Kabanata 19

31 2 2
                                        

Kabanata 19

"Ang tanga ko, Ma. Sobrang gago ko, Pa. Nagpaloko ako sa isang Servantes..." mahinang sabi ko habang nakaharap sa picture frame ng mga magulang ko.

Malalim na ang gabi. Tanging buwan nalang ang nagbibigay sa'kin ng liwanag upang makita ko ang mukha nila sa madilim na kwarto namin. Humikbi ako, marahan lang para hindi na magising pa si Kane sa baba.

Pagkauwi ko ay ito lang ang nagagawa ko; umiyak. Mabuti nalang din at wala doon si Kylie at Kane. Hindi ko alam kung anong mararamdaman nila sa oras na malaman nila na si Nikkolai ang dahilan sa pagkamatay ng mga magulang namin.

Ngayon lang nagkaroon ng sense ang lahat ng mga sinabi at bawat galaw niya. Noong unang nag-inuman kami sa balkonahe, may nabanggit siyang isang aksidenteng naglagay sa kaniya sa kinauupuan niya ngayon.

'Yong pag-iwas niya sa'kin nang dinala ko siya sa puntod nila mama. Akala ko ay dahil lang 'yon kay Landon, inutusan siyang layuan ako. Halos masiraan pa 'ko ng ulo sa kakahanap sa kaniya.

Maging 'yong sinabi niyang babawi siya. Lahat ng materyal na bagay na ibinigay niya sa'min. Inakala kong normal lang 'yon. Peace offering para sa biglaang pag-iwas niya. Sa lahat ng 'yon, nagkamali ako. Inisip kong iba ang rason sa likod ng mga 'yon, pero hindi.

Malinaw na sa'kin lahat ngayon. Na sa lahat ng pinakita niya, sinabi sinabi niya at galaw niya ay mga magulang ko ang rason sa likod no'n.

Niyakap ko pa ng ilang sandali ang frame bago ko ito itabi. Tumagilid ako ng higa upang ihanda ang sarili ko sa pagtulog. Gusto ko munang magpahinga. I'm exhausted. Not just physically, but mentally as well. Pagkaharap ko sa dingding ay litrato namin ni Nikkolai ang nakita ko. Mula 'yon sa polaroid camera niya na kinuhanan namin noong binilhan niya 'ko ng gitara.

Magkahalong galit at lungkot ang nararamdaman ko habang pinagmamasdan 'yon.

"Ang gago mo..." Halos mabiyak pa ang boses ko. "Sa lahat ng taong puwedeng gumawa no'n, bakit ikaw pa? Ikaw pa na pinagkakatiwalaan ko sa lahat."

Hindi ko na naiwasan pa ang mapahikbi ng matunog. Kinagat ko pa ang isang kamay ko upang mapahina 'yon.

Gusto kong kumalma, pahupain ang galit sa loob ko, pero sa tuwing maiisip ko sima Mama at Papa, hindi maiwasan ng dibdib ko ang manikip.

Tamad kong inabot ang cellphone nang bigla itong tumunog. Isang message mula sa group chat namin. Agad kong pinalis iyon at nang mabura ay lumitaw ang lockscreen wallpaper ko. Ito 'yong kamay naming dalawa na kinuhanan ko nung gabing nag-aminan kami.

Muli akong humikbi.

May kung ano sa'kin ngayon na parang gusto nalang bumalik sa panahong 'to. Days with happy and sweet moments of us.

Lumipas ang mapait na gabing 'yon na magdamag akong gising. Pilit kong pinoproseso ang lahat ng nangyari. Ang hirap para sa'kin. Para akong binato ng bola na hindi ko namamalayan at tumama sa ulo ko.

Masakit na nakakabigla.

"Kuya!" sigaw ni Kylie mula sa labas ng kwarto na sinasabayan pa niya ng malakas na pagkatok. "Kuya, gising ka na ba? May ipapakita ako sa'yo!"

Hindi ko na sana siya kikibuin dahil wala akong ganang makipag-usap at magpapanggap na tulog pa, pero mas lalong lumakas ang katok niya sa pinto.

"Pumasok ka nalang!" mahinahong sigaw ko.

Bumukas ang pinto ng kwarto at agad na iniluwa no'n si Kylie. Malawak ang ngiti niya ngunit nang makita ang hitsura ng mukha ko ay napawi iyon at napalitan ng pagtataka.

"Alas diez na, Kuya, nakahilata ka pa rin?" tanong niya habang papalapit.

Hinapit ko ang kumot ko at ibinalot ang sarili doon. "Pagod ako..." palusot ko.

Fallen So DeepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon