Kabanata 13

20 2 0
                                    

Kabanata 13

Kinabukasan ay alas diez na rin ang gising ko dahil sa puyat, kakahintay sa reply niya kagabi. Kahit isang emoticon man lang mula sa kaniya ay wala akong natanggap.

Pagkabangon, wala na sa kama niya si Kane. Kung wala sa baba 'yon para mag-almusal, nasa basketball court siya para maglaro kasama ang mga tropa niya. Inayos ko lang sandali ang mga kalat sa kuwarto bago ako lumabas doon.

"Happy Fiesta, Kuya!" masiglang bati sa akin ni Kylie habang pababa ako sa hagdan. Tinanguan ko lang siya habang humihikab pa at nagkakamot ng batok. Ngumiwi naman siya habang pinagmamasdan ang mukha ko. "Ang pangit mo, Kuya. May bisita ka pa naman, oh!"

"Sino?"

Nang tuluyan akong makababa ay tuluyan kong nakita kung sinong bisita ang tinutukoy ng kapatid ko. Nakaupo silang dalawa sa may sofa at may nakahapag na dalawang basong kape sa center table.

Nakasuot pa sila ng shorts, muscle tee at rubber shoes. Mukhang kagagaling lang nila sa jogging.

Sabay silang ngumiti sa akin, pero ako ay seryoso lang silang tiningnan.
Anong ginagawa naman ng dalawang 'to?! Magkasama na naman sila, huh? Ba-badtrip-in na naman ba nila ako?

"Morning," bati sa akin ni Mayor.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko at inilipat ang tingin sa katabi niya. "At bakit kasama mo siya?" Hindi ko alam kung tama bang itinanong ko 'yon. "I mean, wala pa kaming ulam na hinanda. Mamaya na kayo makikain."

Sabay silang humalakhak.

Anong nakakatawa?!

"Chill lang, dude. Kumain na kami sa restaurant kanina near here," aniya at humigop sa kape niya.

Pasikreto ko nalang siya inirapan.  Oh, 'di sila na ang mayaman! Ibinalik ko nalang ang tingin ko kay Nikkolai na diretso pa rin ang titig sa akin.

"Ano ba kasing ginagawa nito dito?" sabi ko. Tinapik ako ni Kylie dahil sa paraan ng pagkakasabi ko no'n; seryoso at may halong inis. Sinamaan ko siya ng tingin.

Ito talaga, kapag nakakakita ng guwapo, sobrang galing.

"Do you want to come with us? Gagala kami sa buong La Castellion, iche-check lang namin kung ayos na ba ang lahat." He smiled.

"H'wag na. Kayong dalawa nalang muna. Busy kami ng banda ko, tutugtog kami mamayang gabi, e."

Tumungo ako ng banyo matapos sabihin iyon abang si Kylie naman ay nanatili doon at nakipag-kwentuhan pa kay Rios. Naramdaman ko ang pagsunod sa akin ni Nikkolai dito.

Dumiretso ako sa sink, kinuha ang toothbrush ko at nilayan 'yon ng toohpaste sabay sipilyo sa mga ngipin ko. Nang lingunin ko siya ay nakasandal na siya sa hamba ng pintuan, kunot ang noo.

"Bakit ayaw mong sumama?" tanong niya. "Nabasa ko kanina 'yong text mo kagabi kaya pumunta ako dito para isama ka. Sabi mo kasi pangit kami ka-bonding ni Rios. Then let's go bond para hindi na kami tulad ng sinasabi mo."

Seryoso ko siyang tiningnan ng ilang segundo saka ako pagak na tumawa. Gano'n ba niya nakuha 'yong sinabi ko? Na kapag sinama nila ako sa gala nila ay hindi na sila magiging pangit ka-bonding ni Rios?

Napailing ako.

"Kayong dalawa nalang muna," sabi ko na nagpawala sa ngiti niya at tinalikuran siya upang magmumog.

"May galit ka ba sa'kin?" Bakas sa boses niya ang pag-aalala. "Dahil ba hindi ako nakapunta kagabi sa inuman niyo? I'm sorry about that."

"Ayos lang. Lasing ka na naman kagabi, e." Totoong ayos lang naman talaga sa akin 'yon. Hindi na naman siya makakapunta kahit ipilit ko pa. Ang nakakainis lang ay si Rios. Masyadong epal. Bakit siya pa ang kailangang mag-reply sa text ko?

Fallen So DeepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon