Kabanata 32

6 0 0
                                    

Kabanata 32

Love is really sweeter in second time around.

Iyon lang ang napagtanto ko simula nang magkabalikan kami ni Nikkolai.  Sa bawat halik, bawat yakap, at bawat mga mahihinang bulong ng mga salita ay ramdam ko ang tamis. Ang tamis na akala ko ay nawala sa'min nung iwanan ko siya.

Lumipas ang mga araw na naging maayos naman ang pagsasama naming dalawa. Sa pagkakataong ito, wala kaming ibang ginawa kundi ang bumawi sa isa't isa, pinupunan ang mga araw na nasayang namin noon.

May mga oras din naman na hindi namin nakakasama ang isa't isa dahil may pinagkakaabalahan kaming pareho; siya sa bayan ng La Castellion, habang ako naman ay ang band career ko sa Manila. Twice a month na rin ako kung umuwi dito sa La Castellion at isang linggo na nanatili dito para makasama siya at ang pamilya ko.

Isang taon ang lumipas na gano'n ang ginagawa ko, ginagawa namin. Sinisigurado ko talagang may quality time kaming dalawa.

I just want us to stay like this, being happy with him, with our relationship, pero alam kong imposible iyon na mangyari. May mga pagdadaanan pa kami, pero handa naman akong harapin iyon kasama siya.

"Bumangon ka na. Kumain na muna tayo. Mamaya na 'yan," muli kong pag-aaya sa kaniya sa ikalawang pagsilip ko sa kwarto.

He's still lying in bed, half naked. Tanging ang puting comforter lang ang nagtatakip sa kalahating parte ng katawan niya. Tutok ang mga mata niya ngayon sa harapan ng screen ng cellphone habang mabilis na pumipindot doon ang kaniyang mga daliri.

He's playing that shooting game again.

"Susunod ako," aniya, hindi man lang ako tinatapunan ng tingin. Napailing nalang ako dahil sinabi na niya iyan kanina, pero hindi naman niya ginawa.

Tapos ko ng lutuin ang lahat ng gusto niyang agahan pero heto pa rin siya patuloy na nakahilata't abala sa paglalaro.

Hindi naman niya madalas nilalaro ang larong 'yon, minsan lang kapag nasa mood siya. Pero kapag natutok na doon ang mata at atensyon niya, ang hirap na niyang kuhanin. Naiintindihan ko naman siya. 'Yan ang stress reliever niya lalo na ngayon na maraming problema ang bayang hinahawakan niya.

Nang hindi pa rin siya gumagalaw isang minuto ang lumipas ay pumasok na ako sa loob. At upang makuha ang atensyon niya ay itinaas ko ang dulo ng comforter at pumasok doon, gumapang pataas sa kaniya at ipinatong ang aking katawan sa ibabaw niya.

Ramdam ko ang init ng katawan niya at alam kong gano'n din siya dahil tanging boxer shorts lang ang suot ko.

"Hey, baby. I'm still playing. Mauna ka na doon, isang game nalang at susunod na ako. Promise." He still didn't steal a glance at me.

Gumapang pa ako paitaas sa kaniya hanggang sa maabot ko ang leeg niya. Isiniksik ko ang aking leeg ko doon at sininghot iyon na madalas kong ginagawa.

"Sabay na tayo" malambing na sabi ko sabay kagat nang marahan sa kaniyang leeg. "May pupuntahan pa tayo, e. Mamaya na 'yan."

Sinubukan kong agawin sa kaniya ang cellphone ngunit iniiwas niya ito mula sa'kin.

"Five minutes. Matatapos na 'to. Susunod na ako pagkatapos nito."

Heto na naman tayo sa susunod na 'to! At dahil hindi ko na natiis pang hindi mainis ay mabilis kong pinadausdos ang kamay ko hanggang sa makaabot 'yon sa gitna ng hita niya.

I immediately grab his bone, mahigpit at talagang walang kawala sa palad ko.

"Oh, God!" he shouted in shock. Muntikan pa niyang mabitawan ang cellphone niya at sawakas ay binigyan na rin niya ako ng tingin, napapasinghap habang kunot ang noo. "Anong ginagawa mo?! Bakit mo naman biglang sinakmal? Kiro, masakit 'yan ah!"

Fallen So DeepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon