Kabanata 24
"Saan ka pupunta?" tanong ko nang biglang tumayo si Levi sa kinauupuan niya.
Nandito kami ngayon sa canteen ng eskwelahan. Pabilog ang aming puwesto sa pabilog na lamesa. We're doing a plan how we can give help in La Castellion. Kulang pa rin kasi hanggang ngayon ang budget ng bayan para sa nangyaring lindol.
Kaunti palang din ang nagbibigay ng mga donasyon at talagang nagigipit na sa lahat lalo na pagdating sa pagkain. Kaya naisipan na namin gumawa ng aksyon. Para sa kahit na maliit na paraan lang ay makatulong kami.
"Tutulungan ko si Mayor. Mukhang hirap sa binubuhat niya, e," tugon niya at sabay kaming lumingon sa likuran ko kung nasaan siya.
Buhat-buhay niya ngayon ang isang malaking kaldero. Mukhang mainit pa iyon dahil sa suot niyang pat holder sa kaniyang mga kamay. Iyon siguro ang lugaw na ipamimigay ngayong gabi.
Hirap na hirap siya ngayon dahil iika-ika pa rin siya kung maglakad dahil sa sugat niya.
"Hayaan mo na." suway ko. "Hindi niya kailangan ng tulong ng ibang tao. He can do it by himself."
"Ano? Nahihirapan—"
"Huwag na, Yago." malamig na sabi ko at inalis na ang mata kay Nikkolai.
Napakamot nalang siya sa kaniyang batok at kunot-noong tiningnan ako, maging ang ibang kasama ko.
Lumipas ang mga araw na tinuapad ko ang mga sinabi ko noong mga araw na 'yon. Talagang iniiwasan ko na lumapit sa kaniya. Ayaw ko na siyang kausapin pa. Hindi na ako nagtatangka na tulungan siya tuwing alam kong kailangan niya. Maging kahit ang pagtama ng mga mata namin ay hindi ko na hinahayaang mangyari.
Ayaw ko nang pakialaman pa siya.
Pero sa tingin ko, kahit parehas naming gustong hindi na magkalapit, para parehas naman kaming inaasar ng pagkakataon. Kahit anong subok namin, kahit anong gawin namin, patuloy kaming pinagdidikit sa iisang oras at lugar.
"Salamat, bro! Hindi ko talaga masasamahan si Nikkolai ngayon, e. Diretso na akong Manila niyan." paalam ni Rios habang tinutulungan akong magbaba ng mga kahon sa compartment ng kotse niya.
"Ayos lang," sabi ko at inilapag na ang huling kahon ng delata. "Gusto ko rin naman bisitahin ang mga tao dito sa simbahan." Sabay ngiti ko.
"Salamat talaga." He tapped my shoulder. "Una na 'ko, ha? Nasa airport na raw si Mama. Baka ilang araw din akong hindi makauuwi. She wants me to stay with her there hanggang sa Biyernes."
Tumango ako at nagpaalam na sa kaniya bago siya sumakay sa kaniyang kotse. Madali niyang napaandar ang sasakyan at sinundan ko siya ng tingin hanggang sa mawala na siya sa paningin ko.
Pinagpatong ko ang dalawang kahon ng delata, binuhat iyon na walang kahirap-hirap. Pagharap ko sa gate ng simbahan ay nakita ko na siyang naglalakad papasok doon, bitbit din ang ilang kahon ng damit na mula sa donasyon ng isang grupo mula sa isang organization sa Manila. Marami ito, may mga iilan lang talaga na ibibigay talaga para sa simbahan.
Ayaw ko naman talagang sumama kanina dahil alam kong kasama namin siya, pero dahil no choice ako sa rason ni Rios ay wala na akong nagawa.
Inisip ko nalang na panahon ito ng sakuna at kailangan ibaba ang pride ko.
Mga bata mula sa kubo ang unang nahagip ng mata ko. Maayos silang nakaupo, nakaharap sa isang pastor na mukhang tinuturuan sila ng mga aral ng Panginoon. May iilang bata ang napatingin sa'kin, nginitian ko naman sila. I even saw Toyang waving at me. Sinenyasan ko pa siya na ibalik ang atensyon sa pastor at pagalitan siya nito.

BINABASA MO ANG
Fallen So Deep
عاطفيةIsang pusong nakakulong sa obligasyon at isang pusong puno ng ambisyon ang pagtatagpuin ng isang misyon. Walang ibang bagay ang mahalaga ngayon kay Kiro Verona bukod sa matagal na niyang pangarap sa buhay, iyon ay ang sumikat ang bandang binuo niya...