Kabanata 8

37 4 0
                                        

Kabanata 8

"Pang-ilang ulit na natin 'to, pre. Ayos ka lang ba?" tanong ni Levi,  ramdam ko ang pagka-irita niya sa akin.

I sighed. Inilapag ko ang aking gitara sa lapag saka umupo. Kinuha ko ang water bottle sa tabi ko, inubos iyon ng isang lagukan lang, napapamura pa sa isip ko. Maging ako ay naiinis na rin sa sarili ko.  Hindi ko alam kung bakit ba ako nagkakaganito nalang bigla.

Since last week nung mag-umpisa ulit kaming mag-ensayo, lagi nalang akong ganito. Kung hindi ako magkakamali sa mga chords, mapipigtas naman ang string ng gitara ko tulad ngayon. Wala naman akong sakit o ano. May isang bagay lang talaga ang naglalaro sa isipan ko ngayon at hindi ko maalis.

"Oo nga, pare. Baka may problema ka pala, hindi mo lang sinasabi amin," gatong ni Oliver habang pinaglalaruan ang kaniyang drum sticks.

Umiling ako. "Wala naman, pagod lang siguro 'to," palusot ko.

Ayaw ko nalang sabihin sa kanila kung ano ba talaga ang nangyayari sa akin. Panigurado ay hindi rin naman nila maiintindihan kung ano man ang problema ko ngayon.

Mariin akong napapikit, pilit na inaalis sa isipan ko ang bagay na iyon. Shit! Hindi puwedeng maging ganito ako palagi. Dalawang linggo nalang ang natitira bago sumapit ang fiesta ng La Castellion. Hindi ako puwedeng magkamali doon.

"Alas dose na! Lunch break na muna tayo. May nakita ako sa internet na bagong bukas na restaurant dito," aya ni Yago saka ipinakita sa amin ang isang picture ng restaurant na sinasabi niya.

Tumayo ang lahat ng kasama ko, mukhang excited pumunta doon. Nilingon nila ako nang mapansing hindi pa rin ako gumagalaw sa pwesto ko.

"Hindi ka sasabay?"

"Hindi na muna. May dadaanan lang ako." Iyon ang palusot ko sa tuwing aayain nila akong sumabay sa kanila.

Nagkibit-balikat nalang sila bago ako tuluyang iniwan.

Kinuha ko sa aking bulsa ang cellphone ko. Wala pa rin akong natatanggap na tawag o kahit isang text man lang sana. Hindi ko alam kung bakit bigla nalang siyang naging ganito. Hindi ko alam kung anong problema niya sa akin kung bakit niya ginagawa 'to. At hindi ko rin alam sa sarili ko kung bakit ba sobrang affected ako doon na alam kong hindi naman dapat.

"Ano bang nangyayari sa'yo..." I mumbled and breathed heavily again.

Tumayo na ako at sinuot ang aking hoody jacket. Kung hindi siya magre-reply sa mga text messages ko sa kaniya, puwes ako na mismo ang pupunta doon. Hindi niya puwedeng ginagawa 'to ng walang dahilan. Kailangan niyang sagutin ang mga tanong ko, he owe me an answer for it.

Isinaklob ko ang hoodie sa ulo dahil sa init paglabas. Lalakarin ko nalang, hindi naman gano'n kalayo mula sa studio namin 'yon. Nang mapadaan ako sa isang palengke ay isinabay ko na ang pagbili ko ng bagong guitar string. Kailangan ko ng palitan iyong naputol.

Anong oras na rin nang matanaw ko na ang Municipal Hall. Papasok na sana ako nang may isang lalaki ang humarang sa akin. Nagtangis ang bagang ko nung makita ang mukha niya. Seeing his face right now is really making me want to punch him right now. Kailangan ko lang talaga ang magpigil.

"Kiro, right?" aniya habang may maliit na ngisi ang nakaukit sa labi niya. "We need to talk, kid." Nilagpasan niya ako kasama ang dalawang guard niya sa likod.

Hindi na ako nagdalawang-isip na sundan siya. Baka meron siyang kinalaman kung bakit ako iniiwasan ng anak niya. Imposibleng wala dahil siya ang may gustong iwasan ako ni Mayor Nikkolai.

Pumasok siya sa isang coffee shop n katabi lang din ng munisipyo. Sinundan ko siya hanggang sa makaupo siya sa round table na kadikit ang clear glass window.

Fallen So DeepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon