Kabanata 31

6 0 0
                                    

Kabanata 31

"Sigurado bang wala kayong problema sa akin? Kahit na ganito ako?" tanong ko habang abala ako sa pagtingin ng aking repleksyon sa harap ng salamin, inaayos ang aking itim na buhok gamit ang hair wax.

Medyo kumapal na ito dahil medyo matagal na rin simula nung huli kong punta sa barber shop. I also changed my hair style when I was in Manila. From faux hawk cut, I changed it to quiff. Bumagay naman iyon sa diamond shape kong mukha.

"Sus. Anong problema sa'yo, p're? Hindi naman big deal sa'min 'yan." tugon ni Oliver habang sinusuot ang silver necklace niya

Mula dito sa salamin ay kita kong napatingin silang lahat sa'kin sa gitna ng pag-aayos nila sa kanilang sarili para sa magaganap na concert ngayon. Time really flies so fast. Parang noong nakaraan lang ay pinagpaplanuhan palang namin ito, pero heto kami ngayon at naghahanda na.

Nandito kami sa isang kwarto dito sa loob ng gymnasium. Dito nakalagay ang mga upuan noon na inilabas namin kahapon para nga sa concert. Pinalinis din namin ito upang magamit namin ngayon. Medyo mainit nga lang dahil iisang wall fan lang ang nandito ngayon.

"Oliver is right, Kiro," ani Yago habang pinapaliguan ang sarili sa pabango."Sa tagal na nating magkakasama, marami na tayong naranasan na challenges na sinubok ang banda at pagkakaibigan natin. Atsaka ano naman ngayon kung nagkakagusto ka sa lalaki?"

"Tama. It's still you, bro. Ikaw pa rin ang Kiro Amir Servantes na nakilala namin. Wala namang nagbago." si Spencer sabay inom ng tubig sa isang botilya.

"Masaya kami sa relasyon niyo ni Mayor. Sa bawat lyrics ng kanta na gawa na kinakanta ko, halata namang mahal na mahal mo siya. May hugot pa, e." Levi jokingly said, itinataas-baba ang kaniyang kilay.

Napahalakhak nalang kaming lahat dahil doon, napapailing sa sunod-sunod na kantyaw na naririnig ko mula sa kanila.

"Salamat talaga mga p're. I am really in a good circle." Sabay ngiti ko sa kanila. "

Hindi ko talaga mapigilan na hindi maging masaya dahil sa mga naging sagot at reaksyon nila sa aking tanong sa kanila. Nakakatuwa lang malaman na wala akong natatanggap ni isang panghuhusga mula sa kanila. And instead of doing that, mas naging suportado pa sila at masaya para sa amin ni Nikkolai.

That's a plus points for our relationship.

Bago kami lumabas ay sinigurado kong maayos ang mga suot ko. Mula sa puting muscle tee ko na pinarisan ko ng black ripped jeans at itim na high cut shoes. Halos lahat ng damit kong 'to ay galing sa mga sponsored brand namin noon sa Manila. Parang dati lang ay sa ukay-ukay ako namimili, pero ngayon ay puro branded na ang mga sinusuot ko.

Masarap nga talaga ang bunga ng pinaghirapan ng isang tao.

Naglagay rin ako ng iilang piercing sa aking kanang tainga upang makumpleto ang tema namin ngayon sa concert.

Paglabas sa ginawa naming dressing room ay hindi namin mapaiwasan ang mapangiti dahil sa ganda at ayos ng set up na ginawa sa gymnasium. Lalo na sa stage na tutuntungan namin na tila nagmukha ng stage sa mga arena o ilang magagarbong concert venue na dinaluhan namin.

"Cool..." namamanghang bulong ko habang inililibot ang aking mata sa kabuuan ng loob.

Makikita sa stage ang isang malaking white screen na mukhang gagamitin para sa aming backdrop. Marami rin ang nakasabit at nakakalat na mga pailaw sa paligid ng stage, tulad nalang ng mga laser lights, follow spotlights, mga typical na spotlights at floodlights.

May mga camera rin akong nakita na nakasabi na gagamitin para sa pagl-livestream ng concert para sa mga virtual fans namin.

Sa gitna ng stage ay naroon na nakapuwesto ang aming mga gagamiting instrumento. May iilang tao pa rin na nakasuot ng staff shirt doon na silang nag-aayos ng iilan pang palamuti katulad nalang ng mga wall sticker ng aming poster at logo name ng banda.

Fallen So DeepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon