pagsira nila sa minahan, biglang lumindol nalang," dagdag ni Ate Lillian.
Umayos siya ng higa sa hita ng kaniyang asawa at tinapik ito sa sa kaniyang braso.
"Ayusin mo naman ang pagpaypay mo sa'kin, ang init, e," reklamo niya.
Napasimangot si Kuya Dodong at mas nilakasan ang pagbibigay niya ng hangin sa asawa gamit ang isang pinunit na karton.
"E, nasaan si Landon ngayon?"
"Nagtatago," si Kylie habang abala sa cellphone niya, nagtitingin ng kaniyang mga litrato. "Sinampahan siya ng kaso ng mga trabahador sa minahan dahil sa ginawa niya, pero hindi na siya nahanap ng mga pulis. For sure, hindi talaga niya hahayaang makulong ang sarili niya."
Napabuntong- hininga ako dahil sa narinig. Hindi pa rin siya nagbabago. Masyado pa rin siyang gahaman sa mga bagay na hindi naman talaga sa kaniya.
"Kung makikita ko lang ang gunggong na 'yon ngayon, sisiguraduhin kong ikukulong ko siya sa loob ng minahan hanggang mabulok siya doon," ani Kuya Dodong, nagtatangis ang panga.
"Dodong!" saway ni Ate Lillian.
"Bakit? Dapat lang 'yon sa kaniya, mahal. Nawalan tayo ng bahay at trabaho dahil sa kaniya!"
"Alam ko. Pero bakit doon siya mabubulok kung puwedeng sa kulungan naman?"
Natawa kaming lahat sa sinabi ni Ate Lillian. Kahit ako naman ay hindi gugustuhin na doon lang siya makulong. Sa lahat ng ginawa niya sa mga tao at sa bayan ng La Castellion, dapat niyang pagbayaran lahat ng 'yon.
Nilinga ko ang aking mata sa mga taong nasa loob ngayon. Lahat sila ay abala ngayon sa pagkain, nakaupo sa sahig na sinapinan ng karton. Kaniya-kaniya rin ng paypay ang mga tao dahil hindi naman gaanong kalakas ang buga ng hangin nf mga malalaking electric fan. I even saw my bandmates talking with their family. Nabunutan naman kami lahat ng tinik dahil walang nangyari sa mga pamilya namin.
Sa mga halo-halo nilang mga boses ay para akong nakakarinig ng mga kuliglig. Sinabayan pa 'yon ng malakas na tunog ng makina ng generator na siyang nagbibigay buhay sa mga ilaw ng gymnasium ngayon. Wala pa rin kuryente at hindi alam kung kailan ito babalik.
![](https://img.wattpad.com/cover/251951211-288-k436324.jpg)
BINABASA MO ANG
Fallen So Deep
Roman d'amourIsang pusong nakakulong sa obligasyon at isang pusong puno ng ambisyon ang pagtatagpuin ng isang misyon. Walang ibang bagay ang mahalaga ngayon kay Kiro Verona bukod sa matagal na niyang pangarap sa buhay, iyon ay ang sumikat ang bandang binuo niya...