Kabanata 30

20 0 0
                                    

Kabanata 30

"Sigurado kang kaya mong magmaneho? Puwedeng ako naman kung hindi mo kaya."

Hindi ko alam kung ilang beses na ba niyang itinanong sa'kin 'yan. Simula palang nung naglalakad kami papunta dito ay kinukwestyon na niya ako tungkol dito.

"Oo nga. Ang kulit mo," natatawang sagot ko at pinisil ang kaniyang pisngi.

"I'm just worried. Sabi mo kasi masakit pa rin 'yang..." He pointed pll my butt using his lips. "Baka kasi hindi ka maging komportable sa pagmamaneho mo."

Masakit pa rin naman talaga ngunit hindi na naman kasing-sakit tulad kagabi. Medyo mahapdi nalang at minsanan nalang ang pagkirot.

Kaninang nag-almusal kami bago umalis sa apartment niya, komportable naman ang pag-upo ko kaya siguradong hindi naman ako mahihirapan sa pagd-drive.

"Ayos na ako. No need to worry, okay? Atsaka kung sumakit man, 'di ikaw nalang ang pumalit sa'kin." I smiled to assure him. Tumango nalang siya at inayos ang kaniyang salamin.

Isang busina ng sasakyan ang pumukaw ng atensyon ko ilang sandali pa ang nakalipas. Nilingon ko ang isang itim na kotse na kalalabas lang mula sa isang garage at papalapit na sa'min. We're here in the parking lot of Municipal Hall, patiently waited for that car. 'Yan ang gagamitin namin sa paghahatid kay Yaz sa paradahan.

Maaga niya akong tinawagan kanina upang ipaalam na aalis na siya ngayong araw. She's supposedly to stay here in La Castellion for two days, pero sa kasamaang palad, kailangan niyang bumalik patungong Manila dahil sa nangyaring emergency call para sa grupo nila.

Hindi naman niya sinabi kung anong klase emergency 'yon, pero hindi na nakakapagtaka dahil madalas namang ginagawa iyon ng agency, kahit na sa'min.

"Salamat, Kuya Jojo," ani Nikkolai sa lalaking umasikaso sa sasakyan na isa rin trabahador sa munisipyo nang makababa ito.

"Wala 'yon, Mayor. Ingat kayo." Isang ngiti ang iniwan niya sa'min bago siya naglakad paalis.

Dahil ako ang malapit sa kotse ay binuksan ko na ang pinto ng passenger seat para sa kaniya. Malawak ang ngiti niya habang papasok siya loob. Sinara ko agad iyon nang makapasok na siya at mabilis na umikot sa driver seat.

Pagkapasok ay naabutan ko siyang nililibot ang mata sa loob at hinahawakan ang upuan at roof ng kotse habang may ngiti sa kaniyang labi.

"I'm glad na hindi ko naisipang ibenta 'to," sabi niua. "Lahat na ng sasakyan na naipundar ni Dad, naibenta namin para ibayad sa mga utang niya at para na rin sa disaster funds ng La Castellion. Ito nalang ang natira at 'yong UV."

Isinalpak ko ang susi sa ignition key nito at inikot na siyang bumuhay sa makina ng sasakyan.

"Bakit? May sentimental value ba sa'yo 'tong sasakyan?" tanong ko.

He nodded and put his seatbelt on.

"Ako ang bumili kotseng 'to gamit ang naipon kong pera noong nag-aaral pa ako. Nangako pa ako no'n sa sarili ko na dito ko isasakay ang mga magiging date ko." He shifted back his glance on me. "And now you're here, sitting beside me. Not just a date, but as my boyfriend."

Hindi maiwasan ang pag-initan ng pisngi. Nakakatuwa lang na marinig mula sa kaniya ang salitang iyon at nagsasabi kung ano ba ang gampanin ko sa kaniya.

Isang matamis na ngiti ang sumilay sa aking mukha bago ko simulang paandarin ang kotse.

"Wala kang ibang sinakay dito?" maitriga kong tanong na agad niyang inilingan.

Fallen So DeepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon