Wakas

54 2 0
                                    

Wakas

"Kiro! Kanina pa ako naghihintay rito! Maiaabot mo pa ba 'yan?!"

Ang sigaw kong iyon ang umalingawngaw sa buong banyo habang nakasandal ako sa dingding, hubo't hubad at halos mangatog na sa lamig. Halos limang minuto na ako ritong naghihintay sa kaniya upang ipaabot ang tuwalyang nakalimutan kong dalhin.

"Sandali lang, tapusin ko lang 'to!" sigaw niya pabalik sa'kin mula sa kusina.

Dahil sa inis ay hindi ko na napigilan pang buksan ang pinto at silipin kung ano man ang ginagawa niya. Nakaupo siya sa isa sa mga upuan sa kusina, nakatalikod sa'kin, abalang nakayuko sa notebook na sinusulatan niya.

Why is he taking too long? Ano ba ang ginagawa niya?

"Ano, maiaabot mo pa ba?" muli kong tanong, bakas sa boses ang pagkainis.

"Sandali lang, isang linya nalang 'to. Hahanap lang ako ng tugmang salita rito," tugon niya na ikinapikon ko.

Bumagsak na lamang ang balikat ko at napabuga ng hangin sa bibig. Gano'n ba kaimportante ang ginagawa niya kaya tuwalya man lang hindi niya maiabot kahit sandali? Padarag kong binuksan ang pinto at pabagsak na isinara iyon.

Dahil sa lakas ng alingawngaw no'n ay lumingon siya sa gawi ko, tila gulat sa ginawa ko. Wala akong takot na naglakad kahit na walang saplot. Dahan-dahan lang ang hakbang ko dahil basa ang aking paa at baka madulas ako sa sahig.

"Anyare sa'yo? Bakit mo ibinagsak ang pinto? Galit ka ba?" kunot-noong tanong niya.

Malamig ko siyang tiningnan.

"Obviously, Kiro. Hindi pa ba halata sa hitsura ko?" sarkastikong sabi ko.

"Bakit? Hindi ko naman kasalanan na nakaligtaan mo ang tuwalya mo," giit niya.

"I didn't say that is your fault. Can't you just leave what you are doing for a short time so you can get the towel for me?"

"Hindi ba sinabi ko naman na sandali lang? Iaabot ko naman, e."

"Nevermind. Ako na ang kukuha. Just continue what you are doing."

Nilagpasan ko na siya at ilang hakbang pa lamang ang nagagawa ko ay narinig ko ang pagsipol niya.

"Nice back, baby. Baka naman, puwede mamaya?" mapaglarong aniya sabay halakhak. Dahil doon ay muli ko siyang nilingon, naabutan ko siyang nakanguso. "Puwede?"

"No," madiing sabi ko sabay bukas sa pinto ng kwarto namin. "Wala kang malalambing mamaya." Sabay sara ko ng pinto.

It's almost 9:00 when I looked at the wall clock. I sighed. I have an appointment in Barangay Espadas this morning, 10:00 a.m with Atesha Del Luna, the new chairman of that barangay. Siya ang papalit sa naiwang posisyon ng ama niyang namayapa na at ngayon ko iaanunsyo ang pagiging ganap niyang kapitan sa mga tao at ayaw ko naman na mahuli doon.

Hindi na ako nagaksaya pa ng oras at agad na nagbihis. Dahil pormal ang magaganap na seremonya, puting long sleeve at black pants na pinarisan ko ng black shoes ang sinuot ko upang maging pormal at kagalang-galang din ang maging dating ko sa mga tao.

Habang nag-aayos ng buhok at pinagmamasdan ang sarili sa malaking salamin na kaharap ko ay hindi ko mapigilan ang matuwa. I am still the mayor of La Castellion. Hindi ko na pa gustong tumakbo matapos ang lahat ng nangyari, pero dahil ako pa rin ang hinahanap-hanap ng karamihan sa mga tao ay pinagbigyan ko na.

They re-elected me last year. Tatlo ang naging kalaban ko at dahil ako nga ang gusto ng mga tao, ako pa rin ang nagwagi sa eleksyon. Isa na rin siguro na nagpalakas sa'kin sa mga tao ay ang napabalitang pagbubuwis ko ng buhay para lang mahuli si Papa.

Fallen So DeepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon